Jump to content

Pangkalahatang Kodigo ng Pag-uugali/Komite ng Pag-koordinasyon/Charter

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Universal Code of Conduct/Coordinating Committee/Charter and the translation is 85% complete.
Outdated translations are marked like this.
Universal Code of Conduct

Ang Komite ng Pag-koordinasyon ng Pangkalahatang Kodigo ng Pag-uugali (U4C), sumasalamin sa pandaigdigang pamayanan, ay isang istruktura ng pagpapatupad na nakatuon sa pagbibigay ng pantay at magkakatumbas na pagpapatupad ng UCoC.

Ito ay isang kahambing na katawanan sa mga iba pang mga mataas na antas na mga katawanan sa paggawa ng kapasyahan tulad ng NDA-Arbitration Committee at Stewards. Tinutukoy ng U4C kung nagkaroon ng sistematikong pagkabigo ng isang pangkat o komunidad ng Wikimedia sa pagpapatupad ng UCoC. Ang komite ay nagbibigay ng kalidad na kasiguruhan ng mga materyales sa pagsasanay na nauugnay sa UCoC, at pinangangasiwaan ang taunang pagsusuri sa pamayanan ng UCoC at Enforcement Guidelines (EG).

Ang tipan (charter) na ito ay nagdedetalye ng saklaw at layunin ng U4C, ang pagpili nito, mga tungkulin ng pagiging kasapi, mga pangunahing pamamaraan, pati na rin ang mga patakaran at mga maisakatuparan.

1. Layunin at Saklaw

1.1. Gawain

Kasama sa saklaw ng U4C ang:

  • Pagsubaybay sa mga ulat ng mga paglabag sa UCoC. Ang U4C ay maaaring magsagawa ng mga karagdagang pagsisiyasat at gumawa ng mga kilos kung naaangkop.
  • Pagmamasid sa kalagayan ng pagpapatupad ng UCoC sa lahat ng mga Wikimedia online at offline na espasyo, ayon sa niratipikahan ng Wikimedia Foundation Board of Trustees noong 2020.
  • Pagmumungkahi ng mga angkop na pagbabago sa UCoC at sa UCoC Enforcement Guidelines para sa Wikimedia Foundation at pamayanan upang isaalang-alang bilang bahagi ng taunang pagsusuri ng UCoC.
    • Hindi maaaring baguhin ng U4C ang alinmang kasulatan nang sila lang.
  • Pagtulong sa Wikimedia Foundation at mga iba pang stakeholder sa paghawak ng mga kaso sa ilalim ng kanilang nasasakupan, kung kailan hiniling.

1.2. Mga Pananagutan

Ang U4C ay may mga sumusunod na pananagutan:

  • Pinangangasiwaan ang mga reklamo at apela sa mga pangyayaring nakabalangkas sa Mga Alituntunin sa Pagpapatupad (Enforcement Guidelines), kabilang ngunit hindi nagkukulang sa:
    • Kakulangan ng lokal na kakayahan sa pamamahala sa sarili upang ipatupad ang UCoC;
    • Mga magkakahambing na kapasyahang lokal na sumasalungat sa UCoC;
    • Pagtanggi sa mga istruktura at koponan ng lokal na pamamahala sa sarili na ipatupad ang UCoC;
    • Kakulangan ng mapagkukunan o kapos ang pagtugon sa mga suliraning maipapatupad ang UCoC sa pamamagitan ng lokal na proseso;
  • Nagsasagawa ng anumang mga pagsisiyasat na kinakailangan upang malutas ang mga nasabing reklamo at apela;
  • Nagbibigay ng mapagkukunan ng pinakamahuhusay na kagawian ng UCoC sa mga komunidad, tulad ng mga materyal para sa mga pinapatupad na pagsasanay (mandatory trainings), katiyakan ng mabuting uri ng mga mapagkukunan ng pagsasanay na nilikha ng mga kasapi ng kilusan at organisasyon, na higit pa sa pangunahing materyal na pagsasanay ng UCoC na pinangangasiwaan mismo ng U4C, at iba pang mga mapagkukunan kung kinakailangan;
  • Nagbibigay ng pangwakas na interpretasyon ng Mga Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC at ng UCoC (UCoC Enforcement Guidelines) kung kinakailangan, sa pakikipagtulungan sa mga kasapi

ng pamayanan sa mga istruktura ng pagpapatupad;

  • Tinatasa ang pagiging epektibo ng pagpapatupad ng UCoC at nagbibigay ng mga payo para sa pagpapabuti.

Bilang karagdagan sa mga nabanggit:

  • Ang U4C ay hindi tumatanggap ng mga kaso na hindi pangunahing nagsasangkot ng paglabag sa UCoC, o ang pagpapatupad nito.
  • Ang U4C ay maaaring magtalaga ng ang panghuling awtoridad nito sa paggawa ng desisyon, maliban sa mga pagkakataon ng matitinding isyu na sistematiko. Ang mga responsibilidad ng U4C ay ipinaliwanag sa konteksto ng iba pang istruktura ng pagpapatupad sa 3.1.2 ng UCoC Enforcement Guidelines.

1.3. Kasapian

Ang U4C ay bubuuin ng 16 na kasaping bumoboto at hanggang dalawang kasapi na hindi bumoboto na hinirang ng Wikimedia Foundation. Bawat isang kasapi na bumoboto ay magtutupad ng dalawang taon na termino, maliban sa unang eleksiyon (tingnan ang 3.2).

Ang Wikimedia Foundation ay maaaring humirang ng hanggang dalawang kasapi na hindi bumoboto at makakapili ng karagdagang pang-suporta na kawani ayon sa hinihiling ng U4C.4

1.4. Salungat na Hangarin

Ang mga indibidwal na kasapi ng U4C na bumoboto ay hindi nangangailangan na magbitiw sa ibang mga kinaluluklukan (hal. lokal na administrador (sysop), miyembro ng ArbCom) ngunit hindi sila maaaring maging kawani o kontratista ng Wikimedia Foundation o mga organisasyong kaakibat ng Foundation, at hindi rin sila maaaring maging miyembro ng Wikimedia Foundation Board of Trustees.

2. Halalan at Termino

2.1. Kaangkupan ng Kasapi

Ang bawat kasapi at kandidato ay dapat:

  • Pagsunod sa UCoC.
  • Maging hindi bababa ng 18 taong gulang at lalagda sa Confidentiality agreement for nonpublic information (NDA) ng Wikimedia Foundation kapag sila ay nahalal.
  • Hindi na-block sa anumang proyekto ng Wikimedia o nahadlangan noong taong nakalipas sa anumang pagtitipon. Ang mga kandidatong naharang ay maaaring umapela sa Komite ng Halalan, na kung maaaring gumawa ng pagkakaiba.
  • Ilahad sa publiko ang kanilang (mga) tahanan na wiki, at ang rehiyon kung saan sila nagmula.
  • Matugunan anumang mga iba pang mga nakasaad na kinakailangan sa pagiging karapat-dapat sa panahon ng proseso ng eleksiyon.
  • Maging isang rehistradong miyembro ng hindi bababa sa isang proyekto ng Wiki sa hindi magkukulang sa 365 araw, at may hindi bababa sa 500 na mga na-edit.

Ang Komite ng Halalan (Elections Committee) ay magkakaroon ng panghuling awtoridad na magpasya kung ang mga kandidato ay nakakatugon sa mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.

2.2. Pamamahagi ng mga Luklukan

2.2.1. Pamamahagi ng rehiyon

Upang matiyak na kinakatawan ng U4C ang pagkakaiba-iba ng kilusan, walong kinatawan, na may bawat isang kinatawan mula sa bawat rehiyon ang ihahalal sa paraan ng pamamahagi ng rehiyon. Ayon sa pang-rehiyon na diskarte ng Wikimedia Foundation, ang pamamahagi ng rehiyon ay ang mga sumusunod:

  • Hilagang Amerika (USA at Canada)
  • Hilagang Europa at Kanlurang Europa
  • Latino Amerika at Caribbean
  • Gitna at Silangang Europa (CEE)
  • Sub-Sahara na Africa
  • Gitnang Silangan at Hilagang Aprika
  • East, Southeast Asia and the Pacific (ESEAP)
  • Timog Asya

2.2.2. Pangkalahatang Pamayanan

Walong kinatawan mula sa pangkalahatang Pamayanan ang ihahalal.

2.3. Kahabaan

Ang pagiging kasapi ng U4C ay para sa dalawang taong termino, maliban sa unang halalan.

Half of the community-at-large and half of the regional seats will be elected to a two-year term each year. If necessary, the U4C Elections Committee[a] can decide to appoint an elected member with a shorter term, such as when appointing to a seat recently made vacant due to a resignation.

2.4. Halalan

Ang taunang mga eleksyon upang pumili ng mga miyembro na bumoto ng U4C ay susurihan ng U4c at pinamamahalaan ng Election Committee (Election Committee), sa pakikipagtulungan sa U4C. Para sa unang halalan, ang U4C Building Committee (U4CBC) ay magsisilbing pook ng U4C.

Ang mga kandidato ay kailangang makatugon sa mga kinakailangan ng pagiging miyembro na nakasaad sa seksyon 2.1.

Ang Proseso ng Halalan ay sumusunod sa timeline sa ibaba:

  • Pagtukoy sa petsa ng halalan, ang takbo ng panahon nito (timeline), at bilang ng mga rehiyonal at malalaking luklukan ng U4C nang hindi bababa sa isang buwan bago magsimula ang halalan
  • Pagbubukas sa proseso ng halalan ng Komite ng Halalan
  • Panahon ng nominasyon – Ang mga nominasyon ay tinatanggap sa panahong ito
  • Panahon ng pagpapatunay ng mga kandidato
  • Panahon ng Tanong at Sagot – Sasagutin ng mga kandidato ang mga katanungan galing sa pamayanan
  • Panahon ng pagboto – Maaaring bumoto ang mga karapat-dapat na botante para sa mga kandidato

2.5. Proseso ng Pagboto

  • Ang pagboto ay isinasagawa sa pamamagitan ng lihim na balota, kung saan ang mga botante ay nag-iiwan ng pagtangkilik, pagsalungat at walang panig (neutral) na mga boto para sa bawat kandidato.
  • Ang mga botante ay maaaring humalal ng mga kandidato galing sa lahat ng mga rehiyon.
  • Hindi kabilang ang mga walang panig (neutral) na boto.
  • Ang pagiging karapat-dapat ng botante ay pagpapasyahan ng Komite ng Halalan.
  • Ang kandidato ay dapat magkaroon ng 60% o mas mataas na bilang ng boto na kinakalkula ng suporta/(tangkilik + salungat). Pagkatapos ng kwalipikasyong ito:
    • Para sa bawat kandidato ang bilang ng mga kontra sa bilang ng mga tagasuporta ay maibaba. Ang mga kandidato na may pinakamataas na pagkakaiba ay ihahalal sa bawat luklukan.
    • Kung ang dalawang kandidato ay may magkatulad na pagkakaiba, ang porsyento na kinakalkula ng suporta/(suporta + sumasalungat) ay gagamitin bilang isang tiebreaker.

2.6. Mga pagka-Bakante

Kung may bakanteng luklukan, dahil man sa mga pagbibitiw, pagtanggal, o walang kandidatong napili para sa isang panrehiyong katungkulan sa isang halalan, maaaring iwan ng U4C na walang laman ang luklukan at pansamantalang punuin ito sa susunod na halalan, o maaaring tumawag ang U4C ng isang di-pangkaraniwang halalan. Ang isang karagdagang baling sa pagkakataon ng pagbibitiw o pagtanggal ay ang U4C mismo ay maaaring humirang ng isang miyembro na tumakbo sa loob ng pinakahuling halalan at nakatanggap ng hindi bababa sa 60% na suporta.

Ang mga miyembrong humalinhin sa isang bakanteng upuan ay magsisilbi sa natitirang kahabaan ng luklukan na kanilang inupuan.

3. Pangloob na mga Pamamaraan

Ang U4C ay maaaring gumawa o magbago ng kanilang mga panloob na pamamaraan hangga't ito ay nasa loob ng kanilang saklaw. Dapat magkaroon ng katarungan at walang kinikilingan ang mga kasapi sa mga proseso ng pangkat. Sa tuwing naaangkop, ang U4C ay dapat umanyaya ng puna mula sa pamayanan sa mga nilalayong pagbabago bago ipatupad ang mga ito.

3.1. Pangloob na Patakaran at Alinsunuran

Ang U4C ay hindi gumagawa ng bagong patakaran at hindi maaaring isaayos o baguhin ang UCoC at ang Mga Alituntunin sa Pagpapatupad nito. Sa halip, inilalapat at ipinapatupad ng U4C ang UCoC batay sa sakop nito.

Ang mga naunang hatol ay maaari lamang isaalang-alang kung ang mga ito ay nananatiling may kaugnayan sa kasalukuyang pumapaligid, habang ang mga patakaran, alituntunin at pamantayan ng pamayanan ay nagbabago sa paglipas ng panahon.

Ang U4C ay maaari, gayunpaman, na magmungkahi ng mga pagbabago sa UCoC at Mga Alituntunin sa Pagpapatupad tungo sa pagsaalang-alang ng Wikimedia Foundation at pamayanan, bilang bahagi ng taunang proseso ng pagsusuri na idaraos ng U4C.

3.2. Pag-uugali ng mga kasapi ng U4C

Ang mga kasapi ng U4C ay dapat:

  • Masigasig na makisali sa gawaing U4C, at ipaalam sa U4C mula simula ng anumang pagliban sa pakikilahok sa U4C.
  • Tumugon sa napapanahon at angkop na paraan sa mga alalahanin tungkol sa kanilang pag-uugali.
  • Panatilihin ang pagiging malihim ukol sa pangsariling kaalaman (private information) na ibinahagi sa U4C, kabilang ang mga pribadong sulat at hindi pampublikong kaalaman na pangsarili.
  • Panatilihin ang butihin na kaugnayan sa kanilang mga kapwa kasapi ng U4C at makipagsagawa tungo sa mabuting paglutas ng mga salungatan na pumapagitan sa kanila.
  • Ipairal ang kaisipan na walang kasapi ng U4C ang lalong makapangyarihan kaysa alinmang ibang kasapi.
  • Sikaping kumilos sa isang malinaw na paraan, na nagbibigay ng liwanag sa kanilang mga hatol hangga't maaari habang pinapanatili ang naaangkop na kahiliman.
  • Maging maalam tungkol sa mga pandaigdigang patakaran, kabilang ang Universal Code of Conduct, at dapat magsagawa tungo sa pagkuha ng kaalaman ng mga lokal na patakaran at kultura para sa anumang gawaing pinangangasiwaan ng U4C.

Sinumang miyembro ng U4C na paulit-ulit o labis na lumalabag sa mga inaasahan na nakabalangkas sa itaas ay maaaring masuspinde o alisin sa pamamagitan ng resolusyon ng pampublikong komite. Ang resolusyon ng pampublikong komite na ito ay dapat na suportahan ng 2/3 ng lahat ng miyembro ng U4C, hindi kasama ang sumusunod sa proseso ng pagboto:

  • Ang miyembro ng U4C na nakaranas ng suspension o pagtanggal, at
  • Sinumang kasapi ng U4C na hindi tumugon sa loob ng 30 araw ng paghingi ng kanilang puna sa resolusyon sa pamamagitan ng lahat ng nalalaman na paraan ng pagsulat.

3.3. Kalinawan at Kalihiman

Ang mga reklamong tinanggap ay dapat iulat sa publiko on-wiki ng mayroong hindi malabis na kaalaman.

Ang mga kapasyahan sa gawain ay ipapakita sa publiko on-wiki, na naglalaman ng mga pangalan ng mga account, mga proyekto, mga petsa at isang pangunahing paglalarawan ng kaso. Kung ang anumang impormasyon ay hindi angkop para sa mga ulat sa publiko sa kadahilanan ng privacy o sa mga legal na dahilan, ang mga ulat ay mag-a-anonymise nito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga detalye o kung kinakailangan ay tanggalin ang mga kaugnay na kaalaman.

Kung ang isang miyembro ng U4C ay lumabag sa mga kasunduan ng paglilihim, mahalagang tugunan ang isyu sa pamamagitan ng naaangkop na panloob na mga kilos na pang-disiplina, kung kinakailangan. Ang mga paglabag sa Patakaran sa Privacy, ang Access sa hindi pampublikong patakaran sa personal na data, ang CheckUser policy at ang Oversight policy ay sinisiyasat din ng Ombuds Commission. Ang Komite ay dapat magsagawa ng pagsisiyasat upang matukoy kung ang paglabag ay isang pagkakamali o sinadya. Maaaring magrekomenda ang komite sa Wikimedia Foundation na bawiin ang isang kasunduan sa pagiging confidential kung maitutukoy sa pagsisiyasat na ito ay kinakailangan.

3.4. Sapat na Kadaluhan

Where necessary, decisions that require the capacity of the full committee are subject to a vote by all active voting members. Decisions taken by the Committee are required to be supported by at least 5 voting members. However, decisions relating to a systemic failure to enforce the UCoC require at least 8 voting members in support. In order to pass, a decision must, in addition to having the minimum number of support votes, be supported by over 50% of participating (i.e. have not abstained or recused) voting members.

When the U4C does not have enough members to pass votes on decisions, it will continue to work on matters where no vote is needed and call a special election if needed.

3.6. Nakabalangkas na Suporta

Ang ilang hawain ay maaaring mangailangan ng ilang partikular na nakabalangkas na suporta. Ang U4C ay maaaring magbuo ng mga subcommittee o magtalaga ng mga kasapi para sa mga partikular na gawain o tungkulin kung naaangkop upang tugunan ang gawain ng U4C.

Ang Wikimedia Foundation ay magbibigay ng mga kasangkapan para sa Komite upang matulungan itong maisakatuparan ang gawain nito (hal. ligtas na mga kasangkapan sa komunikasyon, pribadong wiki, atbp). Ang Foundation ay maaaring magtalaga ng karagdagang kawani ng suporta ayon sa hinihiling ng U4C.

3.7. Mga kasangkapan

Maaaring gawin ng Komite ang lahat ng hakbang na sa tingin nito ay angkop at matimbang upang sumunod sa mandato nito at matugunan ang mga sistematikong kabiguan upang maipatupad nang sapat ang UCoC alinsunod sa patnubay sa pagpapatupad at patakarang ito. Kabilang dito ang paglikha o paghiling ng mga user rights para sa mga kasapi ng komite o mga delegado nito sa pangangasiwa (lokal/global na Wiki at MediaWiki tool), mga pang-suportang mga kagamitan tulad ng mga mailing list at pribadong wiki, at iba pang mga tool tulad ng Private Incident Reporting System upang suportahan ang mga operasyon ng U4C, na gagawin at pangangasiwaan ng Wikimedia Foundation at ng mga tagapangasiwa sa panahon ng termino ng mga miyembro ng U4C.

Ang anumang mga karapatang ipinagkaloob para sa mga layunin ng komite ng U4C ay dapat gamitin lamang para sa mga kilos, pagsisiyasat at mga kaso ng emerhensiya maliban kung mayroon silang iba pang mga karapatang pang-administratibo na ipinagkaloob mula sa mga lokal o pandaigdigang proseso.

3.8. Pagtalikod

Members of the U4C are expected to recuse from any work if they have a conflict of interest over it. Recusal may result in a member of the U4C participating in the discussions about the work, but not voting on any decisions around it. A conflict of interest regarding U4C work may be due to personal involvement in the substance of the dispute or significant personal involvement with one of the parties involved in the work. Previous interactions with the parties as routine editor, administrator or U4C interactions are not usually grounds for recusal.

In cases where a U4C member is requested to recuse from U4C work due to a believed conflict of interest, they may decide to voluntarily recuse themselves or have the recusal decided through a vote by the U4C members excluding the member who was requested to be recused.

A U4C member may voluntarily recuse themselves from any work, or from any aspect of the work, with or without explanation.

3.8.1. Proseso at mga paraan ukol sa kahilingang pagtalikod ng kasapi

Kung ang isang tao ay naniniwala na ang isang miyembro ng U4C ay dapat na italikod ang kanyang sarili sa ilang partikular na gawain ng U4C, ang tao ito ay kailangang magpadala ng kanyang kahilingan sa U4C, na humihiling sa miyembro na italikod ang sarili sa ginagawa at sabihin ang kanyang katwiran. Maaaring sumunod ang isang miyembro ng U4C sa kahilingang na i-recuse ang kanyang sarili o maari din na ito ay pagbobotohan ng U4C, na hindi kasama ang apektadong miyembro o mga miyembro.

Dapat tumugon ang U4C sa kahilingan bago magsimulang bumoto sa gawain. Ang mga kahilingan ukol sa pagtatalikod pagkatapos na ang yugto ng pagboto ay naumpisahan na ay hindi ibibigay, maliban sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari.

3.9. Mga Kaugnayan

Ang U4C ay maaaring magbigay ng pormal o impormal na payo at interpretasyon ng UCoC. Kung maaari, ang U4C ay dapat tumugon sa mga kahilingan mula sa iba pang mataas na antas na mga decision-making bodies, ang Wikimedia Foundation Board of Trustees, o ang Wikimedia Foundation para sa payo o interpretasyon. Ang ibang mga pangkat o indibidwal ay maaari din na humiling ng payo at interpretasyon mula sa U4C. Kung naaangkop, dapat idokumento ng U4C sa publiko ang kanilang pormal na payo at interpretasyon.

3.9.1. Kaugnayan sa ibang mga istruktura ng pamahalaan ng kilusan

Ayon sa Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC (UCoC Enforcement Guidelines), ayon sa pagkakataon, ang U4C ay maaaring kumilos bilang isang high level decision-making body tungkol sa UCoC at bilang isang pangkat na kapantay ng ibang pang mga high level decision-making body. Ang tungkulin ng Komite ay magbigay sa mga pamayanan ng mga mapagkukunan para sa pinakamahuhusay na kagawian ng UCoC at kumilos bilang huling paraan sa mga pagkakataon kung saan may mga sistematikong suliranin sa mga pangkat na lokal na ipatupad ang UCoC sa kanilang sarili.

Para sa mga kaso na kinasasangkutan ng Affiliate staff, dapat pangasiwaan ng U4C ang kaso kasama ng kaakibat (Affiliate) at/o AffCom. Ang U4C ay maaaring gumawa ng mga kilos patungkol sa mga tauhan sa ginagalawan ng kilusang Wikimedia at maaaring magrekomenda ng ibang kilos sa kaakibat.

Ang mga istraktura ng pagpapamahala ng Kilusan ay maaari din na maglipat ng mga kaso o apela sa pagpapatupad ng UCoC, kahit na ang mga hindi karaniwang saklaw ng U4C, sa U4C. Maaaring humatol ang U4C kung didinggin o hindi ang mga kaso o apela na mga iyon ayon sa mga karaniwang pamamaraan nito.

Ang mga kahilingan ng payo o interpretasyon o mga inililipat na kaso ay karaniwang dapat gawin sa Meta-wiki, maliban kung hindi naaangkop para sa mga dahilan ng paglilihim. Sa mga pagkakataon na may kinasasangkutan na paglilihim, ang paggamit ng nakalaang email address para sa U4C ay inaasahan.

4. Mga inatasang gawain

4.1. UCoC at mapagkukunan ng Pagsasanay sa Pagpapatupad

Ang U4C ay mangangasiwa sa paglikha at pagpapanatili ng mga mapagkukunan ng pagsasanay, pati na rin ang pakikipag-ugnayan sa Wikimedia Foundation sa pagsasalin ng mga naturang mapagkukunan ng pagsasanay.

Kasabay ng pagbibigay ng mga module ng pagsasanay (training), maaaring tuklasin at suportahan ng U4C ang iba pang paraan ng pagsasanay, sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang stakeholder ng pamayanan kagaya ngunit hindi nagkukulang sa Wikimedia Foundation at mga kaakibat.

Maaari din na magbahagi ang U4C ang pinakamahuhusay na kagawiang paglabag sa UCoC at mga kaugnay na usapin, at mag-alok kapag hiniling, ng mainam na kasiguruhan ng mapagkukunan na UCoC training resources na nilikha ng ibang mga stakeholder.

Tulad ng UCoC mismo na tumutukoy sa mga kahit maliit, at umaanyaya at naghihikayat sa mga pamayanan na magpalago mula sa mga maliit na pamantayang pag-uugali, ang mga stakeholder ng kilusan ay malugod na bibubunyi na buuin at pagbutihin ang mga pangunahing mapagkukunan ng pagsasanay.

4.2. Nasasakupan, mga paglilitis, paghatol, mga apela

4.2.1. Nasasakupan

Ang U4C ay may yurisdiksyong nasa lahat ng mga online at offline na espasyo na may kaugnayan sa Wikimedia sa loob ng saklaw ng kanyang mandato gaya ng tinukoy sa mga Patnubay sa Pagpapapatupad. Ang U4C ay hindi tumatanggap ng mga kaso na hindi pangunahing nagsasangkot ng paglabag sa UCoC, o ang pagpapatupad nito. Ang U4C ay maaaring mag-delegate ng kanyang pangwakas na awtoridad sa paggawa ng desisyon, maliban sa mga kaso ng sistematikong pagkabigo.

Ang U4C ay walang saklaw, maliban sa mga nabanggit sa mga bahaging nauugnay sa itaas, sa: (i) mga opisyal na kilos ng Wikimedia Foundation o ng mga tauhan nito; (ii) Mga suliranin sa sagawain ng kaakibat patungkol sa kawani na pinamamahalaan ng mga batas at regulasyon ukol sa hurisdiksyon ng kaakibat.

Maliban sa mga pagkakataon ng sistematikong pagkabigo, ang U4C ay hindi magkakaroon ng hurisdiksyon kapag mayroong isang sinulatran na NDA (Non-Disclosure Agreement), mataas na antas na katawan sa paggawa ng hatol (Arbitration Committees, Affiliations Committee, Global Council, Elections Committee, Technical Code of Conduct committee, stewards), na tinitiyak ang mahusay na pamamahala sa sarili. Dapat din ma igalang ng U4C ang prinsipyo ng paggalaw ng desentralisasyon, na nauunawaan na ang UCoC ay dapat ipatupad sa pinakakaugnay na lokal na antas na kakayanin.

Ang U4C ay nagpapanatili ng hurisdiksyon sa lahat ng mga bagay na dininig nito, kabilang ang mga nauugnay na proseso ng pagpapatupad, at maaaring, sa sarili nitong pagpapasya, muling balikan ang anumang paglilitis anumang oras maliban kung ang isyu ay ipasa sa Wikimedia Foundation sa kapasidad nito bilang tagapagbigay ng mapaghahantungan (platform) dahil sa mga legal na isyu.

4.2.1.1. Mga pamamaraang pagkabigo

Ang mga isyu na nauugnay sa sistema failure ay maaaring itataas ng sinuman at ang U4C ay maaaring pumili na magbukas ng isang imbestigasyon sa hindi bababa sa karamihan ng suporta. Kung ang Foundation o isang mataas na antas ng paggawa ng desisyon ay humingi ng imbestigasyon sa isang sistemang pagkukulang, ang U4C ay magbubukas ng imbestigasyon. Ang isang mabuting pagkakatwiran sa kung paano maglilimas ng kahulugan ang UCoC ay hindi sapat upang matukoy na ang isang mataas na antas taga-gawa ng desisyon ay sistematikong nabigo na ipatupad ang code.

Alinsunod sa mga alituntunin sa pagpapatupad na inaprubahan ng pamayanan, maaaring gawin ng U4C ang lahat ng mga hakbang na sa tingin nito ay naaangkop at proporsyonal upang matugunan ang mga sistematikong pagkabigo (hal. project-capture) upang maipatupad nang sapat ang UCoC. Ang U4C ay maaaring umasa sa mga ulat ng Wikimedia Foundation at iba pang mga grupo ng kilusan o maaaring humiling ng sarili nitong panlabas na ulat kapag gumagawa ng desisyon. Kasama sa mga parusa para sa sistematikong kabiguan na ipatupad ang UCoC ang buong hanay ng mga hakbang, hanggang sa at kabilang ang pagsasara ng mga wiki. Dapat na mai-lathala ang isang ulat para sa pagsasaalang-alang ng pandaigdigang komunidad pagkatapos ng paghatol.

4.2.2. Mga paglilitis

4.2.2.1. Paghiling ng pagbabalik-aral ng pagkakahatol

Ang mga kahilingan para sa pagsusuri ng paghatol ay dapat iharap sa paraang itinalaga ng U4C. Maaaring tanggapin o tanggihan ng U4C ang anumang bagay sa sarili nitong pagpapasya; ito ay isasaalang-alang, ngunit hindi ito sasailalim sa mga pananaw ng mga partido sa kahilingan at iba pang matalinong mga gumagamit.

4.2.2.2. Mga anyo ng paglilitis
  • Mga karaniwang paglilitis: Bilang default, ang mga pagdinig ay pampubliko at sinusunod ang mga pamamaraang nailathala sa mga nauugnay na pahina ng U4C. Ang mga paglilitis ay maaaring maging pribado kung ang U4C ay kunin ang pananaw na ang isang pampublikong paglilitis ay maaaring magdulot ng hindi katimbang na pinsala – kadalasan kung saan may kasangkot na makabuluhang privacy, panliligalig, o legal na isyu – sa mga nagpapatuloy na kalahok, mga ikatlong partido, o maaaring makaapekto nang masama sa legal, teknikal, at pampublikong mga obligasyon sa tagapagbigay ng platform na nauugnay sa patakaran ng Wikimedia Foundation. Aabisuhan ang mga partido tungkol sa pribadong pagdinig at bibigyan ng makatwirang pagkakataon na tumugon sa sinabi tungkol sa kanila bago gumawa ng paghatol.
  • Pinabilis na paglilitis: Kung saan ang mga katotohanan ng isang bagay ay hindi mapag-aalinlanganan, maaaring lutasin ng U4C ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng isang boto nang walang karaniwang pamamaraan.

4.2.2.3. Pakikilahok

Ang isang miyembro na ang termino ay lumipas habang ang isang kaso ay nakabinbin ay maaaring manatili sa kasong iyon hanggang sa pagtatapos nito. Ang mga bagong hinirang na miyembro ay maaaring gumalaw sa anumang bagay sa harap ng U4C na may agarang kinalabasan mula sa petsa ng kanilang pagkakahirang.

Ang mga pahayag ay maaaring idagdag sa mga pahina ng kaso ng anumang informed at interesado na gumagamit. Ang U4C ay maaaring magtakda ng mga patakaran kung kinakailangan para sa pagpapadala ng mga pahayag. Ang mga gumagamit ay maaaring tumugon sa mga pahayag tungkol sa kanilang sarili at ang U4C ay magsisikap ng mabuting pananampalataya upang makipag-ugnay sa anumang gumagamit na pinagmulan ng isang kaso; ang pag-iwan sa paggawa nito ay maaaring magresulta sa mga desisyon na ginawa nang walang kanilang kalahok. Ang lahat ng mga editor ay hinihingi na kumilos ayon sa UCoC sa mga pahina ng kaso ng U4C, at maaaring harapin ng mga sanksyon kung hindi sila gumagawa nito.

4.2.2.4. Katanggap-tanggap na katibayan

Sa lahat ng mga paglilitis, ang mga tinatanggap na ebidensya ay kinabibilangan ng:

  1. Lahat ng mga pag-edit at mga entry sa log, kabilang ang mga tinanggal o kung hindi man ay nakatagong mga pag-edit at mga log entries mula sa mga online na proyekto, mga platform, at serbisyo na saklaw ng U4C;
  2. Testimonya at katibayan mula sa mga offline na insidente na itinuturing na naaangkop ng U4C.

Ang ebidensiya ay tinatanggap sa lahat ng wikang sinusuportahan ng mga platform at serbisyo ng Wikimedia Foundation. Kung ang U4C ay nangangailangan ng karagdagang mga mapagkukunan sa pagproseso ng materyal na natanggap, maaari itong makipag-ugnayan sa Wikimedia Foundation tulad ng ginagawa ng ibang mga komite ng self-governance ng komunidad na nakikipagtulungan sa provider ng platform. Ang ebidensyang batay sa mga pribadong komunikasyon (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, iba pang mga website, forum, chat room, IRC logs, email correspondence) ay tinatanggap lamang sa pamamagitan ng paunang pahintulot ng U4C.

Ang mga katibayan ay maaaring isumite nang pribado, ngunit ang U4C ay karaniwang umaasa na ang ebidensiya ay ipapaskil sa publiko sa lahat ng mga pampublikong paglilitis maliban kung may mga mapanghikayat na dahilan upang hindi gawin ito, o ito ay natukoy na ang paglilitis ay magiging pribado. Ang U4C ang magpapasya kung tatanggapin ang bawat pagsusumite ng pribadong ebidensya sa sarili nitong mga merito at, kung tatanggapin, ang ebidensya ay isasaalang-alang sa isang pribadong pagdinig.

4.2.2.5. Mga pansamantalang pagpigil

Sa anumang oras sa pagitan ng pag-iimbak ng isang kaso at pagsasara ng kaso, ang U4C ay maaaring mag-issue ng mga pansamantalang injunction, na nag-ilimitahan sa pag-uugali ng mga partido, o ng mga gumagamit sa pangkalahatan, sa tagal ng kaso.

4.2.3. Paghatol

4.2.3.1. Ayos ng mga hatol

Ang mga hatol ay nakasulat sa malinaw, maigsi na karaniwang Ingles at ang (mga) pangunahing wika na nauugnay sa kaso na nasa kamay; kadalasang kinabibilangan ng: (i) isang balangkas ng mga pangunahing prinsipyo, (ii) mga natuklasan ng katotohanan, (iii) pagtatakda ng mga remedyo at pasya, at (iv) pagtukoy ng anumang mga kaayusan sa pagpapatupad. Kung ang kahulugan ng anumang probisyon ay hindi malinaw sa sinumang miyembro ng U4C, mga partido, o iba pang interesadong mga editor, maaari itong linawin kapag hiniling.

4.2.4. Mga Apela

4.2.4.1. Pagtanggap ng mga apela

Ang mga apela ng mga naka-block, naka-ban, o katulad na pinaghihigpitan na mga indibidwal na user ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng email.

4.2.4.2. Apela sa mga hatol

Ang anumang partido sa kaso ay maaaring humingi sa U4C na muling suriin o baguhin ang isang desisyon, na maaaring tanggapin o tanggihan ng U4C ayon sa kanyang sariling pag-iisip. Ang U4C ay maaaring mag-iimbak ng minimum na panahon mula nang magpasya ang desisyon, o mula sa anumang nakaraang kahilingan para sa muling pag-isipan, bago ito muling suriin.

4.3. UCoC at mga Alituntunin sa Pagpapatupad -mga Pagsusuri at Pagbabago

4.3.1. Pagsubaybay ng UCoC

Ang U4C ay mag-iimbak nang mabuti sa mga survey ng Foundation sa pag-iisip sa kaligtasan, ang sariling mga trend ng kaso ng load, at ang feedback mula sa mga proseso ng autogobernasyon ng komunidad upang makilala ang mga hamon sa epektibong autogoberensiya ng mga komunidad upang ipatupad ang UCoC. Ang mga napagtanto na alalahanin ay dapat na pampublikong idekumento sa mga palakasan ng U4C, ipinapakita bilang karapat-dapat, o ipinapakita sa panahon ng taunang pagsusuri ng UCoC & EG.

Bago ang taunang pagsusuri, isasabuo ng U4C ang sumusunod:

  • Mga tagapag-harap sa pakikipag-ugnayan sa ating pandaigdigang pamayanan, kabilang ang:
    • Mga Steward
    • Mga kasapi ng ArbCom
    • Mga Checkusers
    • Mga Oversighter
    • Mga administrador
    • Pamayanan
  • Magbigay ng mga ulat ng anumang mga obserbasyon na nangangailangan ng U4C na suriin ang mga hamon na nauugnay sa UCoC o EG sa mga komunidad. Ang U4C ay obligado na talakayin ang mga ulat na ito para isama sa kanilang mungkahi.
  • Buksan ang isang pahina ng komento sa Meta-wiki na magagamit para sa lahat. Naglalaman ito ng isang seksyon para sa bawat kasapi ng pamayanan na mag-ulat ng mga bagay tungkol sa kung paano gumagana ang U4C, EG at UCoC bilang ipinapapatupad. Ang pahina ng mga puna ay nakonekta sa mga komunikasyon ng U4C tungkol sa taunang pagsusuri. Ang U4C ay mag-aaral ng mga komento at katanungan na inilalagay sa pahina na iyon, ngunit hindi obligadong mag-iimbak ng malalim na pagsubaybay.
  • Ang nabanggit na pahina ng komento sa Meta-wiki ay naglalaman ng pangalawang nakatuong seksyon na nagpapahintulot sa mga miyembro ng komunidad na magbahagi ng mga ideya para sa pagpapabuti at mga pagbabago. Nakatutulong ito upang mangolekta ng mga ideya mula sa mga indibidwal at naglalayong maging bukas sa lahat ng boses sa komunidad. Kinakailangan ng U4C na basahin at magpasya kung gusto nilang gamitin ang mga ideyang ito kapag nag-draft ng isang panukala sa panahon ng taunang proseso.
  • Dapat ay masigasig maghanap at makilala ng U4C ang anumang bago o di-pangkaraniwang mga uso ng hindi katanggap-tanggap na pag-uugali na nangyayari sa kilusan. Maaaring bantayan nila ang mga trend, ang mga sinasabi ng pamayanan, at isaalang-alang ang pananaliksik sa akademiko.

4.3.2. Mga pagbabago sa Charter, Mga Alituntunin sa Pagpapatupad o ang UCoC

Ang mga pagbabago sa Charter, ang Enforcement Guidelines o ang UCoC ay nangangailangan ng pag-apruba ng pamayanan. Ang U4C ay magbabatid na magtanghal ng taunang pagsusuri ng UCoC, ang mga Enforcement Guidelines at ng Charter. Kasama nito ang hindi bababa sa:

  • Ang yugto ng pagsusuri ng mga puna
    • Tawag para sa komento sa buong mundo
    • Isang pagsusuri ng mga puna at kuro-kuro ng pamayanan mula sa lahat ng mga channel
    • May kaalaman mula sa kasalukuyang kinatatayuan na pananaliksik tungkol sa ating kilusan at Internet sa pangkalahatan
  • Isang yugto ng pagbabalangkas
    • Pagsama ng mga sinuri na galaw at mga komento ng pamayanan, panloob na mga tala mula sa noticeboard at kaalaman mula sa umiiral na kinatatayuang pananaliksik ukol sa ating kilusan at Internet sa pangkalahatan.
    • Sa yugto ng pagbalangkas, mayroong hindi bababa sa tatlong bukas na pag-uusap sa komunidad, para sa saklaw ng timezone.
    • Ang binagong balangkas ay inilalathala ng madalas sa yugto ng pagbabalangkas, umaasa sa daloy ng trabaho ng U4C tuwing bawat pulong o linggohan.
    • Ang pang-huling draft ay sinuri on-wiki ng Legal Department ng Wikimedia Foundation.
  • Ang yugto ng halalan
    • Ang mga boto ay ipapahiwatig ng mga kasapi ng pamayanan na may > 60% o > 66% na pahintulot
    • Ang pagsasalin ng huling draft bago ang pagboboto at pagpapatakbo at pagtataguyod ng halalan ayon sa mga detalye ng U4C ay tinitiyak ng Wikimedia Foundation.
    • Dapat pahintulutan ang mga botante na bumoto nang nakabukod sa mga indibidwal at mga mahahalagang bahagi.

5. Talasalitaan

Regional Distribution group: Ang pangkat ng Regional Distribution group ay ang mga hinalal ng U4C magmumula sa bawat isa sa mga tinaguriang rehiyon ng Wikimedia (Central and East Europe (CEE); Latin America at Caribbean; Middle East at North Africa; North America (USA at Canada); South Asia; East, Southeast Asia and Pacific (ESEAP); Sub-Saharan Africa; Western Europe).

Community at Large group: Ang pangkat na Community at Large ay ang mga hinalal na representante ng U4C Community na aktibo sa anumang proyekto ng Wikimedia. Gayunpaman, hindi hihigit sa dalawang kasapi ang maaaring mahalal mula sa parehong home wiki, ang bilang na ito ay kasama ang mga kasapi na nahalal sa pangkat na pamamahagi ng rehiyonal na pag-babahagi.

U4C Elections Committee: The U4C will create the U4C Elections Committee to oversee matters related to an upcoming U4C election or special election, including administration and candidate eligibility. Initial members of the U4C Elections Committee are selected from U4C members who are not candidates in the upcoming election. The U4C Elections Committee may also co-opt other community members who are not candidates in the upcoming election. If forming such a committee is not feasible, responsibility for overseeing the election may be taken by Stewards or the Wikimedia Foundation Elections Committee.