Jump to content

Wikimedia Philippines/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki


WIKIMEDIA PILIPINAS

Maligayang pagdating sa Wikimedia Pilipinas, isang sangay ng Pundasyong Wikimedia na maglilingkod sa Pilipinas at sa mga pamayanan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Alinsunod sa aming mga layon at adhikain, inaasahan naming isulong at ipagtanggol ang layunin ng malayang midya at nilalaman sa Pilipinas, pati na ang nilalamang ginawa ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Kasaysayan

[edit]

Itatatag ang Wikimedia Pilipinas sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Pilipinas bilang isang samahang walang sapi at walang kita na nakatala sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan (SEC) sa ilalim ng pangalang Wikimedia Philippines Inc..

Ang kabatiran ng Wikimedia Pilipinas ay nalikha noong Mayo 20, 2007 sa unang impormal na pagpupulong ng mga Wikipedistang Pilipino sa SM Megamall sa Sentro ng Ortigas, Lungsod ng Mandaluyong. Bagaman, unang iminungkahi ang Wikimedia Pilipinas bilang isang kooperatiba noong Setyembre 13, 2006, pero ito ay humantong sa pagiging korporasyon na lamang noong Pebrero 11, 2007.

Kalagayan

[edit]

Pagkatapos maging sangay na sinang-ayunan ng Pundasyong Wikimedia (kasama ang tagubilin ng Komite ng mga Sangay) noong Marso 12, 2010. Pinirmahan ang Artikulo ng Ingkorporasyon at mga Tuntunin ng mga ingkorporador noong Marso 28, 2010 at iniharap ang mga dokumenton sa Komisyon ng Paseguro at Palitan ng Pilipinas noong Abril 8, 2010.

Pinagtibay ng Komisyon ng Paseguro at Palitan ang Katibayan ng Ingkorporasyon ng Wikimedia Pilipinas noong Abril 12, 2010 at pinirmahan ni Benito A. Cataran, Tagapangsiwa ng Kagarawan ng Pagtatala at Pagbabantay ng Kompanya na may Blg. ng Rehistro ng Kompanya na CN201005637. Inilabas ng Komisyon ang katibayan noong Abril 16, 2010 sa tanggapan nito sa Lungsod ng Mandaluyong, Kalakhang Maynila.

Pagkalahok

[edit]

Sumali na ngayon sa Wikimedia Pilipinas...sa tatlong madaling hakbang:

  1. Magpadala ng e-liham sa membership(_AT_)wikimedia.org.ph o punan muna ang pormularyong ito.
  2. Hintayin ang pagsang-ayon ng iyong pagsapi mula sa mga Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia Pilipinas.
  3. Bayaran ang kaukulang bayad.

Kahit hindi ka isang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, maaari kang lumahok o sumapi!

Sa kasalukuyan, may 24 na kasapi na tayo!

Maaari ka rin na tumala bilang isang kasapi tuwing may pagtitipon sa Pilipinas, mga pangyayari sa Wikimedia Pilipinas, taunang kumbensyon, o sa mga pagpupulong minsan sa tatlong buwan ng Wikimedia Pilipinas.

Magtatagpuan din ang kumpletong paraan ng kung paano maging kasapi sa lumang talaan ng mga kalahok.

Tulungan ang Wikimedia Pilipinas

[edit]

Kahit hindi ka kasapi ng Wikimedia Pilipinas, maaari kang tumulong sa amin na isulong ang mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia at malaya, bukas na nilalaman.

Ito ang ilan sa mga bagay na maaari mong maiambag:

Mga kawing

[edit]

Wikigroups

[edit]
Wikimedia Philippines
Homepages in different languages
EnglishBikolChavacanoCebuanoCapiznonHiligaynonIlokanoKinaray-aPangasinanKapampanganTagalogTausugWaray
DonationsJoin Wikimedia PhilippinesMembersTalk or ask about Wikimedia PhilippinesPost-incorporation tasksProjectsReports
Legal Documents
Articles of Incorporation: (English) - (Tagalog) • Discussion | By-Laws: (English) • DiscussionReview Summary | Resolutions
Project Coordination
Meetups in the Philippines: ManilaCebuNaga
Coordination of Wikimedia-related projects for non-Philippine-based languages
English Wikipedia: Wikipedia TambayanTambayan TalkAssessmentStatisticsPhilippine Portal | Russian Wikipedia: Проект:Филиппины (Project:Philippines)
Coordination of Wikimedia-related projects for Philippine-based languages
Bikol Wikipedia: Portal kan Komunidad | Cebuano Wikipedia: TubaanWikiProyekto Pilipinas | Chavacano Wikipedia: Tambayan De Los Chavacanos | Ilokano Wikipedia: Portal ti Komunidad | Kapampangan Wikipedia: Pasbul ning Balen | Pangasinan Wikipedia: Kaleskesan | Tagalog Wikipedia: Puntahan ng PamayananKapihanUsapan sa KapihanWikiProyekto Pilipinas | Waray Wikipedia: Ganghaan han KomunidadHarampangan
Social Networks
Facebook 1Facebook 2Google+Identi.caMy SpaceTwitter 1Twitter 2UStreamYahoo GroupYouTube

(Edit this template)