Pangkalahatang Kodigo ng Pag-uugali/Taunang ulat/2025/Kaalaman para sa botante
Ang pagboto sa mga mungkahing pagbabago sa Universal Code of Conduct Enforcement Guidelines (UCoC EG) at ang U4C Charter ay bukas mula 9 Hunyo hanggang 23 Hunyo 2026 23:59:59 (UTC) sa pamamagitan ng SecurePoll. Lahat ng karapat-dapat na botante sa komunidad ng Wikimedia ay magkakaroon ng pagkakataon na suportahan o tutulan ang dalawang mungkahing pagbabago, at ipaliwanag kung bakit. Tingnan ang karagdagang detalye tungkol sa mga tagubilin sa pagboto at karapat-dapat na botante sa ibaba.
Proseso ng halalan
Kung karapat-dapat kang makapag-boto:
- Suriin ang mga iminungkahing pagbabago. May dalawang panukala na pagbobotohan.
- Magpasya kung susuportahan o tututulan ang bawat isa sa mga panukalang pagbabago. Kung gusto mo, maaari mong isulat ang iyong mga iniisip tungkol sa mga panukalang pagbabago kasabay ng iyong boto.
- Alamin kung paano ire-record ang iyong boto gamit ang SecurePoll.
- Pumunta sa SecurePoll Voting page at sundin ang mga tagubilin.
- Paalalahanin ang ibang mga kasapi ng pamayanan na bumoto!
Ano ang pinagbobotohan?
Ang tatlong dokumento tungkol sa UCoC ay binabalikang suriin nang taunan para sa maaring pagbabago.
Ayon sa Charter, ang U4C ay "dapat maingat na subaybayan ang mga survey tungkol sa pananaw sa kaligtasan ng Foundation, ang sariling trend ng kaso nito, at ang feedback mula sa mga proseso ng sariling pamamahala ng komunidad upang matukoy ang mga hamon sa epektibong sariling pamamahala ng mga komunidad upang ipatupad ang UCoC."
Ang mga natukoy na alalahanin ay ilalathala sa pampublikong noticeboard ng U4C, na aayusin ayon sa nararapat, o tatalakayin sa taunang UCoC at EG na review. At ang Enforcement Guidelines (EG) ay nagsasaad na "Batay sa rekomendasyon ng Board of Trustees, isang taon matapos ang pag-apruba ng Enforcement Guidelines, magho-host ang Wikimedia Foundation ng konsultasyon sa komunidad at review ng UCoC Enforcement Guidelines at UCoC."
Kailangan aprubahan ng Board of Trustees ang mga pagbabago sa UCoC.
Bakit kailangan kang bumoto?
Mahalaga na ang Universal Code of Conduct Coordinating Committee ("U4C") ay maayos na nakikipagtulungan sa umiiral na mga estruktura ng pamamahala ng komunidad at naipapakita ang mga halaga ng komunidad. Dahil dito, mahalaga rin na ang mga kaugnay na dokumento ay patuloy na naipapakita ang mga halaga ng komunidad at masiguro na ang U4C ay nasa pinakamahusay na posisyon para protektahan ang mga komunidad.
Paano bumoto

Paki-basahin muna ang bahaging ito bago ka pumunta sa SecurePoll para matutunan ang mga kapaki-pakinabang na impormasyon para maging maayos ang iyong karanasan sa pagboto.
Ipapakita sa balota ang bawat isa sa ang dalawang mungkahing pagbabago, at mag-aalok ng tatlong opsyon para sa bawat isa: "Oppose" (tutol) at "Support" (suporta) at "Neutral" (walang pinapanig).
- Ang kahon na "Comment" ay nagbibigay ng isang paglalagyan para sa iyo na mag-iwan ng mga komento sa anumang mga alalahanin na mayroon ka ukol sa mga iminungkahi na gabay.
- Pagkatapos ay ipapaalam sa iyo ng SecurePoll na ang iyong boto ay naitala na.
- Maari kang bumoto magmuli sa eleksyon. Pinapalitan nito ang iyong naunang boto. Pwede mo itong gawin nang ilang ulit sa kagustuhan mo.
Paano malalaman ang kinalabasan ng halalan?
Kakailanganin ang higit sa 60% na suporta mula sa mga kalahok na users upang maisakatupad ang isang panukala na pagbabago.
Makikisalamuha ba ang mga tao sa labas ng Wikimedia Foundation sa pagsusuri ng boto para tiyakin ang pagiging tunay nito?
Ang kinalabasan ng boto ay susuriin ng mga hindi bayaran na mga Wikimedians na may karanasan sa mga proseso ng halalan, kung may katiwalian. Ang mga tagasuri ng boto ay ihahayag sa lalong madaling panahon.
Pagkarapat-dapat sa pagboto
Ang mga pamantayan para maging karapat-dapat na bumoto ay katulad sa eleksyon ng U4C 2026 at makikita dito: Special:MyLanguage/Universal Code of Conduct/Coordinating Committee/Election/2026/Voter eligibility criteria
Kung naniniwala ka na karapat-dapat kang bumoto ngunit hindi ka papayagan ng SecurePoll na makilahok, mangyaring mag-email sa ca@wikimedia.org para mapansin.