Pangyayari: Birtuwal na Pagdiriwang sa Wikipedia 25
Appearance

Maligayang kaarawan, Wikipedia!
Ang pandaigdigang virtual na birthday party ng Wikipedia ay makakamit na panoorin muli sa YouTube at Wikimedia Commons.
Ang kasamang mga tampok ng pagdiriwang

- Isang pasimulang pagbilang: Isang 15-minutong pre-party, simula sa 15:45 UTC, na may mga trivia sa Wikipedia at mga pagbati sa kaarawan mula sa buong mundo.
- Isang pagtanaw sa 25 taong mahusay na kolaborasyon: Panoorin kung paano lumago ang 300+ wikang Wikipedia mula nang isinilang ang Wikipedia noong sangkapat na siglo sa maikling pariralang "Hello, World!"
- Isang pagpugay sa mga usapan: Paggalang sa mga pagtatalo, paglilihis, at pagbubuo ng mga pinagkasunduan na bumubuo sa Wikipedia... sa layunin ng Wikipedia.
- Mga pagganap sa musika: Mga piraso na nilikha sa mga nilalaman ng Wikipedia at Wikimedia, na isinulat para sa mga editor na nagpapatakbo sa mga proyekto.
- Mga laro sa Wikipedia: Isang pagkakataon upang subukan ang iyong kaalaman at manalo ng bago at espesyal na edisyon ng Wikipedia 25 merch.
- Mga spotlight sa mga Wikipedian kahit saan man: Mga kuwento mula sa iba't ibang rehiyon at henerasyon.
- Mga espesyal na pagpapakita ng panauhin: Dahil bawat magandang kaarawan ay nangangailangan ng ilang hindi inaasahang cameo at ilang matagal nang paborito.
Mga larawan at trivia ng cake at moda

- Mga larawan ng wikicake at wikifashion. Maraming salamat sa pagpadala sa amin ng mga larawan ng inyong mga wikicake at wikifashion hanggang Enero 11! Ipapakita namin ang mga larawang iyan sa kalagitnaan ng ating party!
- Magpadala ng mga trivia upang mabigla si Jimmy! Maraming salamat sa lahat na nagpadala ng kanilang mga trivia hanggang Enero 4! Sisikapin naming magiging marami ang maisali naming mga trivia sa aming pagtatanghal!
Live na interpretasyon
Ang party ay isasalin sa wikang Arabic, wikang Intsik, wikang Pranses, wikang Portuges, at wikang Espanyol.
Paano sumali
Nag-stream ang party sa Website ng Wikimedia Foundation sa anim na wika – Arabo, Tsino, Pranses, Ingles, Portuges at Espanyol.
Nakapamili din ang mga tagapanood na mag-stream sa YouTube channel ng Wikipedia, subalit ang himpilan na iyon ay sa Ingles lamang.
Ang kawa mga channel ay magkakaroon ng chat at pagkakataon na manalo ng mga premyo!
