Kumperensiya ng mga Gumagamit na may Pinalawig na Karapatan 2026
- Petsa
- 11-13 Disyembre 2026
- Lokasyon
- Portugal
- Proseso ng aplikasyon
- Bukas hanggang sa katapusan ng araw ng Setyembre 4
- uwercon
wikimedia
org
- Wikimedia Portugal
- Pundasyong Wikimedia
Sa Disyembre 2026, magiging tagapangasiwa ang Wikimedia Portugal at ang Pundasyong Wikimedia ng isang kaganapang unang beses na gaganapin para sa mga gumagamit na may pinalawig na karapatan, o UwERs. Ito ay pagpapatuloy ng dalawang naunang preconference sa Wikimania na para rin sa mga UwER, kung saan may mga talakayan at workshop tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng pangangalap ng mga admin, kalusugang pangkaisipan, pamamagitan sa alitan, mga kasangkapan ng admin, at artipisyal na katalinuhan (artificial intelligence), bukod pa sa iba.
Hindi tulad ng mga naunang isang-araw na preconference sa Wikimania 2025 at 2026, ang kaganapang ito ay tatlong araw na tatagal at hiwalay nang gaganapin.
Proseso ng aplikasyon at impormasyon
Maaaring mag-apply ang mga Wikimedian na may pinalawig na karapatan sa mga content wiki man o sa buong Wikimedia movement kabilang ang mga admin, bureaucrat, checkuser, oversighter, global sysop, steward, arbitrator, at mga miyembro ng U4C. Bukas din ito sa ilang user na malapit sa gawaing pang-admin at aktibong kasangkot sa pamamahala ng mga proyekto sa wiki.
Bibigyang-priyoridad sa proseso ng pagrerepaso ang mga tagagamit na may malinaw na karanasan at tunay na interes sa mga isyung kinakaharap ng mga UwER, lalo na sa mga aktibong nagpapakilala ng bagong pamamaraan sa kani-kanilang larangan, at sa mga makikinabang sa pagpapalitan ng karanasan at kaalaman kasama ang ibang admin sa iba't ibang wiki.