Jump to content

ESEAP Preparatory Council/Panukalang Sistemang pang-Pamahalaan ng ESEAP Hub

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page ESEAP Preparatory Council/ESEAP Hub Governance Systems Proposal and the translation is 100% complete.

Ang pahinang ito ay nagpapakilala ng bagong panukala para sa "ESEAP Hub Governance System". Sumang-ayon ang ESEAP Hub Preparatory Council (EPC) na sumangguni sa buong pamayanan ng ESEAP sa panukalang ito, na nagbabalangkas ng dalawang bagong burador na sistema ng pamamahala. Bagama't hindi ito isang pormal na boto, ang mga isinaisip at diskarte na tumatanggap ng pinakamalakas na suporta mula sa ESEAP Wikimedians ay makakatulong sa paggabay sa kung ano ang dadalhin sa 2025 ESEAP Strategy Summit sa Maynila. May pangalawang pag-ikot ng pagsusuri at mga pagsasaayos na magaganap, batay sa mga puna at mga komentong maipon bago pa man. Ang mga pangwakas na kapasyahan tungkol sa sistema ng pamamahala ay gagawin nang may pakikipagtulungan ng lahat ng mga kalahok sa Summit.

Ang bagong panukalang ito ay hindi kasama ang karamihan sa mga partikular na mga detalye. Halimbawa, hindi nito tinutukoy kung ang ibig sabihin ng "matagal na hindi aktibo" ay 15 araw, anim na buwan, o isang taon. Sa yugtong ito, ang layunin ay simulan ang talakayan at tumuon sa pangkalahatang istruktura, ideya at proseso. Gayunpaman, ang mga mungkahi at pagbibigay-katwiran para sa mga partikular na detalye ay malugod pa ring tinatanggap, dahil makakatulong ang mga ito na ipaalam at makapagbigay ng sanggunian kapag nagbubuo at nagpapasya sa panghuling nilalaman nito sa Summit.

Mangyaring basahin nang mabuti ang bagong panukalang ito at iwanan ang iyong mga puna sa Talk page. Ang EPC ay magsasagawa rin ng mga online na pagpupulong bago ang Summit upang magbigay ng mga paliwanag at mangalap ng mga ambag at pananaw ng pamayanan. Ang araw at oras ng pagpupulong ay ipo-post dito.

Karanasan

Ano ang isinaalang-alang ng kasalukuyang draft Charter

Ang kasalukuyang balangkas ng ESEAP Charter (binuo noong 2023-2024) ay batay sa mga sumusunod:

  • Ang mga hub ay iba sa mga kaakibat (affiliates), na tumutuon sa madiskarteng gawaing pang-organisasyon sa halip na mga programa, pag-promote o outreach na kaganapan.
  • Walang mga partikular na kasapi ang Hubs, at sa halip ay kinikilala nila ang 4 na kategorya ng "Stakeholders": mga Kaakibat (Affiliates), Wikimedia core free-knowledge projects, unaffiliated thematic community o Proyektong pang-Wika (Language projects), at mga nagsasariling taga-ambag (independent contributors).
  • Upang matiyak ang pantay na timbang sa pagitan ng mga kaakibat - na maaaring may higit na kapasidad na mag-ambag sa kargada ng gawain - at iba pang mga stakeholder ng pamayanan (community stakeholders), ang isang katawan sa paggawa ng desisyon ay idinisenyo na binubuo ng mga kinatawan mula sa lahat ng mga kaakibat (affiliates) pati na rin ang mga inihalal na kinatawan mula sa iba pang mga pangkat ng stakeholder.

Bakit hindi na naaangkop ang kasalukuyang draft Charter

Ang kasalukuyang borador ng ESEAP Charter ay idinisenyo upang iayon at iangkop sa Movement Charter. Gayunpaman, dahil ang Movement Charter ay hindi naratipikahan, ang ESEAP Charter ay hindi na naaangkop sa kasalukuyan nitong anyo.

  • Ang isang maaring dahilan para sa pagtanggi ng Charter ay ang mga alalahanin tungkol sa iminungkahing mekanismo sa paggawa ng pagpapasya (ang Global Council). Ang mekanismong nakabatay sa komite na nakabalangkas sa kasalukuyang ESEAP Charter ay nahaharap sa mga katulad na isyu at hamon.
  • Ang iminungkahing paraan ng halalan ay nananatiling hindi malinaw at mayroon pa ring maraming hindi nalutas na mga suliranin, tulad nang kung paano pinipili ang mga botante.
  • Sa kabaligtaran, ang CEE Hub ay nagpatibay ng isang modelo nang walang partikular na itinalagang mga gumagawa ng hatol, na nakapag-simula nang gumana nang matagumpay. Maaari din na isaalang-alang ng ESEAP ang isang singtulad na diskarte sa mga unang yugto nito, upang maiwasan ang mahirap at masalimuot na mga isyu sa paligid ng indibidwal na pagpili at halalan, habang pinapagana ang mapagtulung na pamamahala.

Konsepto ng Disenyo ng bagong sistema

Ang dalawang draft na sistema ng pamamahala sa bagong panukalang ito ay naglalayon:

  • Iwasan ang paglikha ng isang sentral na organisasyon: maliban sa mga bagay-bagay sa paglalaan ng budget, ang modelong ito ay naglalayong panatilihin ang mga katutubo, desentralisado, hinihimok ng pamayanan, at kusang mga katangian ng kilusang Wikimedia hangga't maaari.
  • Tumutok sa pagpapadali at koordinasyon ng mga gawain sa halip na tumuon sa pagsusuri ng mga panukala.
  • Panatilihin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga Hub at mga kaakibat: sa mga pook/rehiyon na mayroon nang mga kaakibat ang layunin ay suportahan at palakasin ang paglago ng mga kaakibat; sa mga lugar/rehiyon na walang mga kaakibat ang layunin ay upang makapag-buo ng mga bagong kaakibat at suportahan ang mga user-group at iba pang mga stakeholder upang mabuo ng kanilang kapasidad.

Mga Bagong Sistema ng Pamamahala

Option 1: Bukas na Sistema ng Pakikilahok

Pangkalahatang Pananaw

Sa sistemang ito, ang lahat ng mga talakayan ay inilalagay sa mga pampublikong meta-wiki na pahina, na kinukumpleto ng mga regular na online na pagpupulong upang matukoy:

  • kung may nakamit na pagkakaisa (consensus) sa iba't-ibang mga isyu?
  • ano ang consensus na iyon? at
  • kung paano magpatuloy sa mga usapin kung saan hindi pa nakakamit ang consensus o isang nabuo na kalutasan.

Upang matiyak ang katuparan sa paraan ng pagpapasya (decision-making method), isang Working Group ay isasabuo, na may mga naghahalinhinan na mga kinatawan mula sa ilang kaakibat (affiliates). Ang pangkat na ito ay tutulong sa mga pagtitipon ng pag-desisyon sa mga bagay tulad ng paglalaan ng budget, pag-kontrata, at iba pang mahahalagang gawain at mga kinakailangang bagay.

Paraan ng Pagpapatupad

  1. Lumikha ng mga pahina ng panukala at talakayan at mga template sa Meta, upang maglingkod bilang mga espasyo para sa mga mungkahi at sa pagbuo ng consensus. (Kung may magagamit na mga online na platform sa pamamahala ng proyekto, magagamit din ang mga ito, na maaaring higit na mainam pa).
    Sinuman ay maaaring magpasimula ng isang panukala.
  2. Ang mga panukala na nangangailangan ng mga mapagkukunan ay dapat magkamit ng kasunduan (consensus) sa isang takdang panahon. Kapag ang kasunduan ay naabot, ihahatid ng nagmungkahi ang panukala sa Pagpupulong ng Paggawa ng Kapasyahan (Decision-Making Meeting) para sa pag-aangkop.
  3. Ang mga hinirang na kawani ay mag-aanyaya ng 5 boluntaryo upang bumuo ng isang "Working Group". Ang mga kasapi ng Working Group ay mga kinatawan ng Hub at dapat magsagawa ng online working meeting minsan sa isang buwan upang suriin ang mga ulat sa mga gawain. Dapat din silang magbigay ng feedback sa mga panukala, para sa pagsasaalang-alang ng mga decision meeting participants.
    Ang mga kasapi ng Working Group ay dapat na mayroong karanasan sa pamamahala ng organisasyon at dapat na nagmula sa iba't-ibang bansa, may mga limitasyon sa termino, at ang isang bahagi ng mga kasapi ay dapat palitan taun-taon upang matiyak ang mga pagkakataon para sa pakikilahok mula sa iba't-ibang rehiyon.
  4. Kasunod ng working meeting, isang online na "Decision-Making Meeting" ay gaganapin upang matukoy kung ang lahat ng mga panukala ay ipapatupad, tatanggihan, o mangangailangan ng karagdagang talakayan. Ang Pagpupulong sa Paggawa ng Desisyon na ito ay magpapasya din sa paglalaan ng budget batay sa mga rekomendasyon mula sa Working Group. Sa prinsipyo, kahit sino ay maaaring magparehistro upang makalahok sa mga Pagpupulong sa Paggawa ng Desisyon, ngunit gayunpaman, magkakaroon ng mga mekanismo upang maiwasan ang labis na representasyon o hindi matimbang na impluwensya mula sa isang bansa o grupo.

Mga Pakinabang

  • Naaayon sa katutubo at bukas na diwa ng kilusang Wikimedia.
  • Ganap na inaalis ang pangangailangan para sa anumang anyo ng halalan.

Mga maaring panganib

  • Maaaring magresulta sa lalong mabagal o mababang kahusayan sa paggawa ng desisyon at/o magkasalungat na desisyon.
  • Maaaring mahirapan na magbuo ng mga katamtaman at pangmatagalang estratehiya.
  • Kung mababa ang partisipasyon ng boluntaryo, ang Hub ay maaaring ganap na kontrolin o dominado ng isang maliit na bilang ng mas aktibong organisasyon o indibidwal.

Option 2: Sistemang taga-Estratehiya

Pangkalahatang Pananaw

Ang modelong ito ay katulad ng kung paano gumagana ang mga administrador sa mga proyekto ng Wikimedia, ngunit nagpapakilala ng mga quota upang matiyak ang representasyon ng mas maliliit na pamayanan (communities). Ang mga pinagkakatiwalaang kasapi (members) ng pamayanan ay inihalal bilang Mga taga-Istratehiya, na binibigyan ng awtoridad sa paggawa ng desisyon. Ang consensus ng pamayanan ay kinakailangan lamang kapag kinakailangan upang ituro ang Mga taga-Istratehiya sa mga pangunahing madiskarteng direksyon. Maaaring gumamit ang mga taga-Istratehiya ng mga nababaluktot na pamamaraan upang magtatag at bumuo ng mga mekanismo sa paggawa ng desisyon at magpulong ng mga pagpupulong para sa paggawa ng desisyon anumang oras.

Paraan ng Pagpapatupad

  1. Ang mga indibidwal na may pangmatagalang kontribusyon sa mga proyekto ng Wikimedia at nakakaalam sa pamamahala ng organisasyon ay maaaring mag-nominate ng sarili; ang mga tumatanggap ng mga boto ng tiwala ng pamayanan ay magiging "Mga taga-Estratehiya".
    Ang mga nominasyon at pagboto ay maaaring maganap anumang oras, na may mas mababang mga hangganan (threshold) na ibinibigay para sa mga pamayanan na kulang sa representasyon.
  2. Ang bawat taga-Estratehiya ay magkakaroon ng Home Wiki. Walang pagpigil sa bilang ng mga taga-Estratehiya mula sa isang Home Wiki, ngunit kung kinakailangan ang pagboto, mayroong hangganan sa bilang ng mga taga-Estratehiya na may mga karapatan sa pagboto.
  3. Ang mga taga-Estratehiya ay namamahala sa kanikanilang sarili. Kapag naabot na ang sapat na bilang, magtatatag sila ng mga detalyadong mekanismo sa paggawa ng mga kapasyahan at sila'y hahalal ng mga kinatawan o isang kinatawan ng pangkat para sa Hub.
  4. Ang mga taga-Estratehiya ay hahawak ng panghabambuhay na kinaluluklukan, ngunit may mga panuntunan para sa pagpapaalis sa mga pagkakataon ng pangmatagalang kawalan ng ginagawa.

Mga Pakinabang

  • Nagbibigay ng mga lalong malinaw na tungkulin at pananagutan sa paggawa ng desisyon, habang pinapanatili ang pagiging bukas.
  • Bagama't kinakailangan ang halalan, mas madali itong ipatupad at lalong madaling pamahalaan.
  • Higit na kakayahang umangkop at kahusayan sa paggawa ng desisyon kumpara sa Option 1 (Open Participation System).

Mga maaring maging panganib

  • Ang paghirang at pag-alis ng mga taga-Estratehiya ay maaaring maging sanhi ng pagkabalisa sa pamayanan, lalo na sa paligid ng pampublikong kritikal sa panahon ng halalan.
  • Kung ang mga mekanismo ng paggawa ng desisyon sa loob ng mga taga-Estratehiya ay mahina, maaaring sumanhi ito sa mga hidwaan o maling mga kapasyahan.