Pangkalahatang Kodigo ng Pag-uugali/Pagsasanay
Patungkol
Inirerekomenda ng Mga Alituntunin sa Pagpapatupad (Enforcement Guidelines) (EG) ng UCoC ang pagbuo ng mga module ng pagsasanay upang magbigay ng karaniwang pag-unawa sa UCoC at kaalaman para sa pagpapatupad nito. Ang mga pagsasanay na ito ay inilaan para sa mga taong nais na maging bahagi ng mga proseso ng pagpapatupad ng UCoC, o sa mga pagnanais na malaman ang tungkol sa UCoC. Ang pagsasanay ay itinatag sa mga module na sumasaklaw sa pangkalahatang kaalaman, pagtukoy ng mga paglabag at suporta, at mga lalong masalimuot na mga kaso at apela. Ang takdang petsa para sa mga pagsasanay na ito ay Marso 2024 at bubuuin na may suporta mula sa Foundation.
Mga Module
Iminumungkahi ng EG ang sumusunod na tatlong module na naglalayong magbigay sa mga kasapi ng pamayanan ng komprehensibong pag-uunawa sa Universal Code of Conduct (UCoC) at kung paano ito ipapatupad.
- Ang unang module ay magsisilbing pangtatag sa magkabahaging pag-uunawa ng UCoC. Sa module na ito, matututunan ng mga kalahok ang tungkol sa layunin ng UCoC, kung paano ito naging, inaasahang pagpapatupad, at mga nakaplanong magagamit na kasangkapan para sa pag-uulat ng mga paglabag.
- Sa pangalawang module matututunan ng mga kalahok kung paano tukuyin ang mga paglabag sa UCoC, at higit sa lahat kung paano gumagana ang proseso ng pag-uulat. Kabilang sa mga partikular na detalye ang pag-unawa sa mga uri ng paglabag, pagkilala sa mga maiuulat na pagkakataon, pag-alam kung saan at kung paano gagawa ng mga ulat, at paghawak ng mga kaso sa loob ng mga proseso ng UCoC.
- Ang pangatlong module ay titingin sa lalong masalimuot na mga kaso kagaya ng mga paglabag sa maraming proyekto ng Wikimedia o pangmatagalang panliligalig. Sasaklawin din nito ang proseso ng mga apela. Ang module na ito ay pangungunahan ng guro at magiging isang paunang kinakailangan sa pagsali sa U4C, at inirerekomenda para sa mga prospective na aplikante ng U4C at mga advanced na may hawak ng mga karapatan na pumirma sa Access to Nonpublic Personal Data Policy.
Diskarte
Ang diskarte sa pagbuo ng mga module ng pag-aaral na ito ay nagsasama ng ilang mga aspeto:
- Inirerekomenda ng EG na ang iba't-ibang mga stakeholder ay dapat dulugin sa pagbuo ng pagsasanay, kapwa kabilang dito ang mga kawani ng Foundation at mga kasapi ng pamayanan. Habang nakikipagtulungan kami sa mga kawani ng Foundation, ang pampublikong pahinang ito at ang mga link sa draft na mga module ay isang pagkakataon para sa pamayanan na ibigay ang iyong mga saloobin at feedback.
- Para sa kadalian ng pag-unawa, upang mabawasan ang kalituhan at upang makapag-palipat pabalik sa tumatakbo na mga patakaran kapag ginagawa ang pagsasanay, ang istraktura at ang wika (i.e. terminolohiya) ng mga module ay pinananatiling malapit sa mismong patakaran.
- Ang diin sa sulatin ay ang paggamit ng mga malumanay na Ingles. Ang pangunahing layunin ay upang maiparating ang mga ideya at kaalaman sa isang malinaw at naaabot na paraan, na tinitiyak na ang nilalaman ay madaling maunawaan para sa isang malawak na madla. Kabilang dito ang paggamit ng tuwirang pananalita, pag-iwas sa masalimuot na jargon o masalimuot na istruktura ng pangungusap, at pagbibigay-priyoridad sa kalinawan upang mapadali ang pag-unawa. Ang pagtutok sa pagiging malumanay ay naglalayong pahusayin ang pagiging madaling mabasa at gawing lalong maanyaya ang sulatin, na nagbibigay-daan sa mas malawak na hanay ng mga mambabasa na makisali at maunawaan ang nilalayon na pahayag. Nakakatulong din ang Simple English na gawing madaling maisasalin ang mga module.
- Ang materyal sa pagsasanay ay binuo na may mga prinsipyo sa isip na kumikilala sa mga natatanging katangian ng mga nakatatanda na nag-aaral. Ito ay iniakma para sa kaugnayan at pakikipag-ugnayan, na naghihikayat sa self-directed na pag-aaral. Ang mga interactive quiz na pagsusulit ay nag-uudyok sa masiglang pakikilahok at pagtatasa sa sarili, at mga puwang para sa mga talakayan upang pasiglahin ang kolektibong kaalaman at ibinahaging karanasan.
- Habang ang mga pang-huling module ay ilalagay sa Learn.Wiki, umaasa kami na makakalap ng iyong mga saloobin at magsagawa kasama mo sa mga pahina ng Meta ng kani-kanilang mga module. Ang Learn.Wiki na hantungan ay isang online learning management platform para sa kilusang Wikimedia. Sa pamamagitan ng WikiLearn, maaabot ng mga mag-aaral ang mga online na kurso na nilikha para sa at ng mga kasapi ng kilusang Wikimedia. Ito ay binuo gamit ang Open edX, isang open-source learning platform.
Ang inyong pakikilahok
Paano ka makakasali?
Maaari kayo na masiglang makapag-ambag sa mga talakayan, magbigay ng feedback sa kasalukuyang nilalaman, o magmungkahi ng mga bagong ideya. Ang iyong tulong ay napakahalaga sa pagpapahusay ng translatability, na ginagawang naa-access at nauugnay ang mga module. Kung makatagpo ka ng isang pangungusap na mukhang kumplikado o isang pariralang mahirap isalin, ibahagi ang iyong mga insight. Tulungan kaming pinuhin ang wika upang gawin itong mas naa-access at inklusibo, na tinitiyak na ang aming mensahe ay makakarating sa pandaigdigang madla.
Ilang bagay na dapat isaalang-alang:
- Mayroon ilan pa rin na katanungang bukas, na may kaugnayan sa EG tulad ng kung paano susuriin ang mga kaso mula sa sistema ng pagtugon sa insidente, kung sino ang magiging mga instruktor ng Module 3 sa mga masalimuot na kaso at kung paano pipiliin ang mga iyon, at mga detalye tungkol sa papel ng U4C sa pagpapatupad ng UCoC. Dahil dito, ang mga module ng pagsasanay ay magpapakita din ng ilang kalabuan sa mga ito at mapapabuti kapag nasagot ang mga tanong na iyon.
- Bagama't ang mga module ay naglalaan ng isang pangunahing pag-unawa sa UCoC at kung paano ito ipapatupad, maaari mong maramdaman na ang paraan ng pagkakabalangkas nito o ang mga halimbawang ginamit ay hindi nauugnay sa iyong konteksto. Bilang gayon, tandaan na ang mga module ay isang baseline lamang, tulad ng UCoC, at ang iba't-ibang pamayanan ay hinihikayat na ay hinihikayat na magbuo ng mga materyales ng pagsasanay na tumutukoy sa kanilang konteksto at pangangailangan.
- Ang mga pahina ng Meta ay bukas para sa mga komento sa halip na mga tuwirang pag-edit o pagmungkahi. Ang diskarte na ito ay sinadya, na naglalayong i-streamline ang pakikipagtulungan habang pinapanatili ang integridad ng nilalaman.
- Gayunpaman, kung mayroon kang mahahalagang alalahanin o tanong tungkol sa mga module na ito, hinihikayat ka naming gamitin ang pahina ng pag-uusap. Nagbibigay ang espasyong ito ng mas malalim na mga talakayan, na nagpapahintulot sa komunidad na sama-samang tugunan at lutasin ang anumang malalaking isyu o katanungan na maaaring lumabas.
- Panghuli, mangyaring iwasan ang pagtalakay o pagbanggit ng mga hindi pagkakasundo sa paligid mismo ng UCoC.
Paano ka makakatulong?
- Mayroon ka bang pangkalahatang mga saloobin, puna, mungkahi, tanong?
- Mayroon bang hindi malinaw o maaaring iba dapat ang pagkasulat?
- Maaari bang baguhin ang isang salita, pangungusap o talata upang gawing lalong mainam ang pagsasalin ang mga nakasulat?
- Mayroon ka bang anumang mga ideya para gawing mas interactive ang mga module?
Inaasahan namin ang inyong input sa mga kani-kanilang talk pages!
Lumagda dito:
Kung kuronada mo na lumahok sa proyektong ito mangyaring mag-sign up sa ibaba.
- Buszmail (talk)
- 1wanjoh 🥇3:27, 28 March 2024 (UTC)
- CodyAK574 💪🏼 10:33, 26 March 2024 (PST)
- Akwugo
- BKlen-CEEhub (talk) 06:48, 7 February 2024 (UTC)
- Natalia Ćwik (WMPL) (talk)
- Klára Joklová (WMCZ) (talk) 17:39, 7 February 2024 (UTC)
- --Mervat (talk) 13:31, 29 February 2024 (UTC)
- Onwuka Glory (talk) 16:26, 5 March 2024 (UTC)
- Hi! I would like to help! Bogdanolarson (talk) 23:27, 18 March 2024 (UTC)
- Waltercolor (talk) 12:01, 6 March 2024 (UTC)
- PotsdamLamb Da LambTalk to me!Please don't eat da 🐑! 16:34, 6 March 2024 (UTC)
- -J. Ansari Talk 17:59, 8 March 2024 (UTC)
- --787IYO (talk) 06:13, 10 March 2024 (UTC)
- Vermont (🐿️—🏳️🌈) 22:25, 10 March 2024 (UTC)
- --Paula (WDU) (talk) 15:09, 11 March 2024 (UTC)
- Tiputini (talk) 16:47, 11 March 2024 (UTC)
- --Monica Bonilla (WMCO) (talk) 23:37, 11 March 2024 (UTC)
- Adamu ab (talk) 09:17, 16 March 2024 (UTC)
- NANöR (talk) 11:09, 18 March 2024 (UTC)
- Frostly (talk) 18:10, 18 March 2024 (UTC)
- Contaminadas (talk) 20:49, 18 March 2024 (UTC)
- Carla Toro (WMCL) (talk) 20:51, 18 March 2024 (UTC)
- SCP-2000 08:49, 23 March 2024 (UTC)
- Chqaz (talk) 09:36, 27 March 2024 (UTC)
- --BHARATHESHA ALASANDEMAJALU (talk) 02:10, 4 April 2024 (UTC)
- --Lokesha Kunchadka (talk) 15:12, 6 April 2024 (UTC)
- Rohini (talk) 11:55, 1 May 2024 (UTC)
- --Vic Sfriso (WMAR) (talk) 18:41, 8 May 2024 (UTC)
- Adrianmn1110 (talk) 09:36, 16 May 2024 (UTC)
- --— Osama Eid (talk) 06:33, 2 June 2024 (UTC)
- ----Irshadpp (talk) 10:36, 15 July 2024 (UTC)
- Aishik Rehman (talk) 20:29, 24 July 2024 (UTC)
Ano ang mangyayari pagkatapos?
Gaya ng nabanggit sa EG, pagkatapos mai-onboard ang unang U4C, magiging katungkulan ito sa pagpapanatili at pag-update ng mga training modules kung kinakailangan. Ang mga lokal na pamayanan at mga Kaakibat ng Wikimedia na nais magbigay ng pagsasanay sa antas ng kanilang komunidad ay makakakuha ng suportang pinansyal mula sa Wikimedia Foundation upang maipatupad ang pagsasanay. Kabilang dito ang suporta para sa mga pagsasalin.