Proyektong Universal Code of Conduct
Ginawa ang Universal Code of Conduct (UCoC) para makapagbigay ng isang global na sanggunian ng katanggap-tanggap na ugali para sa buong galawan na walang pagpaparaya sa panliligalig. Nabuo ito gamit ang isang prosesong pinagtulungan na dumaan sa dalawang yugto. Sa Yugto 1 ang pagbabalangkas ng patakaran. Sa Yugto 2 ang pagbabalangkas ng alituntunin ng pagpapatupad. Napatibay ng Lupon ng mga Katiwala ang Patakaran noong 2 Pebrero 2021, at binotohan ang alituntunin ng pagpapatupad noong Marso 2022. Pinakita ng botohan na mayroong pagsang-ayon ng pamayanan ang alituntunin ng pagpapatupad, at nagpakita rin ng mga lugar na kinakailangan ng pagpapabuti mula sa mga puna na binigay sa proseso na iyon. Hiniling ng Komite ng Community Affairs (CAC) ng Lupon na magkaroon ng isang komite ng pagbabago na pinamumunuan ng pamayanan upang matugunan ang mga ibang bahagi ng mga alituntunin. Natapos ang proseso ng pagaayos na ito, at ang pangalawang boto na pinamumunuan ng pamayanan ay nakatakdang maganap simula Enero 17 hanggang Enero 31, 2023.
Buod
Universal Code of Conduct (UCoC)
Ang UCoC ay isang susing hakbangin sa patakaran galing sa Wikimedia 2030 na pamayanang usapan at proseso ng estratehiya. Isinangguni ng mga Estratehiya na grupo ang mga taga-Wikimedia mula sa mga global na pamayanan. Sampung mungkahi ang nagawa upang gabayin ang galawan papunta sa 2030 na pangitain nito. Sinama ng isa sa mga mungkahi, ang "Maglaan para sa Kaligtasan at Pakikisama," ang pagbalangkas ng isang Kodigo ng Asal (Code of Conduct): ang UCoC. Nabuo ang UCoC kasama ang pagsasangguni sa mga pamayanan sa buong galawang Wikimedia na mayroong galang sa conteksto, umiiral na lokal na patakaran, at pati rin ang mga istruktura ng pagpapatupad at paglutas ng tunggalian. Makikita sa pahinang ito ang mga nakaraang pamayanang usapan tungkol sa Universal Code of Conduct.
Naganap ang pagsasangguni tungkol sa UCoC sa dalawang yugto. Ang Yugto 1, simula Hunyo hanggang Disyembre 2020, nasama ang pananaliksik at pakikipagusap kasama ang mga pamayanan tungkol sa maaaring magiging hitsura ng UCoC. Napatibay ng Lupon ng mga Katiwala ang Patakaran noong 2 Pebrero 2021. Nagsimula ang Yugto 2 noong Pebrero 2021 at nasama rin dito ang mga global na pakikipagusap at ang pagbabalangkas ng alituntunin ng pagpapatupad, ang mga proseso at daanan para sa UCoC ng isang pinagsamang komite ng mga kawani at mga kusang-loob na tauhan.
Universal Code of Conduct - Patakaran
Hinahangad ng Universal Code of Conduct (UCoC) na maging isang pulutong ng panuntunan sa mga inaasahan at hindi naaaring ugali para sa buong galawang Wikimedia at ang mga proyekto nito. Ibinabalangkas nito ang mga inaasahan at hindi katanggap-tanggap na ugali at nalalapat sa lahat ng tauhan na nakikibahagi at naga-ambag sa mga online at offline na proyekto at espasyong Wikimedia. Tignan ang buong teksto ng patakaran.
Universal Code of Conduct - Alituntunin sa pagpapatupad
Binubuo ng mga alituntunin na ito ang isang balangkas ng pagpapatupad para sa Universal Code of Conduct. Ang Patakaran ay dating pinapatupad ng Lupon ng mga Katiwala. Nasasama dito ang mga gawaing pang-iwas, pang-tuklas, at pang-siyasat, at ang mga iba pang gawain para maharap ang mga paglabag ng Universal Code of Conduct. Ang pagpapatupad ay pangunahing pinangangasiwaan ng mga, ngunit hindi limitado sa, mga takdang functionary sa lahat ng mga online at offline na proyektong Wikimedia, mga kaganapan, at mga kaugnay na espasyo na nakapuwesto sa mga plataporma ng ikatlong partido. Ito ay magagawa sa isang organisado at napapanahon na paraan at pare-pareho sa buong galawang Wikimedia.
Ang Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC ay binubuo ng dalawang bahagi:
- Prebentibong gawain
- Pagsusulong ng kamalayan ng UCoC, pagmungkahi ng pagsasanay sa UCoC, at iba pa.
- Reseptibong trabaho
- Pagdedetalye ng mga proseso ng paghahain
- Pagproseso ng mga iniulat na paglabag
- Pagbigay ng mga pagkukunan para sa mga iniulat na paglabag
- Pagtatalaga ng mga gawaing pagpapatupad para sa mga paglabag
Mayroong mabubuong bagong global na komite na itatawag na Universal Code of Conduct Coordinating Committee (U4C). Hinahangad na maging huling tagahatol ang U4C kung sakaling hindi maipatupad ng mga lokal na katawang tagahatol, tulad ng mga Komite ng Arbitrasyon at Komite ng mga Kaakibat. Mabubuo ang U4C gamit ang isang Tagabuong Komite. Magkakaroon ang Tagabuong Komite ng mga kasapi mula sa pamayanan ng mga kusang-loob, mga kawani ng Pundasyong Wikimedia, at mga kawani ng mga kaakibat. Ang Tagabuong Komite ang gagawa ng mga kinakailangan na hakbang upang magkaroon ng gumaganang U4C.
Kasalukuyang lagay
Nailathala ang mga Alituntunin ng Pagpapatupad para sa pagpuna ng mga pamayanan noong Enero 6, 2022. Naglathala ng pahayag noong 24 Enero 2022 ang Pundasyong Wikimedia na sumasang-ayon sa isang pamayanang botohan para sa mga iminumungkahi na alituntunin sa pagpapatupad ng UCoC.
Matapos noon, nagkaroon ng isang pamayanang botohan simula 7 hanggang 21 Enero 2022. Nagkaroon ng mga talakayan at usapan upang maituro at mapaalam ang pamayanan tungkol sa UCoC at ang mga Alituntunin ng pagpapatupad upang masiguro na maengganyo ang mga taga-Wikimedia na bumoto.
Sinara ang botohan at inilathala ang kinalabasan. Matapos ang pagsusuri ng CAC, minungkahi ang pagbago ng mga alituntunin ng pagpaptupad ng pangalawang komite na nabuo mula sa mga kasapi ng mga komite ng patakaran ng UCoC (Yugto 1) at Alituntunin ng Pagpapatupad (Yugto 2) batay sa apat na lugar ng pansin na nahanap mula sa datos ng botohan at panahon ng pagpuna: ang pagiging madaling mabasa at maisalin, ang pribasiya ng akusador kaysa ang akusado, pagsasanay, at pagpapatibay. Natapos na ng komite ng pagbabago ang kanilang trabaho. Hinahanda na ang mga pagsasalin ng binagong balangkas para sa botohan sa simula ng 2023.
The second community vote was held from January 17 to January 31, 2023. Based on the results, the Board of Trustees voted to ratify the Enforcement Guidelines on 9 March 2023. Read more on the implementation of the Guidelines and the U4C Building Committee
Pagkakasunod ng mga pangyayari
Mga dating yugto | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
Lipas na kasaysayan ng proyekto | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
KasaysayanAng UCoC ay isang susing hakbangin sa patakaran galing sa Wikimedia 2030 na pamayanang usapan at proseso ng estratehiya. Isinangguni ng mga Estratehiya na grupo ang mga taga-Wikimedia mula sa mga global na pamayanan at naglabas sila ng sampung mungkahi upang gabayin ang galawan papunta sa 2030 na pangitain nito. Sinama ng isa sa mga mungkahi, ang "Maglaan para sa Kaligtasan at Pakikisama," ang pagbalangkas ng isang Kodigo ng Asal (Code of Conduct), ang UCoC. Binubuo ang UCoC kasama ang pagsasangguni sa mga pamayanan sa buong galawang Wikimedia na mayroong galang sa conteksto, umiiral na lokal na patakaran, at pati rin ang mga istruktura ng pagpapatupad at paglutas ng tunggalian. Makikita sa pahinang ito ang mga nakaraang pamayanang usapan tungkol sa Universal Code of Conduct. Nagaganap ang pagsasangguni tungkol sa UCoC sa dalawang yugto. Sa Yugto 1, simula Hunyo hanggang Disyembre 2020, nasama ang pananaliksik at pakikipagusap kasama ang mga pamayanan tungkol sa maaaring magiging hitsura ng UCoC. Kinalabasan nito ang mga Patakaran ng UCoC, na ilalapat sa lahat ng mga kilos ng galawang Wikimedia. Ipinahayag ng Lupon ng mga Katiwala ang kanilang pagsang-ayon sa Patakaran ng UCoC noong Pebrero 2021, ngunit hindi napagsang-ayunan ng global na pamayanan o bawat komite ang Code of Conduct. Sa Yugto 2 nagaganap ang kasalukuyang mga global na pag-uusap at pagbalangkas ng mungkahing teksto para sa pagpapatupad at pagsasagawa ng UCoC. Nagsimula ito noong Pebrero 2021.
Mula 2018 hanggang 2020, hinihikayat ng prosesong estratehiya ng Wikimedia 2030 ang mga kusang-loob na tauhan na maghanap ng pinakamaayos na gabay para sa galawang Wikimedia papunta sa kinabukasan. Gamit ang mga samahang nagtratrabaho, mga online na paguusap, at mga sa personal na pagkikita sa buong mundo, sampung mungkahi at prinsipyo ang nailathala noong Mayo 2020. Isa sa mga mungkahi nito ang "Maglaan para sa Kaligtasan at Pakikisama":
Ang isang susing bahagi ng mungkahi na ito ang pagbuo ng isang Kodigo ng Asal, ang UCoC. Nais makapagbigay ito ng "isang kabuuang sanggunian ng katanggap-tanggap na ugali para sa buong galawang Wikimedia at ang mga proyekto nito". Nagtratrabaho ang pamayanan ng Wikimedia sa mga samu't-saring konteksto, at walang iisang kodigo ng asal ang makasasakop ng lahat ng mga sitwasyon at suliranin. Kapag nabago ang Terms of Service upang maisali ito, ihihiling na sundan at dumagdag ang mga nakikibahagi at mga lokal na proyekto sa sangguniang ibinigay ng UCoC. Ani ng lathala ng Lupon ng mga Katiwala, mayroong dalawang yugto ang proyektong UCoC. Kasama sa unang yugto ("Yugto 1") ang pananaliksik, usapan ng mga pamayanan at stakeholder, pati rin ang isang komite ng mga kawani at kusang-loob na tauhan na hinirang ng mga kawani, na bumuo ng mungkahing teksto ng UCoC. Ipinasa ang mungkahing teksto sa Lupon ng mga Katiwala para sa pagpapatibay noong 13 Oktubre 2020. Inilathala ng Lupon ang pagsang-ayon sa teksto noong 2 Pebrero 2021. Nagsimula ang pangalawang yugto ("Yugto 2") noong 2 Pebrero 2021, noong sumang-ayon ang Lupon sa nagawang teksto ng UCoC noong Yugto 1. Tinitignan ng pangalawang yugto ng proyekto ang kung paano maipapatupad ang UCoC. Pareho sa unang yugto, kinakailangan ng maraming ambag ang mga pamayanan sa buong galawang Wikimedia ang pagtukoy ng mga tungkulin at pagbalangkas ng malinaw na daanan ng pagpapatupad. |