Jump to content

Pang-estratheyang Ugnayan ng ESEAP 2025

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page ESEAP Strategy Summit 2025 and the translation is 100% complete.


Ang ugnayang ESEAP Strategy Summit 2025 ay isang nagdaang summit para sa mga kaakibat ng Wikimedia at mga inimbitahang mga taong mapaguukulan ng kaalaman sa rehiyon ng ESEAP — upang pag-usapan ang Diskarte ng Kilusan, kabilang ang anumang mga pagsulong sa palibot ng Movement Charter, pati na rin ang mga paksa para sa mismong ESEAP Hub kasama ang sarili nitong Charter. Napili ang Maynila, Pilipinas, bilang tagataguyod na lungsod para sa kaganapan ng mga kalahok ng ESEAP Conference 2024 sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Mga Nakalipas

Ang Silangan at Timog Silangang Asya at ang Pasipiko ay ang mga rehiyong hindi gaanong kinakatawan sa loob ng pamayanan ng Wikimedia. May malaking bilang ng mga taga-ambag sa Wikimedia sa aming mga rehiyon, ngunit patuloy kaming nakikibaka sa pagtatag ng isang mahusay na pinamamahalaang pamayanan. Ang kumperensyang ito ay magbubuklod ng mga kalahok mula sa iba't-ibang mga komunidad ng ESEAP upang lalong maunawaan ang mga suliranin at maghanap ng mga solusyon. Nilalayon din nitong ugnayin ang mga tao ng kilusang Wikimedia sa loob ng mga rehiyon ng ESEAP, upang makapag-bahagi ng mga ideya, at magbuo ng mga pagtutulungang rehiyonal na hindi makakayang makamit sa pamamagitan ng online na komunikasyon.

Layunin

Sinisimulan namin ang Pang-estratheyang Ugnayan ng ESEAP 2025 upang:

  • Magbigay ng isang paraan para sa pagsubaybay at pagsusuri sa katayuan ng kasalukuyang estratehikong paroroonan ng Rehiyong ESEAP batay sa mga pag-uusap sa mga nakaraang Summit.
  • Lumikha ng bukas at makatawag-pansin na mga talakayan ng komunidad at pagyamanin ang mga hinaharap na cross-cultural na pakikipagtulungan ng mga bansa sa Rehiyong ESEAP.
  • Maging isang pook ng pagdaos para sa mga kasapi ng pamayanan upang sila'y makapag-usap sa ilang mga kasapi ng mga Working Group ukol sa Estratehiya ng Kilusan upang magabayan nila ang mga kalahok tungkol sa mga bagay-bagay o alalahanin na lumitaw sa pakikipag-usap nila sa mga pangkalahatang working group at sa mga kasulatang sumasaklaw.

Kabilang dito, ngunit hindi kukulangin, ang pagbibigay ng mga paglilinaw, pagbigay-halimbawa ng maaring kaganapan sa hinaharap, at pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa loob ng kanilang mga tinalagang pangkat ng gawain.

  • Magbuo ng istrukturang pagtaguyod para sa mga pamayanan ng Wikimedia at mga boluntaryo sa mga tuntunin ng pag-sisimula, pakikipag-ugnayan ng boluntaryo, at mga teknikal na hamon.
Event Details


Pinagsamang pahayag ng mga Pilipinong Wikimedian na tangkilikin ang ESEAP Strategy Summit sa Maynila

Ang mga kalahok ay nagsasalita ng mga lokal na parirala tulad ng Mabuhay sa Pambansang Museo ng Antropolohiya ng Pilipinas


Mga Kumperensya at Summit ng ESEAP
20182019202220232024202520262027