Jump to content

ESEAP Hub/Grupo ng Kabataan

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page ESEAP Hub/Youth Group and the translation is 89% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang ESEAP Youth Group ay inisyatiba ng ESEAP Hub para suportahan ang mga kabataan sa rehiyon. Kasalukuyan kaming nasa proseso ng pagtatatag at pagtatakda ng estratehikong direksyon. Ang aming pangkalahatang misyon ay bigyang-kapangyarihan ang susunod na henerasyon ng mga pinuno ng ESEAP sa pamamagitan ng paglikha ng isang ligtas at inklusibong kapaligiran para sa pagkatuto sa kapwa, pagpapalakas ng kakayahan, at pakikipagtulungan sa pagitan ng iba't ibang kultura.

Tungkol sa Amin

Ang Aming Misyon
Ang misyon ng Grupo ay bigyang-kapangyarihan ang susunod na henerasyon ng mga pinuno ng ESEAP sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang ligtas at inklusibong kapaligiran para sa pagkatuto sa kapwa, pagtatayo ng kakayahan, at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga kultura.
Sino Kami
Kami ay isang inisyatiba ng mga aktibong kabataang boluntaryo mula sa rehiyon ng ESEAP, na pinagbubuklod ng hilig para sa mga proyektong Wikimedia at bukas na kaalaman sa Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, at Pasipiko.
Paano Kami Nagkikita
Inaasahan ng grupo na magdaos ng mga online na pagpupulong na nakatuon sa mga aktibidad, plano, at pagpapalitan ng kaalaman. Malugod na inaanyayahan ang lahat na dumalo at mag-ambag ng kanilang mga ideya at karanasan. Magkakaroon pa ng karagdagang impormasyon sa lalong madaling panahon!

Mga Layunin

Layunin ng ESEAP Youth Group na bigyan ng kapangyarihan ang mga batang editor at Wikimedian mula sa buong rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma para magbahagi ng mga karanasan, mabubuting gawi, at mga oportunidad sa tulong ng ESEAP Hub, lokal man o rehiyonal. Nilalayon namin na ang Youth Group ay:

Pagpapalakas ng kakayahan: Bigyan ang mga kabataang Wikimedian ng kasanayan, kaalaman, at mga kasangkapan upang makapag-ambag nang makabuluhan sa mga proyektong Wikimedia.
Pangrehiyong koneksyon: Bumuo ng matibay na network ng mga kabataang Wikimedian sa iba't ibang rehiyon ng ESEAP, na nagpapalago ng pakikipagtulungan at pagkakaisa.
Pagyunlad ng pamumuno: Palaguin ang mga kumpiyansado at bihasang kabataang pinuno na kayang magpatakbo ng mga inisyatiba ng Wikimedia sa kanilang mga lokal na komunidad.
Pagtututo sa kapwa: Paglikha at pagbibigay ng isang ligtas na lugar para sa pagbabahagi ng mga karanasan, pinakamahusay na gawi, at mga aral na natutunan sa iba't ibang wika at kultura.

Paano makilahok?

Sino ang maaaring sumali?

Bukas ang grupo sa mga kabataang Wikimedian na nakakatugon sa mga sumusunod na pamantayan:

  • 16 hanggang 30 taong gulang (kabilang)
  • Mamamayan o residente ng rehiyon ng ESEAP, o isang aktibong kontribyutor sa mga proyektong may kaugnayan sa ESEAP (kabilang)
  • May balidong Wikimedia account na may napatutunayang aktibidad sa nakalipas na isang taon
  • May mabuting katayuan sa komunidad ng ESEAP, sa kabataan, at sa pangkalahatan
Mga hakbang para sumali
  1. Aplikasyon: Punan ang opisyal na porma ng pagpaparehistro.
  2. Beripikasyon: Susuriin ng mga tagapag-ugnay ang iyong pagiging karapat-dapat.
  3. Onboarding: Kapag naaprubahan, idadagdag ka sa talaan ng mga miyembro.
Aplikasyon para sa pagiging kasapi

Upang mapanatili ang katayuang Aktibong Miyembro, hinihikayat kang:

  • Sumali sa mga online na pagpupulong
  • Makiisa sa mga pangkat na nagtatrabaho
  • Aktibong makilahok sa mga gawaing panggrupo

Tandaan: Ang mga miyembrong hindi aktibo sa mahabang panahon ay maaaring ilipat sa hindi aktibong katayuan.

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan at mga social media

Email: youth(_AT_)eseap.org

Telegram: t.me/ESEAP_Youth

Lista ng koreo: Iaanunsyo pa

Mga kasapi

Username Registered Country / Territory
Chlod 15 Mayo 2026 Pilipinas
Wiki Asmah 15 Mayo 2026 Malaysia
EmpAhmadK 15 Mayo 2026 Malaysia
Borschts 15 Mayo 2026 Hong Kong
Aspere 15 Mayo 2026 Timog Korea
Hacerbics 15 Mayo 2026 New Zealand
Tofeiku 16 Mayo 2026 Malaysia
Ericliu1912 16 Mayo 2026 Taiwan
Aristorkle 16 Mayo 2026 Pilipinas
Annidafattiya 16 Mayo 2026 Indonesia
PeaceSeekers 16 Mayo 2026 Malaysia
Rumandawii 16 Mayo 2026 Malaysia
Rafliyan18 16 Mayo 2026 Indonesia
Antaraese 16 Mayo 2026 Malaysia
Song GK 16 Mayo 2026 Malaysia
Rombituon 16 Mayo 2026
Syaasantoso 16 Mayo 2026 Indonesia
PhiliptheNumber1 17 Mayo 2026 Pilipinas
OwlyKnight 17 Mayo 2026 Indonesia
コヨミヤ 17 Mayo 2026 Hapon
FradonStar 17 Mayo 2026 Republikang Bayan ng Tsina
魔琴 17 Mayo 2026 Republikang Bayan ng Tsina
Cefena J 17 Mayo 2026 Malaysia
SCP-2000 17 Mayo 2026 Hong Kong
Kingoflettuce 17 Mayo 2026 Singapore
Lin Xiangru 18 Mayo 2026 Hapon
Raihankakicak 18 Mayo 2026 Indonesia
Volstand 18 Mayo 2026
ShiminUfesoj 18 Mayo 2026
Elmelson Mikekerry 18 Mayo 2026
Fishynila 18 Mayo 2026 Indonesia
Ga2by 19 Mayo 2026 Hapon
NHC 19 Mayo 2026 Taiwan
Jane9306 20 Mayo 2026 Taiwan
Jonathan5566 21 Mayo 2026 Taiwan
人间百态 24 Mayo 2026
Amir Hazim bin Abdul Aziz 25 Mayo 2026 Malaysia
Mirfaek 25 Mayo 2026 Republikang Bayan ng Tsina
WAqil 31 Mayo 2026
Hamish 31 Mayo 2026 Hong Kong
Exusiai 3 Hunyo 2026
1F616EMO 6 Hunyo 2026 Hong Kong
Twotwo2019 6 Hunyo 2026 Timog Korea
*Youngjin 6 Hunyo 2026
Noooote 6 Hunyo 2026 Pilipinas
Arcuscloud 8 Hunyo 2026
KenJstn 8 Hunyo 2026 Pilipinas
Humilis Kumulus 8 Hunyo 2026 Indonesia
Allen Marx 12 10 Hunyo 2026
ShmilyDigital 10 Hunyo 2026 Pilipinas
Swarabakti 10 Hunyo 2026 Indonesia
Xiangliangzai 10 Hunyo 2026 Indonesia
TorangEdit 10 Hunyo 2026 Indonesia
BlueberryCheeseCream 10 Hunyo 2026 Indonesia
Nasywaaf 10 Hunyo 2026 Indonesia
Bjeweld 12 Hunyo 2026 Pilipinas
Smellsmint 15 Hunyo 2026

Supporting members

Username Registered Country / Region
Nadzik May 16, 2026 Other


Mga pangkat ng trabaho

Pangkat ng trabaho Maikling paglalarawan Mga kasapi
Social Media and Outreach Working group to focus on handling social media activities for ESEAP Youth Group and promoting upcoming events to the general public through Wikimedia campaigning and social media channels.
Events and Capacity Building Coordinating and interacting with various parties (externally or internally) to create meaningful and impactful events for the members of the youth group.

Listahan ng mga kaganapan

Online na pagpupulong
Personal na pagpupulong (F2F)
Pagtitipon ng kumperensya
# Petsa Oras Lugar Mga kalahok (Mga) paksa Paunawa
1 13 Hunyo 2026 06:00 PM (UTC+8) Zoom meeting 23 Formation of initial task forces https://etherpad.wikimedia.org/p/EYG01

Mga pagsasanay sa kasanayan at pagpapalitan ng kaalaman

Petsa Pamagat (Mga) tagapagdaloy Kawing
Wala pa sa ngayon — makikita rito ang mga paparating na sesyon ng pagsasanay!

Paunawa

Ang ESEAP Youth Group ay isang inisyatiba na sinusuportahan ng ESEAP Hub at ginagabayan ng ESEAP Youth Group Charter.