Jump to content

Pangkalahatang Kodigo ng Pag-uugali/Taunang ulat/2025/Kaalaman para sa botante

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Universal Code of Conduct/Annual review/2025/Voter information and the translation is 100% complete.
Universal Code of Conduct Coordinating Committee (U4C)

Ang isang boto sa mga iminungkahing pagbabago sa Pangkalahatang Kodigo ng Pag-uugali Enforcement Guidelines (UCoC EG) at ang U4C Charter ay bukas mula Abril 17 hanggang Mayo 1, 2025 23:59:59 (UTC) sa pamamagitan ng SecurePoll. Ang lahat ng karapat-dapat na botante sa loob ng pamayanan ng Wikimedia ay magkakaroon ng pagkakataon na suportahan o tutulan ang limang panukala sa pagbabago, at makapagbigay ng pananaw kung bakit. Maghanap ng karagdagan pang mga detalye sa ibaba ukol sa mga tagubilin sa pagboto at ang pagiging karapat-dapat ng botante.

Tignan din ang mga FAQs sa pagboto para sa kaalaman ng pagboto.

Proseso ng halalan

Kung karapat-dapat kang makapag-boto:

  1. Suriin ang iminungkahing pagbabago. Mayroong limang panukala na pagbobotohan.
  2. Magpasya kung susuportahan o tutulan ang bawat isa sa mga iminungkahing pagbabago. Kung nais mo, maaari mong ilagda ang iyong mga saloobin sa mga iminungkahing pagbabago sa iyong boto.
  3. Alamin kung paano itala ang iyong boto sa SecurePoll.
  4. Pumunta sa pahina ng SecurePoll Voting at sundin ang mga tagubilin.
  5. Ipaalala sa mga ibang kasapi ng pamayanan na bumoto!

Ano ang pinagbobotohan?

Ang tatlong dokumento sa UCoC ay sinusuri taun-taon para sa mga maaring pagbabago. Ayon sa Charter ang U4C "ay susubaybay nang malapitan ang mga survey ng Foundation safety perception surveys, ang mga sarili nitong mga caseload trends, at feedback mula sa mga proseso ng pansariling pamamahala ng pamayanan upang matukoy ang mga hamon sa epektibong pansariling pamamahala ng mga pamayanan upang ipatupad ang UCoC. Ang mga alalahanin na natukoy ay gagawing ulat sa publiko sa noticeboard ng U4C, na tinutugunan bilang merited na ihain sa taunang pagsusuri ng UCoC at EG." At ang Enforcement Guidelines (EG) ay nagsasaad na "Batay sa rekomendasyon ng Board of Trustees, isang taon pagkatapos ng pagpapatibay ng Mga Alituntunin sa Pagpapatupad, ang Wikimedia Foundation ay magdadalo ng isang konsultasyon sa pamayanan at pagsusuri ng UCoC Enforcement Guidelines at UCoC." Ang mga pagbabago sa UCoC ay kailangang pagtibayin ng Board of Trustees.

Bakit kailangan kang bumoto?

Mahalaga na ang Universal Code of Conduct Coordinating Committee ("U4C") ay gumagana nang maayos sa mga kasalukuyang istruktura ng pamamahala ng pamayanan at sumasalamin sa mga hinahalaga ng pamayanan. Dahil dito, mahalaga na ang UCoC ay patuloy na nagpapakita ng mga kahalagahan ng pamayanan at upang matiyak na ang U4C ay ang pinakamahusay na nahimpil upang ipagtanggol ang mga pamayanan.

Paano bumoto

Isang mockup ng balota ng SecurePoll. Tandaan lalo na ang votewiki ay maaaring magpasabi na hindi ka naka-log in. Ang iyong boto ay mabibilang pa rin.

Pakibasa ang bahaging ito bago ka pumunta sa SecurePoll upang matutunan ang kapaki-pakinabang na kaalaman upang ang iyong karanasan ay maging maayos sa pagboto.

Ipapakita ng balota ang bawat isa sa limang mga iminungkahing pagbabago, at mag-aalok ng dalawang opsyon para sa bawat isa: "Salungat" at "Suporta".

  • Ang kahon ng "Komento" ay magbibigay sa iyo ng paglalagyan para na makapag-iwan ka ng mga komento sa anumang mga alalahanin ukol sa mga iminungkahing alituntunin.
  • Pagkatapos ay ipapaalam sa iyo ng SecurePoll na ang iyong boto ay naitala na.
  • Maaari kang bumoto muli sa halalan. Pinapatungan nito ang iyong nakaraang boto. Magagawa mo ito nang maraming ulit hangga't gusto mo.

Paano malalaman ang kinalabasan ng halalan?

Kakailanganin ang threshold na humugit sa 60% na suporta ng mga kalahok na user upang maisakatupad ang isang panukala na pagbabago.

Sasali ba ang tao na mga taga-labas ng Wikimedia Foundation sa pagsusuri ng boto upang ito'y mapatunayan?

Ang kinalabasan ng boto ay susuriin ng mga hindi bayaran na mga Wikimedians na may karanasan sa mga proseso ng halalan, kung may katiwalian. Ang mga tagasuri ng boto ay ipapahayag sa lalong madaling panahon.

Pagkarapat-dapat ng pagboto

Ang lahat ng rehistradong taga-ambag ng Wikimedia na nakakatugon sa mga minimum na kinakailangan sa aktibidad, kaakibat at mga kawani at kontratista ng Wikimedia Foundation (pagka-kawani bago ng ika-6 Marso 2025), at mga kasalukuyan at dating mga Wikimedia Foundation trustees, ay magkakaroon ng pagkakataong bumoto sa mga iminungkahing pagbabago sa Enforcement Guidelines at Charter sa SecurePoll.

Kung naniniwala ka na karapat-dapat kang bumoto ngunit hindi ka papayagan ng SecurePoll na makilahok, mangyaring mag-email sa ca@wikimedia.org para sa mapansin.

Mga patnugot

Maaari kang bumoto mula sa alinmang nakarehistrong account na pagmamay-ari mo sa isang wiki ng Wikimedia. Maaari kang bumoto nang isahan lamang, gaano man karaming mga account ang iyong pagmamay-ari. Upang maging kwalipikado, ang isang account na ito ay dapat:

  • hindi nai-block sa higit sa isang proyekto;
  • at hindi maging bot;
  • at nakagawa ng hindi bababa sa 300 na mga edit bago ang ika-6 Marso 2025 sa mga wiki ng Wikimedia;
  • at nakagawa ng hindi bababa sa 20 na mga edit sa lahat ng wiki ng Wikimedia sa pagitan ng Setyembre 6, 2024 at Marso 6, 2025.