Pag-link sa mga account sa advertising sa labas
| The following page is a translation of cross-project policy into Tagalog language. Please note that in the event of any differences in meaning or interpretation between the original English version of this document and a translation, the original English version takes precedence. This page has been developed and approved by the community and its compliance is mandatory for all users. It must not be modified without prior community approval. |
Polisiya
Alinsunod sa Mga Panuntunan sa Paggamit (Terms of Use) ng Wikimedia, Seksyon 4, ang komunidad ay nangangailangan ng mas detalyadong pagsisiwalat (disclosure) mula sa mga partikular na uri ng mga binabayarang editor (paid editors):
Hinihiling namin sa mga sangkot sa binabayarang pag-eedit (paid editing) sa Wikipedia na ilagay sa kanilang user page ang link patungo sa lahat ng iba pa nilang aktibong account sa mga panlabas na website kung saan nila itinataguyod ang negosyo ng binabayarang pag-eedit sa Wikipedia.
Pagpapatupad
Bilang bahagi ng pagpapatupad, gagamit kami ng software upang matukoy kung aling mga Wikipedia user page ang may kasamang link patungo sa mga advertising account. Kasalukuyan pang sinusuri ang software na ito. Kung, sa anumang dahilan, naniniwala ka na ang iyong link sa isang advertising account ay hindi naitatala ng software sa mga talahanayan sa itaas, maaari mo kaming ipagbigay-alam sa talk page ng polisiyang ito. Pakisama ang link patungo sa advertising account at sa iyong Wikipedia user page sa nasabing post.
Ang mga akusasyon sa wiki na "hindi nagbibigay ng isang link" nang walang katibayan ay itinuturing na pag-aabuso at maaaring sanctioned. Gayunman, ang pagpapakilala sa isang tao ng patakaran na ito ay angkop.
Isang email ang ipadadala sa mga pangunahing freelancing platform (kabilang ang Upwork, Fiverr, Freelancer, at Guru) upang ipabatid sa kanila ang bagong kinakailangang (requirement) ito.