Jump to content

Wikimedia Foundation/Legal/Community Resilience and Sustainability/Tiwala at Kaligtasan/Komite sa Pagsusuri ng Kaso

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki

Ang Trust & Safety Case Review Committee ay nagsusuri ng mga apela para sa karapat-dapat na Trust & Safety office actions. Binubuo ito ng 10 may karanasang boluntaryo mula sa pamayanan ng Wikimedia.

Para sa kaalaman para sa paano mag-apela, pakitingnan ang ang seksyon sa pagsusumite ng mga apela sa ibaba.

Layunin

Mangyaring sumangguni sa karta ng komite para sa lalong detalyadong paliwanag ng mga karapatan at tungkulin nito.

Sa kabuuan, sinusuri ng Komite sa Pagsusuri ng Kaso ang mga karapat-dapat na pagsisiyasat sa Pagtitiwala at Kaligtasan na inapela ng mga orihinal na humiling ng pagsisiyasat o ng mga pinahintulutan nila. Ang tungkulin ng Komite sa Pagsusuri ng Kaso na ito ay protektahan ang mga miyembro ng komunidad mula sa labis na mapanghimasok, labis na mahigpit, o sobrang maluwag na pagpapatupad ng mga pamantayan ng pag-uugali ng Foundation. Tinutukoy ng komite kung ang mga kaso ay maayos na nahawakan o hindi; hindi ito muling naglilitis ng mga kaso.

Ang komite ay itinatag nang may panalig na mapapalitan ito ng permanenteng pamamaraan pagsapit ng Hulyo 1, 2021. Dahil pinalawig ang tagal ng panahon ng pagbuo ng UCoC na tumagal ng hanggang Disyembre 2021, sumang-ayon ang mga kasapi ng CRC na ipagpatuloy ang paglilingkod sa komite hanggang sa bagong katapusan sa Disyembre.

Noong Disyembre 2021, muling pinalawig ng Wikimedia Foundation ang CRC sa kasalukuyan nitong anyo hanggang sa katapusan ng 2022, o kapag may permanenteng proseso na handang palitan ito. Limang kasalukuyang kasapi ng komite ang sumang-ayon na manatili sa komite, at hinihiling ng Foundation ang mga aplikante na punan ang natitirang mga puwesto sa komite.

Sa pagpapatibay ng pamayanan ng Universal Code of Conduct Charter noong unang bahagi ng 2024, walang prosesong isinama para sa namumunong komite upang suriin ang mga kilos ng tanggapan ng Wikimedia Foundation. Bilang kinalabasan, nagpasya ang Foundation na gawing permanenteng volunteer committee ang Komite sa Pasusuri ng Kaso (Case Review Committee), na nagtatrabaho sa Legal at Trust & Safety.

Kasapian

Ang Komite sa Pagsusuri ng Kaso ay binubuo ng 10 may karanasang boluntaryo mula sa oamayanan ng Wikimedia. Applicants para sa komite ay naproseso at sinuri ng isang maliit na bahagi ng stewards. Para sa kanilang kaligtasan, ang mga miyembro ng komite ay hindi nagpapakilala, kahit na ang kanilang mga tunay na pagkakakilanlan ay isiniwalat sa legal na tagapayo ng Foundation.

Pagiging karapat-dapat sa kaso

Tanging ang mga indibidwal na harapang sangkot sa isang kaso ang maaaring humiling ng pagsusuri, alinman bilang humihiling o bilang isang indibidwal na nasa ilalim ng pagsisiyasat. Ang mga kaso lang na nasa saklaw ng Trust & Safety sa ilalim ng patakaran sa pagkilos ng tanggapan ng Foundation ang angkop para sa pagsusuri. Kung ang Trust & Safety ay tumanggi na siyasatin ang isang kaso, na ipagpaliban ito sa mga proseso ng komunidad, hindi ito karapat-dapat para sa pagsusuri sa ilalim ng pamamaraang ito.

Ang ilang kaso sa opisina ay hindi karapat-dapat para sa pagsusuri. Ang mga hindi kasamang kaso ay ang mga isinagawa dahil sa naaayon sa batas, regulasyon, gawain, o legal na mga patakaran gaya ng tinukoy ng mga abogado ng Foundation. Susuriin ng abogado ng Foundation ang bawat kaso na inapela bago ibigay ang mga file ng kaso sa komite. Kung ang isang kaso ay nasa ilalim ng pagbubukod, ipapaliwanag ng abogado kung bakit sa komite ng pagsusuri at aabisuhan ng komite ang humihiling ng pagsusuri tungkol sa limitasyon. Sa lahat ng naturang kaso, ang mga desisyon ng Foundation ay hindi napapailalim sa apela at ang mga kasulatan ng kaso ay hindi maaaring ibahagi para sa pagsusuri.

Pagsusumite ng mga apela

Maaaring ipadala ang mga apela sa sumusunod na email address:

appeals@wikimedia.org

Kapag nagsumite ng apela, mangyaring:

  • Isama ang isang paliwanag kung bakit naniniwala kang ang kaso ay dapat na hinahawakan nang iba.
  • Maging maigsi sa iyong kahilingan. Ang mga mahahabang email na may hindi kinakailangang impormasyon ay magpapahirap sa komite na iproseso ang kaso sa isang napapanahong paraan.
  • Isama ang pangalan ng (mga) account na napapailalim sa kilos ng tanggapan.

Ang tungkulin ng komite ay suriin ang pagiging angkop ng isang kilos ng tanggapan; samakatuwid, ang panibagong katibayan ay hindi isasaalang-alang sa mga apela. Gayunpaman, ang ilang partikular na kinalabasan ng apela—halimbawa, kung ibabalik ng komite ang kaso sa Trust & Safety para sa karagdagang imbestigasyon—maaaring maging bukas sa bagong katunayan.

Apat na indibidwal ang magkakaroon ng access sa email address na ito: tatlong kasaping kawani ng Foundation (ang Senior Legal Manager, ang Bise Presidente ng Community Resilience & Sustainability, at ang Case Review Committee Facilitator) at ang Tagapangulo ng komite.

Pamamaraan ng pagsusuri

Ang mga inapela na kaso ay haharapin sa sumusunod na paraan:

  1. Natukoy ang pagiging karapat-dapat sa apela: Aabisuhan ang humihiling ng pagsusuri sa sandaling matukoy ng legal na tagapayo ng Foundation kung ang isang kaso ay karapat-dapat para sa pagsusuri.
  2. Pagsisiyasat: Kung ang inapela na kaso ay karapat-dapat para sa pagsusuri, ang tagapangulo ng komite ay magtatalaga ng limang miyembro ng komite upang suriin ang kaso. Pagkatapos ay susuriin ng komite ang kaso sa loob ng 14 na araw ng negosyo.
  3. Resulta: Ipapaalam sa humihiling ng pagsusuri ang desisyon ng komite. Ang komite ay walang awtoridad na mag-isyu ng mga parusa mismo, ngunit maaaring bawiin ang mga karapat-dapat na kapasyahan sa kilos ng tanggapan ng Foundation kung saan sa tingin nila ay naaangkop o magpadala ng kaso pabalik sa Trust & Safety para sa karagdagang imbestigasyon.

Tingnan din