Jump to content

Mga patakaran para sa magiliw na espasyo

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Friendly space policies and the translation is 100% complete.

Ang mga patakaran para sa magiliw na espasyo ay mga guideline para sa mga personal at virtual na pagtitipong pangkomunidad ng Wikimedia na nagpapayo sa lahat ng mga kalahok na maghikayat ng isang mabuti at nakatutulong na karanasan para sa lahat ng ibang mga kalahok. Isang kaugnay na konsepto ay ang kodigo ng pag-uugali, isang patakaran na gabay sa pag-uugali sa lahat ng konteksto at hindi lamang para sa mga kaganapan sa personal, gaya ng ginagawa ng isang patakaran para sa magiliw na espasyo.

Pangkalahatang patakaran para sa magiliw na espasyo para sa mga kaganapang Wikimedia

Ang komunidad ng Wikimedia ay nakatuon sa pagbibigay ng isang welcoming experience para sa lahat, anuman ang kanilang kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlang pangkasarian o ekspresyon, kapansanan, hitsura, lahi, relihiyon, o kinagugustuhang malayang lisensya (at hindi limitado sa mga aspektong ito). Hindi namin pinahihintulutan ang panliligalig sa mga kalahok ng kaganapan. Ang mga kalahok na lumalabag sa mga patakarang ito ay maaaring pakiusapan na lisanin ang kaganapan sa prudensiya ng mga tagapag-ayos ng kaganapan.

Depinisyon ng panliligalig

Kasama sa panliligalig ang:

  • Mga masasakit na pananalita na may kaugnayan sa kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan o pagpapahayag ng kasarian, kapansanan, hitsura ng katawan, laki ng katawan, lahi, etniko, pulitika, o relihiyon.
  • Sadyang pananakot, stalking, hindi inaasahang pagsunod, mapang-abusong pagkuha ng larawan o pag-record, patuloy na paggambala sa mga pag-uusap o iba pang mga kaganapan.
  • Hindi kontekstwal na pagpapakita ng mga imaheng sekswal, hindi akmang pisikal na pagdadampi, at di-ninanais na sekswal na pansin.

Ang mga kalahok na pinakiusapang itigil ang gayong pag-uugali ay inaasahang susunod kaagad.

Mga kilos na mapagwasto

Dahil ang mga kaganapang pangkomunidad ng Wikimedia ay pinamamahalaan ng mga volunteer, ang mga event organizer ay umaasa sa lahat ng mga dadalo para sa pagtulong sa pagpapanatili ng patakarang para sa magiliw na espasyo. Kung ikaw ay nililigalig, makakita ng ibang taong nililigalig o may iba ka pang mga alalahanin, agad na makipag-ugnayan sa isang miyembro ng event staff.

Kung ang mga organizer ay nababahala sa pag-uugali ng isang indibidwal o makatanggap ng reklamo, maari silang gumawa ng mga hakbang na angkop sa sitwasyon. Maaari ay isang pribadong paalala sa taong sangkot; sa mas seryosong mga kaso ay maaaring kinakailangan silang pakiusapan na umalis. Sa mga kaso ng stalking, maaaring makapagbigay ang event staff ng mga escort.

Ang mga indibidwal na may gawi ng ugaling mapang-abuso, nagbabantang mang-abuso ng mga tao o manggambala sa isang kaganapan, ay maaaring pakiusapan na huwag dumalo.

Ang anumang mga alalahanin sa pagpapatupad ng patakaran na ito ay dapat na itaas sa mga tagapag-ayos ng kaganapan sa unang pagkakataon, o sa kalakhang komunidad ng Wikimedia ayon sa kahilingan.

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Para matulungan ang mga attendee na manatiling ligtas at makipag-ugnayan kapag may emerhensiya, kapaki-pakinabang na ilista ang mga sumusunod na numero:

  • Ang mga tagapag-ayos ng kaganapan (mainam na pang-24 oras na numero)
  • Seguridad ng hotel o venue
  • Lokal na tagapagpatupad ng batas
  • Lokal na sexual assault hotline
  • Lokal na pang-emerhensiya at hindi pang-emerhensiya na mga serbisyong medikal
  • Lokal na kumpanya ng taxi

Tingnan din

Katulad na mga patakaran para sa mga partikular na uri ng kaganapan:

Mga patakaran at pahinang may kaugnayan:

Mga patakarang online para sa magiliw na espasyo: