Jump to content

Batas ni Cunningham

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Cunningham's Law and the translation is 80% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang Batas ni Cunningham ay nagsasabi na "ang marapat na paraan upang makuha ang tamang sagot sa internet ay hindi magtanong; kundi ipaskil ang maling sagot."

Ang konseptong ito ay ipinangalan mula kay Ward Cunningham, ang nag-imbento ng software na wiki. Ayon kay Steven McGeady, [1] ang naglathala ng batas, ang Wikipedia na ata ang pinaka-kilalang halimbawa ng batas na ito.[2]

Ang Batas ni Cunningham ay masasabing halimbawa ng isang kawikaan sa Pranses na "prêcher le faux pour savoir de vrai" ("magsabi ng kasinungalingan upang malaman ang katotohanan"). Kilala si Sherlock Holmes sa minsang paggamit ng tuntuning ito (halimbawa sa "Ang Tanda ng Apat".[3]) Sa "Duty Calls" ("There's someone wrong on the internet"), na isang komik na gawa ni xkcd, ay ginamit ang konseptong ito.[4] Isang kawikaang Tsino 拋磚引玉 "pagtapon ng ladrilyo upang makaakit ng batong-lungtian" ay magkatulad ang ipinapahayag na konsepto.

Mga sanggunian

  1. "Weekend Competition, reader comment 119". Schott's Blog. The New York Times. 2010-05-28. Retrieved 2014-03-08. Cunningham's Law: The best way to get the right answer on the Internet is not to ask a question, it's to post the wrong answer. N.b. named after Ward Cunningham, a colleague of mine at Tektronix. This was his advice to me in the early 1980s with reference to what was later dubbed USENET, but since generalized to the Web and the Internet as a whole. Ward is now famous as the inventor of the Wiki. Ironically, Wikipedia is now perhaps the most widely-known proof of Cunningham's Law. 
  2. "Fritinancy: Word of the Week: Cunningham’s Law". Nancyfriedman.typepad.com. 2010-05-31. Retrieved 2014-03-08. 
  3. "Ang importante sa mga taong ganoon," bigkas ni Holmes habang nakaupo kami sa mga patung-patong na piraso ng bangka, "ay huwag hayaan silang isipin na ang impormasyon nila ay mahalaga sa iyo. Kung hindi ay tatahimik sila na parang talaba. Kung makikinig ka sa kanila na parang ayaw mo ay mas maaari mong makuha ang gusto mo."
  4. "xkcd 386: Duty Calls". xkcd. 2008-02-20. Retrieved 2014-03-08.