Jump to content

GLAM Wiki 2025/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page GLAM Wiki 2025 and the translation is 67% complete.

The GLAM Wiki Conference 2025: A Week of Connection and Inspiration in Lisbon

Group Photo — GLAM Wiki Conference 2025
Group Photo — GLAM Wiki Conference 2025

From 30 October to 1 November, the global GLAM, Culture and Heritage, and Wiki communities came together in Lisbon for the latest edition of the GLAM Wiki Conference.

Over three vibrant days, participants enjoyed more than 40 presentations and over two dozen workshops and trainings, all exploring this year’s inspiring theme: Resilience: Shaping the Future Through Community and Openness.

Couldn’t make it or want to relive your favourite moments? You can now watch the session recordings from the Auditorium, browse slides and documentation, and explore photos here on the program page and on Commons.

Malugod na pagdating sa GLAM Wiki 2025, ang kumperensyang GLAM, Kultura at Pamana ng kilusang Wikimedia!

Ang pamayanan ng GLAM Wiki ay isang pandaigdigang network, na may mga proyekto, inisyatiba, at aktibidad na sumasaklaw sa bawat timezone at kontinente. Ang kumperensyang ito ay nagsisilbing isang mahalagang pagtitipon para sa pamayanan — isang panahon upang ipagdiwang ang mga tagumpay, pagpapalitan ng mga karanasan, pagyamanin ang pag-aaral, palakasin ang mga ugnayan, at magkatuwang na hubugin ang kinabukasan ng ating ibinahaging misyon.

Ang kaganapang ito ay ugnayang-binuo ng Wikimedia Portugal (WMPT) at Wiki Editoras Lx (WELx). Maaari kang magbasa nang higit pa tungkol sa pakikipagtulungang ito sa Diff.

Ang tema ng ating kumperensya: Katatagan

Paghubog sa Kinabukasan sa Pamamagitan ng pag-Pamayanan at Pagkabukas

Ang katatagan ay ang kakayahang umangkop, makabawi, at umahon nang mas malakas sa harap ng mga hamon, magmula man ito sa mga natural na sakuna, pagbagsak ng ekonomiya, kaguluhan sa lipunan at pulitika, o mga banta sa teknolohiya. Ang ating kilusan at pamayanan ay patuloy na nakatatagpo ng mga hadlang na ito, ngunit higit sa lahat, natutunan natin na lakbayin at lampasan ang mga ito. Panahon na para ipagdiwang ang ating mga tagumpay, pahusayin ang ating mga kakayahan at kakayahan, at pagsamahin ang ating mga pagsisikap na likhain ang hinaharap na ating inaakala. Katatagan sa maraming mga anyo nito ang tema ng kumperensya ng GLAM Wiki 2025.

Ang katatagan ng pamayanan ay umuunlad sa pakikipagtulungan at ugnayan. Binibigyang-diin natin ang bukas na pag-uusap, pagbuo ng ugnayan, at pag-aaral mula sa isa't-isa, lahat habang nagsusumikap tungo sa ibinahaging layunin at isang madiskarteng pananaw. Higit pa sa ating agarang kilusan, itinataguyod natin ang mga isyung sumasalamin sa atin, na tumatanggap sa pagkakaiba at inklusibong pananaw sa dinaraanan.

Nakatuon ang digital resilience sa pagpapabuti ng mga kagamitan at sa pagpapaunlad ng patuloy na pagbabago. Kasama sa ating mga pinapanguna ang dokumentasyon, preserbasyon, digitization, at pangangasiwa, lahat ay pinalakas ng mga paninindigan ng bukas na pag-access at isang malusog na imprastraktura ng teknolohiya. Sa loob ng higit sa isang dekada, ang uniberso ng Wikimedia ay naging kasosyo ng pamayanan ng GLAM sa larangang ito, at umaasa tayo na patuloy na gawin ito.

Sino ang mga Dapat Dumalo?

Idinisenyo ang kumperensyang ito para sa mga indibidwal at organisasyong nakikibahagi sa mga inisyatiba sa kultura at pamana sa loob ng bukas na kilusan. Kabilang sa ating mga target na kalahok ang:

  • Mga Kasapi ng Pamayanang Wikimedia na gumagawa sa mga proyekto sa mga institusyong pamana o nagpapatakbo ng mga kampanya upang mapahusay ang representasyon ng pagkakaiba-iba ng kultura at pamana. Mga Tagapamahala ng GLAM sa mga Kaakibat, WiR sa mga institusyong pamana ng kultura, bukod sa iba pa.
  • Mga Propesyonal mula sa mga gallery, aklatan, archive, at museo (mga GLAM), lalo na yoong mga kasama sa mga pakikipagtulungan ng Wikimedia, na naglalayong makipagpalitan ng kaalaman at pinakamahusay na kasanayan.
  • Mga Akademiko at mga Tagapag-saliksik na may humaling sa bukas na pag-access sa mga materyal na pangkultura at pamana, siyasatin kung paano maaaring maglingkod at maging kapaki-pakinabang ang mga proyekto ng Wikimedia para sa kanilang gawain.
  • Public Policy Advocates at Civil Society Organization na gumagawa upang palawakin ang pag-abot ng kaalaman sa kultura at pamana, lalo na para sa mga pangkat na pang-kultural na pamayanan na kulang sa representasyon at pag-uukol ng tulong.
  • Mga kasosyong External gaya ng mga internasyonal na organisasyon na nakatuon sa pagkakapantay-pantay ng kaalaman at pagbahagi ng digital heritage.
  • At ikaw!

Bakit Mahalaga ang In-Person

Binibigyang-diin ng kumperensyang ito ang kapangyarihan ng harapan na pakikipag-ugnayan para sa estratehikong pagpaplano at pagpapalakas sa pakikipagsanib, pati na rin ang mga makabuluhang karanasan sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga tinig mula sa buong kilusan ng Wikimedia at higit pa, nilalayon naming himukin ang mga talakayan tungkol sa inclusivity, representasyon, at mga sustainable na pagsisikap ng digital heritage.

Samahan ninyo kami!

Habang tayo'y nagtutulungan upang itaguyod ang bukas na kultura at tiyakin ang kaabot-abot na pamana para sa mga susunod na henerasyon!

Photos & Media

Remember not to upload photos of people wearing orange lanyards. Thank you!