Jump to content

Pamayanan ng Pilipinas Panorama/Kalayaan ng Panorama

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Pilipinas Panorama Community/Freedom of Panorama and the translation is 100% complete.
Unang pahinaPagkakasapìKalayaan ng PanoramaPamanang PangkalinanganGLAM-on-TourMga kaganapanMga Pagtitipon

Ang Pilipinas Panorama Community (PPC) ay isang tematikong Wikimedya na organisasyon na nakahimpil sa Pambansang Kabisera na Rehiyon ng Pilipinas.

Ang pamayanang ito ay itinatag ng mga Pilipino na Wikimedians na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, kultural na pamana, kasaysayan, wika at etnisidad, sining, kalayaan ng panorama, at Estratehiya sa Kilusan ng Wikimedia, na nag-aambag sa pagpapalawak ng pandaigdigang pagkakaroon ng libreng kaalaman.

Kalayaan ng Panorama (Freedom of Panorama o FoP) sa Pilipinas

Karamihan sa mga ambag ay mula kay User:JWilz12345 .
Mga Hashtag

Facebook: #FreedomofPanoramaPH; Twitter: #FreedomofPanoramaPH Facebook: #FoPinPH; Twitter: #FoPinPH

Mga Kahulugan ng "Freedom of Panorama" (FoP)


  • Ayon kina Dulong de Rosnay at Langlais (2017) – "ang legal na karapatan sa ilang bansa na maglathala ng mga larawan ng mga likhang-sining, iskultura, ukit, gusali, o monumento na nasa mga pampublikong espasyo, kahit na ang mga ito ay nasa ilalim pa rin ng karapatang-ari (copyright)."[1]
  • Ayon kay Atty. Chuck Valerio ng IPOPHL na sinipi ni Reyes (2021) – "isang eksepsiyon sa ilalim ng mga batas sa karapatang-ari, tulad ng patas na paggamit (fair use), na nag-aalis sa pangangailangang kumuha ng paunang pahintulot mula sa may-ari ng karapatang-ari para sa paggamit ng isang akda."[2]

Sa madaling salita, ang kalayaan ng panorama ay isang hindi gaanong kilala ngunit mahalagang legal na karapatan para sa mga litratista, netizen, at content creator na malayang makakuha ng larawan ng mga pampublikong likhang-sining at arkitektura na matatagpuan o nakikita sa mga pampublikong espasyo, na karaniwang inilalagay nang permanente (hal. kalayaan ng panorama sa Switzerland) o pangmatagalan (hal. kalayaan ng panorama sa Taiwan).


Mga Benepisyo ng Kalayaan ng Panorama

  • Mga litratista: malayang maibabahagi at maipapamahagi ang kanilang mga larawan ng arkitektura at monumento sa Internet, lalo na sa mga site ng media archive at stock image tulad ng Wikimedia Commons, Flickr, Unsplash, Pexels, Pixabay, at Getty Images, sa ilalim ng mga lisensyang nais nila nang walang mga paghihigpit sa karapatang-ari ng arkitektura o iskultura.
  • Paggamit ng mga nasabing larawan sa mga souvenir item sa turismo tulad ng mga print sa T-shirt, disenyo ng kalendaryo, post card, at marami pang iba, na nagtataguyod sa industriya ng turismo ng isang bansa.
  • Libreng paggamit ng mga naturang larawan sa mga commemorative stamp (selyo), lalo na ng Philippine Postal Corporation (PhilPost).
  • Mga content creator: paggamit ng mga naturang larawan sa kanilang mga YouTube o Facebook vlog, kahit na para sa mga layuning komersiyal o semi-komersiyal.
  • Mga web developer at mobile app developer: paggamit ng mga naturang larawan sa kanilang mga platform (mga website at app tulad ng mga game app).
  • Augmented reality[3] at mga virtual reality platform.
  • Mga pintor: malayang makalikha ng mga pagpipinta na naglalarawan ng cityscape o townscape bilang kanilang mga paksa, na maaari nilang ibenta para sa kanilang ikabubuhay.
  • Mga netizen: kalayaan na ibahagi ang kanilang mga larawan sa bakasyon ng parehong mga akda sa social media o sa Flickr.
  • Mga tagapaglathala ng aklat: kalayaan na magamit ang mga naturang larawan bilang mga pabalat ng aklat.
  • Mga materyales sa advertising: tulad ng mga patalastas sa TV at online, at mga billboard tarpaulin.
  • Mga kompanya ng produksiyon sa paggawa ng teleserye at pelikula (tulad ng Regal, Viva, Dreamscape, ABS-CBN, GMA, at iba pa): legal na mailalarawan ang parehong mga akda sa kanilang mga audio-visual na output.
Para sa mga arkitekto
  • "Ngunit ang pinakamahalaga para sa mga arkitekto, tayo ay nabubuhay sa isang mundo kung saan ang mga larawan ng ating itinayong kapaligiran - na malayang ibinabahagi ng mga tao sa pamamagitan ng internet - ay lalong nagiging mahalaga sa pagbuo ng diskurso tungkol sa kapaligirang iyon. Nabubuhay tayo sa isang mundo na nangangailangan ng kalayaan ng panorama upang magawa ng mga arkitekto na mas mapabuti ang mundo. At dapat ikadismaya ng mga arkitekto kung gaano karaming mga paghihigpit ang inilagay, at patuloy na inilalagay, sa kalayaang iyon." (_ Rory Stott ng Archify)[4]
2017 FoP poster tungkol sa FoP, ng Wikimedia Deutschland

Wikimedia Commons

Ang Wikimedia Commons (o "Commons"), isang kapatid na site ng Wikipedia at naka-host sa Wikimedia Foundation, ay tumatanggap lamang ng mga freely-licensed (malayang nalisensyahan) na media file ayon sa pahina ng patakaran nitong "Commons:Licensing", tulad ng mga file sa ilalim ng Creative Commons Atribusyon at/o Creative Commons Atribusyon-Pagpapamahaging Magkatulad. Hindi ito tumatanggap ng nilalamang fair use pati na rin ng media na lisensyado lamang para sa di-komersiyal na paggamit (tulad ng BY-NC-SA).[5] Samakatuwid, pinahahalagahan nang lubos ng imbakan ng media ang kalayaan ng panorama, na may nakalaang pahina ng patakaran tungkol dito.[6] Sa pamamagitan ng kalayaan ng panorama, ang mga larawan ng mga gawang arkitektura at monumento ay maaaring i-host sa Commons sa ilalim ng mga libreng lisensya. Sa gayon, nakakatulong ito sa pagpapadali ng kaalaman sa arkitektura, pampublikong sining, at pamanang estruktura sa buong saklaw ng Wikimedia.

Ang mga larawan sa Wikimedia Commons ay malayang magagamit sa lahat ng mga website sa ilalim ng Wikimedia. Bagama't tinanggap ng Wikipediang Ingles ang mga orihinal na resolusyon ng mga larawan ng hindi malayang arkitektura mula sa mga bansang walang-FoP (sumusunod lamang sa batas ng karapatang-ari ng U.S.),[7] ang mga lokal na file roon ay hindi magagamit sa iba pang edisyon ng wika ng Wikipedia (tulad ng Wikipediang Tagalog) pati na rin sa iba pang kapatid na site tulad ng Wikivoyage at Wikinews. Bilang karagdagan, dahil ang kalayaan ng panorama ng U.S. ay para lamang sa arkitektura, ang mga larawan ng pampublikong sining na may karapatang-ari tulad ng mga monumento ay hindi malayang mai-host sa Wikipediang Ingles maliban kung ginamit ang mga naaangkop na fair use tag, at ang naturang mga larawan ay hindi magagamit sa mga artikulong nakalista. Kapansin-pansin na ang artikulong "List of public art in Metro Manila" ("Talaan ng pampublikong sining sa Kalakhang Maynila") ay walang anumang ilustrasyon para sa mga kontemporaryong monumento na nasa ilalim pa rin ng karapatang-ari ng mga iskultor.

Sa tulong ng kalayaan ng panorama, ang taunang paligsahan sa pagkuha ng larawan na Wiki Loves Monuments (WLM) ay maaaring isagawa nang may mas malawak na saklaw, upang isama ang moderno at kontemporaryong mga monumento at arkitektura, hindi lamang limitado sa lumang mga monumento at arkitektura o sa mga nasa pampublikong dominyo. Sa gayon, nagiging posible ang kumpletong dokumentasyon ng mga pamanang estruktura ng bansa.

Ang Pilipinas

Ayon kay Atty. Valerio, ang kasalukuyang bersyon ng batas sa karapatang-ari ng Pilipinas (Batas Republika Blg. 8293), sa kasalukuyang anyo nito, ay walang ganitong mahalagang eksepsiyon,[2] na nagpapatibay sa interpretasyon ng Wikimedia Commons na ang Pilipinas ay walang kalayaan ng panorama sa listahan ng mga eksepsiyon sa karapatang-ari (Artikulo 184).[8]

Ang isang posibleng opsyon para sa pangkalahatang publiko na gumagamit ng mga larawan ng mga estrukturang may karapatang-ari sa pampublikong espasyo ay ang Seksyon 185, "Patas na Paggamit ng Isang Akdang may Karapatang-ari" ("Fair Use of a Copyrighted Work"). Gayunpaman, ayon kay Macahiya (2012), "nagpasya ang Hukuman na ang di-komersiyal na paggamit ay hindi patas na paggamit kapag ito ay may malaking epekto sa merkado."[9] Kaya kahit na ang isang larawan ay gagamitin nang di-komersyal, kung ito ay ipinakalat o ibinahagi sa isang platform kung saan malayang makikita ito ng mga tao (hal. Instagram at TikTok), posibleng hindi na ito napapasailalim sa patas na paggamit. Lalo na ito sa pagbabahagi ng mga larawan ng mga pampublikong landmark ng Pilipinas na may karapatang-ari sa Commons, dahil ang mga larawan ay nakalisensya na sa paraang inaatasan ang mga paggamit para sa malayang kultura at na ang mga estruktura ay nagkaroon ng napakalawak na access sa pagtingin sa pamamagitan ng site ng Commons, at lalo pa sa site ng Wikipediang Ingles kapag naipasok na ang mga larawan sa mga artikulong may kaugnayan sa Pilipinas.

Epekto ng kawalan ng FoP sa mga Pinoy Wikimedian

Ang kawalan ng kumpletong kalayaan ng panorama sa Pilipinas ay nagkakait sa kakayahan ng mga Pilipinong Wikimedian na maitala ang iba't ibang kontemporaryong pampublikong gusali at monumento sa pamamagitan ng mga malayang nalisensyahang larawan na naka-host sa Wikimedia Commons. Gaya ng sinabi noon, ang Commons ay tumatanggap lamang ng mga nilalamang malayang nalisensyahan. Hindi ito maaaring tumanggap ng mga larawan ng mga pampublikong akda at sining mula sa mga bansa na kulang sa sapat na kalayaan ng panorama. Ang mga larawan ng naturang mga akda na nahuli ng mga tagasuri ng lisensya at mga administrador sa Commons ay agad na tinatatakan para burahin sa pamamagitan ng mga talakayan sa "Deletion requests."

Sa terminolohiya ng Wikimedia, ang "pagbura" (deletion) ay hindi nagreresulta sa permanenteng pag-alis ng nilalaman; sa halip, itinatago lamang nito ang nilalaman at ginagawa itong hindi nakikita ng mga hindi administrador. Samakatuwid, ang naburang nilalaman ay maaaring "ibalik" ("undeleted" o "restored") kung may wasto o balidong dahilan upang gawin ito, tulad ng pagpapakilala ng kalayaan ng panorama sa isang bansang walang-FoP.

Ang unang kahilingan sa pagbura na may kaugnayan sa FoP sa Pilipinas (2007) ay kinasangkutan ng larawan ng 11th World Scout Jamboree Memorial roundabout,[10] na nilikha ng iskultor na si Florante Beltran Caedo. Mula noon, maraming larawan ng iba pang pampublikong estruktura sa Commons ang itinago, kabilang ang:

  • Miyural ng "The Angry Christ", Victorias[11]
  • Bangko Sentral ng Pilipinas[12]
  • Crown Regency Hotel, Lungsod ng Cebu[13]
  • Divine Mercy Shrine, El Salvador, Misamis Oriental[14]
  • Eagle of the North[15]
  • Dambana ng EDSA[16]
  • "The Execution of Dr. Jose P. Rizal", Liwasang Rizal[17]
  • G.T. International Tower[18]
  • Paliparang Pandaigdig ng Iloilo[19]
  • Kartilya ng Katipunan at Bonifacio Monument[20]
  • Ulo ng Leon[21]
  • Mga estasyon ng LRT Line 1 (Kalakhang Maynila), kabilang ang estasyon ng United Nations[22]
  • Bantayog ng Leyte Landing[23]
  • Palasyo ng Malacañang[24]
  • New Clark City Athletics Stadium[25]
  • Oblation ng Unibersidad ng Philippines[26]
  • Monumento ng Lakas ng Bayan[27]
  • Philippine Arena[28]
  • Sentrong Pangkumbensyong Pandaigdig ng Pilipinas[29]
  • Pambansang Pang-alaalang Dambana ni Quezon[30]
  • SM Mall of Asia[31]
  • Moske ng Sultan Haji Hassanal Bolkhia[32]
  • TriNoma[33]
  • Isang tiyak na pampublikong sining sa Naga, Camarines Sur, na nasangkot sa isang mainit na pinagtalunang hiling sa pagbura.[34]
  • Ilang mga miyural sa Makati.[35]

Mas marami pang binura na may kaugnayan sa FoP ng Pilipinas sa Commons ang makikita sa kategoryang ito sa Commons.

May mga pagbura rin na ginawa mismo sa Wikipediang Ingles. Tingnan ang pahinang ito.

Ilang mga lumang talakayan patungkol sa kalayaan ng panorama sa Pilipinas

Sa Wikipediang Ingles

Mga kamakailang pag-unlad


Para sa talakayan ng komunidad, kabilang ang mga mungkahi at opinyon o pananaw ng mga miyembro ng Pamayanan ng Pilipinas Panorama, bisitahin ang Talk:FoP Philippines Discussion Group .

Pagpapalawig ng Kalayaan ng Panorama sa Europa

Mga matagumpay na pagpapakilala ng FoP

Tingnan ang: Freedom of Panorama#Successful FoP introductions .

Mga katayuan ng Kalayaan ng Panorama (FoP), sa buong mundo


Ang sumusunod na sub-seksyon (kabilang ang talahanayan) ay inilipat at isinama (transcluded) mula sa User:JWilz12345/Freedom of Panorama/Status-Global .
Freedom of Panorama statuses internationally, in 197 countries.
  • All 197 countries as per [1]. Non-commercial FoP (e.g. Azerbaijan, Cabo Verde, Morocco, South Korea, and Uzbekistan), incidental FoP (e.g. Cambodia, Luxembourg, and Zambia), and FoP for traditional mass media only (e.g. Greece, Lebanon, and UAE) are considered as not OK as these are not suitable for Wikimedia Commons. "Partial" denotes FoP is for architecture only but not other types of public artistic works.
  • "YES" designation also includes countries with full FoP for 3D public space works (e.g. buildings and sculptural monuments) but limited or no FoP for most 2D public space works (e.g. murals and church/mosque/temple frescoes), like India and UK.

A more comprehensive table is available at Wikimedia Commons: c:Commons:Freedom of panorama/table.

Statistics

Out of 197 countries...

  • 111 have no FoP (56.35%), and
  • 86 have some-form of Commons-compatible FoP (43.65%).

Out of those 86 countries...

  • 78 have adequate FoP, and
  • 8 have partial FoP, for architecture only: Denmark, Finland, Japan, Malawi, Norway, Russia, Taiwan, United States

Adequate FoP countries account for 39.6% of all 197 countries. Percentage calculated using this online percentage calculator.

Table
Freedom of panorama statuses
Country FoP status Note/s 1 Note/s 2 Note/s 3 Note/s 4
Afghanistan no
Albania yes COE
Algeria yes
Andorra no COE
Angola yes
Antigua and Barbuda yes
Argentina[note 1] no
Armenia yes COE
Australia yes ESEAP APEC
Austria yes EU COE
Azerbaijan no COE
Bahamas yes
Bahrain no
Bangladesh no
Barbados yes
Belarus no
Belgium yes EU COE
Belize yes
Benin no OAPI
Bhutan no
Bolivia yes
Bosnia and Hercegovina no COE
Botswana no
Brazil yes
Brunei yes ASEAN ESEAP APEC
Bulgaria no EU COE
Burkina Faso no OAPI
Burma / Myanmar no ASEAN ESEAP
Burundi no
Cabo Verde no
Cambodia no ASEAN ESEAP
Cameroon no OAPI
Canada yes APEC
Central African Republic no OAPI
Chad no OAPI
Chile yes APEC
China yes ESEAP APEC
China: HongKong S.A.R. yes ESEAP APEC
China: Macao S.A.R. yes ESEAP
Colombia yes
Comoros no OAPI
Congo-Brazzaville (R.) no OAPI
Congo-Kinshasa (D.R.) no
Costa Rica no CAFTA-DR-US
Côte d'Ivoire no OAPI
Croatia yes EU COE
Cuba yes
Cyprus yes EU COE
Czech Republic (native Czechia) yes EU COE
Denmark partial EU COE
Djibouti no
Dominica no
Dominican Republic no CAFTA-DR-US
East Timor / Timor-Leste yes ASEAN ESEAP
Ecuador no
Egypt no
El Salvador yes CAFTA-DR-US
Equatorial Guinea no OAPI
Eritrea no
Estonia no EU COE
Eswatini no
Ethiopia no
Fiji yes ESEAP
Finland partial EU COE
France no EU COE
Gabon yes OAPI
Gambia no
Georgia no COE
Germany yes EU COE
Ghana no
Greece no EU COE
Grenada yes
Guatemala no CAFTA-DR-US
Guinea no OAPI
Guinea-Bissau yes OAPI
Guyana yes
Haiti no
Honduras no CAFTA-DR-US
Hungary yes EU COE
Iceland no COE
India yes
Indonesia no ASEAN ESEAP APEC
Iran no
Iraq no
Ireland yes EU COE
Israel yes
Italy no EU COE
Jamaica yes
Japan partial ESEAP APEC
Jordan no
Kazakhstan no
Kenya yes
Kiribati no ESEAP
Korea, North (DPRK) yes
Korea, South (ROK) no ESEAP APEC
Kosovo yes
Kuwait no
Kyrgyzstan no
Lao PDR no ASEAN ESEAP
Latvia no EU COE
Lebanon no
Lesotho no
Liberia no
Libya no
Liechtenstein yes COE
Lithuania no EU COE
Luxembourg no EU COE
Madagascar no
Malawi partial
Malaysia yes ASEAN ESEAP APEC
Maldives no
Mali no OAPI
Malta yes EU COE
Marshall Islands[note 2] yes ESEAP
Mauritania yes OAPI
Mauritius no
Mexico yes APEC
Micronesia (FS) no ESEAP
Moldova yes COE
Monaco no COE
Mongolia yes ESEAP
Montenegro no COE
Morocco no
Mozambique no
Namibia no
Nauru no ESEAP
Nepal no
Netherlands yes EU COE
New Zealand yes ESEAP APEC
Nicaragua no CAFTA-DR-US
Niger no OAPI
Nigeria no
North Macedonia yes COE
Norway partial COE
Oman no
Pakistan yes
Palau no ESEAP
Palestine yes
Panama yes
Papua New Guinea no ESEAP APEC
Paraguay yes
Peru yes APEC
Philippines no ASEAN ESEAP APEC
Poland yes EU COE
Portugal yes EU COE
Qatar no
Romania no EU COE
Russian Federation partial APEC
Rwanda no
Saint Kitts and Nevis yes
Saint Lucia yes
Saint Vincent and the Grenadines yes
Samoa (Western) no ESEAP
San Marino no COE
São Tomé e Príncipe yes
Saudi Arabia no
Senegal no OAPI
Serbia yes COE
Seychelles no
Sierra Leone no
Singapore yes ASEAN ESEAP APEC
Slovakia yes EU COE
Slovenia no EU COE
Solomon Islands yes ESEAP
Somalia no
South Africa no
South Sudan no
Spain yes EU COE
Sri Lanka no
Sudan no
Suriname yes
Sweden yes EU COE
Switzerland yes COE
Syria no
Taiwan / Chinese Taipei partial ESEAP APEC
Tajikistan no
Tanzania no
Thailand yes ASEAN ESEAP APEC
Togo no OAPI
Tonga no ESEAP
Trinidad and Tobago yes
Tunisia yes
Türkiye yes COE
Turkmenistan no
Tuvalu yes ESEAP
Uganda yes
Ukraine no COE
United Arab Emirates (UAE) no
United Kingdom (UK) yes COE
United States of America (USA) partial APEC CAFTA-DR-US
Uruguay yes
Uzbekistan no
Vanuatu no ESEAP
Vatican City[note 3] no
Venezuela yes
Vietnam no ASEAN ESEAP APEC
Yemen no
Zambia no
Zimbabwe yes
Note/s 1 remarks
  • ASEAN – country is a member of the Association of South East Asian Nations
  • EU – country is a member of the European Union organization.
Note/s 2 remarks
  • ESEAP – country is in a Wikimedia region known as ESEAP (ESEAP Hub)
Note/s 3 remarks
  • APEC - Asia-Pacific Economic Cooperation
  • COE - Council of Europe
Note/s 4 remarks
  • CAFTA-DR-US - signatory off the Central American-Dominican Republic-United States Free Trade Agreement. The FTA compelled the member states to revise their copyright laws to align with US trade rules standards. Nearly all abolished their FoP, restricting to either personal or noncommercial uses of architecture and public art.
  • OAPI – country is a member of Organisation Africaine de la Propriété Intellectuelle. The Bangui Agreement[2] that governs it provides a non-commercial FoP at Annex VII, Part I, Article 16; it is unsure if there is an effect in that provision's conflict with unrestricted FoP legal rights of 3 of the 17 member states: Gabon, Guinea-Bissau, and Mauritania.
Footnotes
  1. On Wikimedia Commons, Argentina is considered to have a de facto FoP for architecture, based on a perspective of an Argentine lawyer about permissible photographic reproductions of buildings (brought in a July 2010 discussion). However, it was put into question in two discussions (from December 2022, from September 2023), especially regarding the actual context of the Argentine lawyer's perspective, if that extends to commercial distributions of images or not. Also, contrary to a claim in the 2010 discussion that Argentina follows customary law in copyright, a Harvard article states that the country follows civil law system following the European system. See also c:Commons:Copyright rules by territory/Argentina#Freedom of panorama. On top of that, Infojustice.org tells of a proposal in 2017 to add more limitations/exceptions for the Argentine copyright law (Law No. 11.723), one of which would have been a freedom of panorama provision. Instead, most of the suggested exceptions were abolished, and the only surviving exception to be passed concerns free uses of works for persons with disabilities (PWDs), as proven by the resulting amendment law, Law No. 27.588 of November 11, 2020, on Amendments to Law No. 11.723 (WIPO copy).
  2. They have no copyright law.
  3. Church decrees govern papal works, but works of art and architecture are governed by Italian copyright law. Italy has no FoP so Vatican City has no FoP too. Refer to c:Commons:Copyright rules by territory/Vatican City#Freedom of panorama.


Konseho ng Europa

Tingnan ang Talk:Pilipinas Panorama Community/Freedom of Panorama#FOP in Council of Europe

ASEAN + APEC

Tingnan ang Talk:Pilipinas Panorama Community/Freedom of Panorama#FOP in ASEAN + APEC


FoP Philippines Discussion Group

Tingnan ang pangunahing pahina: FoP Philippines Discussion Group
Ang FoP Philippines Discussion Group, o mas kilala bilang FoP-PHDG, ay nagsisilbing FoP think-tank group ng Pamayanan ng Pilipinas Panorama (PPC) — upang tumutok sa pag-aaral at adbokasiya ng Freedom of Panorama (FoP), lalo na kung paano ito naaangkop sa sitwasyon sa Pilipinas. Ang FoP-PHDG ay binuo noong 2023 bilang isang platform para sa mga miyembro ng PPC upang magbahagi ng mga pananaw at update sa mga pag-unlad ng FoP sa Pilipinas at sa buong mundo.

Mga layunin

  1. Bilang isang pahina upang mag-alok sa mga taga-suporta ng FoP ng PPC ng isang imbakan ng kaalaman sa Freedom of Panorama (FoP) at nilalaman ng talakayan.
  2. Bilang isang platform para sa mga ideya ng mga taga-suporta ng FoP ng PPC upang mapakinabangan ng mga komunidad ng Wikimedia sa Pilipinas at ng mga indibidwal na nag-aambag.
  3. Bilang isang newsletter para sa kamalayan sa FoP at upang isulong ang kaugnayan ng FoP sa pangangalaga ng pamanang kultural ng Pilipinas.



Mga sanggunian

  1. Dulong de Rosnay, Mélanie; Langlais, Pierre-Carl (2017). "Public artworks and the freedom of panorama controversy: a case of Wikimedia influence". Internet Policy Review. 
  2. a b Reyes, Mary Ann LL. (2021-11-28). "Changing landscape of copyright". The Philippine Star. 
  3. Grants:APG/Proposals/2016-2017 round 1/Wikimedia Deutschland e.V./Impact report form#Program 4: Advocacy – Strengthen Legal and Political Conditions for Free Knowledge (sipi: "Nananatili sa adyenda ang kalayaan ng panorama, bahagyang dahil sa aming mga pagsisikap na makipagtulungan sa mga tagagawa ng sasakyan, industriya ng laro, at mga kompanya ng augmented reality.")
  4. Stott, Rory (2016-04-07). "Freedom of Panorama: The Internet Copyright Law that Should Have Architects Up in Arms". Archify. 
  5. Commons:Licensing, Wikimedia Commons
  6. Commons:Freedom of panorama, Wikimedia Commons
  7. Wikipedia:Freedom of panorama, Wikipediang Ingles
  8. Commons:Mga pangkarapatang-siping tuntunin ayon sa teritoryo/Pilipinas, Wikimedia Commons
  9. "Macahiya, Jayson: The Legal Dynamics Relevant to Public Art in the Philippines". AUSL Tech & Law. September 27, 2012. Retrieved August 10, 2023. 
  10. Commons:Deletion_requests/Image:11th Jamboree Memorial.jpg, Wikimedia Commons
  11. Commons:Deletion requests/File:The Angry Christ Mural of the Saint Joseph The Worker Parish Church.jpg, Wikimedia Commons
  12. Commons:Deletion requests/Files in Category:Bangko Sentral ng Pilipinas Main Office, Manila, Wikimedia Commons
  13. Commons:Deletion requests/File:Crown Regency Hotel.jpg, Wikimedia Commons
  14. Commons:Deletion requests/Files in Category:Divine Mercy Shrine (Misamis Oriental), Wikimedia Commons
  15. Commons:Deletion requests/Files in Category:Eagle of the North, Wikimedia Commons
  16. Commons:Deletion requests/Files in Category:EDSA Shrine and Commons:Deletion requests/File:EDSA Shrine 2.jpg, Wikimedia Commons
  17. Commons:Deletion requests/Files in Category:Diorama of Rizal's Martyrdom, Wikimedia Commons
  18. Commons:Deletion requests/File:GT International Tower.jpg
  19. Commons:Deletion requests/Files in Category:Iloilo International Airport
  20. Commons:Deletion requests/Files in Category:Kartilya ng Katipunan “The Life and Heroism of Gat Andres Bonifacio” Monument and Mural (Mehan Garden, Ermita, Manila) at Commons:Deletion requests/Bonifacio Shrine in Manila, Wikimedia Commons
  21. Commons:Deletion requests/Files in Category:Lion's Head (Kennon Road), Wikimedia Commons
  22. Commons:Deletion requests/Files in Category:United Nations station, Wikimedia Commons
  23. Commons:Deletion requests/Photographs of the Leyte Landing Memorial at Commons:Deletion requests/Files in Category:Leyte Landing Memorial, Wikimedia Commons
  24. Commons:Deletion requests/Files in Category:Malacañang Palace, Wikimedia Commons
  25. Commons:Deletion requests/Files in Category:New Clark City Athletics Stadium, Wikimedia Commons
  26. Commons:Deletion requests/Files in Category:Oblation (University of the Philippines Diliman) at Commons:Deletion requests/Guillermo Tolentino statues, Wikimedia Commons
  27. Commons:Deletion requests/File:People Power Monument.jpg and Commons:Deletion requests/Files in Category:People Power Monument, Wikimedia Commons
  28. Commons:Deletion requests/Files in Category:Philippine Arena, Wikimedia Commons
  29. Commons:Deletion requests/Files in Category:Philippine International Convention Center, Wikimedia Commons
  30. Commons:Deletion requests/File:Quezon Memorial Monument.jpg at Commons:Deletion requests/Files found with incategory:"Quezon Memorial Shrine", tingnan din ang Commons:Undeletion requests/Archive/2020-09#File:Quezon memorial.jpg (bigong hiling na ibalik), Wikimedia Commons
  31. Commons:Deletion requests/Files in Category:SM Mall of Asia, Wikimedia Commons
  32. Commons:Deletion requests/Files in Category:Sultan Haji Hassanal Bolkhia Mosque, Wikimedia Commons
  33. Commons:Deletion requests/File:TriNoma.jpg, Wikimedia Commons
  34. Commons:Deletion requests/File:WTNaga HMMM A11.JPG, Wikimedia Commons
  35. Commons:Deletion requests/Files in Category:Murals in Manila, Wikimedia Commons