Jump to content

Wikimedia Foundation/Legal/Community Resilience and Sustainability/Tiwala at Kaligtasan

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki

Tiwala at Kaligtasan (Trust & Safety)

Trust and Safety (minsan ay tinutukoy bilang T&S), dating kilala bilang Community Advocacy, CA o SuSa,[1] ay ang kumikilala, bumubuo at – kung naaangkop – ay sumusuporta sa mga proseso na nagpapanatili ng kaligtasan sa ating mga komunidad. Bukod pa rito, ang Tiwala at Kaligtasan ay nagdidisenyo, nagbubuo, at sumusunod sa isang diskarte na pinagsasama-sama ng legal, produkto, engineering, pananaliksik, at pag-aaral at pagsusuri, upang aktibong mapagaan ang mga panganib at itaguyod ang kaligtasan ng ating mga online at offline na pamayanan. Ang Trust and Safety ay binubuo ng bahagi ng Community Resilience and Sustainability team ng departamentong Legal. Nilalayon naming magbigay ng mahabagin, kapani-paniwala, at komprehensibong mga serbisyo sa Pagtitiwala at Kaligtasan sa Foundation at sa mga komunidad at kaakibat na sinusuportahan nito. Bagama't nilalayon ng aming pangkat na maging preventative sa karamihan ng aming gawain, karamihan sa aming panahon ay ginugugol sa pagtugon sa mga kasapi ng komunidad na nasa pagkabalisa. Para sa mas detalyadong kaalaman tungkol sa katwiran ng koponan, tingnan ang aming Pangkalahatang pagtanaw.

Pagsusuri at pag-uulat:



Jan Eissfeldt

Director, Global Head of Trust & Safety

Tiwala at Kaligtasan (Trust & Safety)

Ang Trust and Safety team ay sumusuporta sa mga kawani, publiko at mga nagkukusang-loob sa ating pamayanan sa pamamagitan ng humigit-kumulang ng 13 na mga daloy ng gawain sa tatlong malawak na lugar. Ang koponan ay binubuo ng tatlong sub-team: Policy, Operations, at Knowledge Integrity.

Gaya ng tinukoy sa Mga Alituntunin sa Pagpapatupad ng Universal Code of Conduct, layunin ng Wikimedia Foundation na ipagpaliban ang mga lokal at pandaigdigang proseso ng komunidad upang pamahalaan ang mga interaksyon sa wiki. Kung minsan, kailangan nating kumilos upang pangalagaan ang kaligtasan at integridad ng ating mga nagaambag, plataporma at publiko. Sinusuportahan namin ang isang malusog na kapaligiran sa ating mga proyekto sa pamamagitan ng ilang pook ng gawain. Kabilang sa iba pang mga hakbang, tinatanggap at pinangangasiwaan namin ang mga ulat ng mga pangunahing suliranin sa kaligtasan sa mga proyekto ng Wikimedia, kabilang ang mga banta sa pagpapakamatay, banta ng karahasan, at pornograpiya ng bata. Pagmamay-ari din namin ang mga patakaran hinggil sa Pagbabawal ng Wikimedia Foundation sa mga user mula sa mga proyekto at mula sa mga kaganapang pinondohan o sinusuportahan ng Foundation, at nakikipagtulungan kami sa iba pang mga koponan ng Foundation upang tugunan ang mga alalahanin tungkol sa pagkapribado at kalayaan ng gumagamit na hindi kinakailangang tumaas sa antas ng pagbabawal.

Bilang bahagi ng pangako ng Foundation na igalang ang awtonomiya ng pamayanan, hindi pinangangasiwaan ng Trust and Safety team ang pangkalahatang pamayanan o mga hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi na maaaring matugunan sa pamamagitan ng mga proseso ng komunidad, at hindi rin ito nagsisilbing pook ng apela para sa mga patakaran at kapasyahang gawa ng komunidad. Bagama't malugod kaming tumutulong sa mga kasapi ng komunidad na nangangailangan ng tulong, maraming ulit na ang tulong na iyon ay binubuo ng pagtulong sa tao na mahanap ang tamang katayuan sa komunidad upang matugunan ang kanilang alalahanin.

Flowchart na nagdedetalye sa daloy ng trabaho sa pagsisiyasat kapag sinusuri ang isang kahilingan para sa isang Office action

Kasama sa mga regular na daloy ng gawain ang:

  • Pagsusuri at pag-uulat:
    • Ang mga katanungan sa pangkalahatang Tiwala at Kaligtasan at mga ulat ng pagmamalabis ay maaaring isumite sa pamamagitan ng: ca(_AT_)wikimedia.org, alinsunod sa Patakaran sa mga Office action.
    • Mga banta ng napipintong pisikal na pinsala ay maaaring isumite sa: emergency(_AT_)wikimedia.org, ayon sa Threats of harm protocol.
    • Pagtatasa ng mga alalahanin sa pangangalaga ng bata kabilang ang mga ulat ng pornograpiya ng bata na inihain sa pamamagitan ng: legal-reports@wikimedia.org, ayon sa pangangalaga ng bata.
  • Mga pagbabawal sa Pandaigdig at Kaganapan: Mga kahilingan, pagtatanong, pagsisiyasat at pagpapanatili. (Tingnan din ang log ng mga pandaigdigang pagbabawal ng Trust and Safety.)
  • AffCom support: Tulungan ang Affiliations Committee kung naaangkop kaugnay ng mga bagay-bagay ng Trust and Safety
  • Identification and access rights para sa pamayanan: tingnan ang access to nonpublic personal data noticeboard
  • Pamamahala ng database ng Tiwala at Kaligtasan: pag-iingat ng talaan ng mga ipinagmandato at pinakamahusay na kasanayan
  • Trust and Safety Knowledge Integrity: Ang Trust and Safety Knowledge Integrity team ay nakatuon sa pagtaguyod sa mga komunidad sa pagtukoy at paghadlang sa mga kampanya ng disinformation alinsunod sa Disinformation Attribution model, sa mga platform ng Wikimedia Foundation.Kasama sa mga pagkilos ang pagsisiyasat sa mga ulat ng mga gawaing disinformation sa wiki, pagpapataas ng kamalayan sa iba't ibang anyo ng disinformation sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, taktika, at mapagkukunan sa mga boluntaryo, at pakikipagtulungan sa mga team sa buong Foundation upang matiyak ang kaligtasan ng pamayanan at integridad ng proyekto.

Tuwirang suporta sa pamayanan

Sa malapitan na pakikipagtulungan sa Product and Technology at sa iba pang bahagi ng departamentong Legal, pinamunuan ng pangkat ang ilang mga inisyatibang trust engineering.

Kasama sa iba pang kadalasang daloy ng gawain ang:

Pangloobang taguyod

Nagbibigay kami ng patnubay, payo at taguyod sa mga kawani ng Foundation, ang Lupon (Board), at mga komite. Tinutulungan naming patuloy ang mga kawani sa mga alalahaning nauugnay sa pamayanan at nilalaman, kabilang ang pagproseso ng pagtanggal ng DMCA at mga kinakailangan sa notification at, kung kinakailangan, pagtugon sa mga search warrant at mga wastong legal na subpoena. Pinamamahalaan namin ang mga kahilingan para sa advanced user rights na kinakailangan ng mga kasaping kawani upang magawa ang kanilang gawain sa pamamagitan ng pagtatasa ng mga pangangailangan at pakikipag-ugnayan sa mga steward.

Kasama sa mga regular na daloy ng gawain ang:

  • Supporting Executives: ang Executive Director, ang Executive Office, Jimmy Wales.
  • Pag-uugnayan: sa cross-wiki Ombuds Commission, ang Code of Conduct Committee, at iba pang mga koponan ng Wikimedia Foundation.
  • Supporting the staff: Mataas na mga pribilehiyo at karapatan ng user para sa kawani.
  • Legal na suporta: DMCA takedown at mga kinakailangan sa notification, search warrant at pagsunod sa subpoena, at maihahambing na mga daloy ng trabaho

Daloy ng Office actions

Flowchart na nagdedetalye kung paano mag-ulat ng isang insidente na nauugnay sa Wikimedia
Karagdagang kaalaman: Office actions

Bahagi ng pananagutan ng Trust and Safety team sa loob ng Wikimedia Foundation ay ang pagpapatupad ng mga kilos ng opisina (office actions). Ang mga artikulong ito ay bihira, at isinagawa alinsunod sa Mga Tuntunin ng Paggamit, kadalasan bilang isang pang-huling paraan. Ginagamit ang mga kilos ng opisina upang pangasiwaan ang mga paglabag sa pagka-pribado, pangangalaga sa mga bata, paglabag sa copyright, sistematikong panliligalig, at iba pang mga paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit na hindi kayang pangasiwaan gamit ang mga prosesong pinamamahalaan ng pamayanan.

Ang proseso na humahantong sa isang kilos ng opisina ay nagkakaiba-iba batay sa mga kilos at pangyayari na nakapaligid dito. Ang pinakamalakas na pagkilos na karaniwang ginagamit ay ang kagagawan laban sa mga user ng mga website, kadalasan sa anyo ng mga pangkalahatang pagbabawal o pagbawal sa mga kaganapan. Ang mga pagkilos na ito ay hantong sa mga pagsisiyasat sa pag-uugali ng user na isinagawa ng Mga Espesyalista sa Tiwala at Kaligtasan, na dumadaan sa isang mahigpit na masusing pagsusuri gaya ng nakadokumento sa flowchart sa kanan.

Maaaring kabilang sa iba pang mga kilos na opisina ang mga pagtanggal ng labag sa batas na materyal. Karaniwan itong binubuo ng mga sensitibong larawan ng mga menor de edad na lumalabag sa mga batas ng Estados Unidos. Ang Trust and Safety ay nagsasagawa rin ng mga pagtanggal upang matugunan ang DMCA Policy ng Wikimedia Foundation, isang imbakan na kung saan ay pinapanatili sa Foundation wiki.

Mga Apela

Ang case review committee ay nagbibigay-daan sa mga tuwirang kasangkot na mga kasapi ng komunidad na humiling ng pagsusuri sa isang komite ng pamayanan ng mga resulta ng paguugaling pagsisiyasat ng Tiwala at Kaligtasan. Ang komiteng ito ay may kasangkapan upang suriin ang ilang mga kilos ng opisina sa apela mula sa mga indibidwal na tuwirang kasangkot sa kaso (bilang requesting or sanctioned party). Para sa higit pang kaalaman, tingnan ang Office actions#Appeals.

Tingnan din

Mga sanggunian