Tipang Kasulatan ng Kilusan/Mga Katawan ng Kilusang Wikimedia
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Mga Katawan ng Kilusang Wikimedia
Ang mga nagkukusang-loob at pamayanan ng Wikimedia ay bumubuo ng mga samahan upang bigyang tibay at patnubayin ang kanilang mga ginagalawan. Ang mga samahang ito ay tinutukoy bilang Wikimedia Movement Bodies sa Charter na ito at kinabibilangan ng Wikimedia Movement Organizations tulad ng mga affiliate at hub, ang Global Council, at ang Wikimedia Foundation. Ang Global Council at Wikimedia Foundation ay ang pinakamataas na tagapamahalang mga katawan, kapwa may sariling tinitiyak na layunin at mga pananagutan. Ang lahat ng Wikimedia Movement Body ay may Pananagutan sa Pangangalaga sa mga pamayanan ng Wikimedia kung saan sila gumagawa.
Ang Independent Dispute Resolution function ay gagawing[1] na ginawa upang lutasin ang mga salungatan na hindi malutas ng mga umiiral na mekanismo, o kung saan mayroong kawalan ng kakayahang pangangasiwa ang mga naturang pasya dahil sa mga kadahilanang lampas sa kakayanan ng mga kasangkot na panig. Sa kawalan ng gampanin na ito, ang Wikimedia Foundation, o ang kanilang napiling sugo, ay gagampan sa tungkuling ito.
Mga Samahan sa Kilusang Wikimedia
Ang Wikimedia Movement Organizations ay mga samahan na sinagawang umiral upang lumikha ng mga kalagayan tungo sa bukas at malayang kaalaman, para umusbong ito sa isang natukoy na heyograpikong konteksto o pampakay. Ang mga Wikimedia Movement Organization ay naaayon sa layunin ng Kilusang Wikimedia, at kasama ang mga kaakibat, hub, at iba pang mga pangkat ng Wikimedia na kinilalang maayos ng Global Council[2] o sa pamamagitan ng hinirang na committee nito.
Mayroong apat na uri ng Wikimedia Movement Organization:
- Mga Chapter ng Wikimedia na may natukoy na pambansang saklaw.
- Mga Thematic Organization na may pandaigdigan o cross-regional na saklaw ngunit sa isang natatanging tema.
- Mga User Group na maaaring isaayos ukol sa rehiyon o tema.
- Mga hub na maaaring ihanay ayon sa rehiyon o tema.[3]
Ang mga Wikimedia Movement Organization ay pangunahin sa paanong paraan ang mga pamayanan ay makakapagbuo at maghatid sa loob ng kilusan ng mga kagalawan at pagtutulungan. Ang pakikilahok ng anomang professional sa lawak ng antas ng Kilusang Wikimedia ay nilalayon upang pagtibayin ang kaalamang malaya, na layunin ng bawat samahan na humihirang ng kawani. Kadalasan, ang paraang ito ay ginagawa tungo sa pagpapalakas at pagtaguyod sa gawain ng mga nagkukusang-loob.
Pamamahala
Ang pagkakabuo at pamamahala ng isang Wikimedia Movement Organization ay hinahayaang bukas upang ang naturang katawan ay ang siyang magpasya, depende sa konteksto at mga pangangailangan kung saan ito nagpapatakbo. Ang gumagawa ng kapasyahan ay ang lupon ng isang organisasyon o isang katulad na katawan, na may pananagutan sa pangkat na kinakatawan nito — halimbawa, sa mga kasapi.
Mga pananagutan
Ang mga samahan ng Wikimedia Movement ay may pananagutan ukol sa:
- pagtaguyod ng pagpapanatili
sa mga pamayanang binabalikat ng mga kasapi,
- pagpadali ng pagsasama, pagkakapantay-pantay, at pagkakaiba-iba sa loob ng kanilang pamayanan,
pagtataguyod ng Universal Code of Conduct, at
- pagbuo ng mga pakikipagsamahan at pakikipagtulungan sa loob ng kanilang mga bahaging kinawiwilihan.
Ang mga Wikimedia Movement Organization ay may pananagutan na iulat ang kanilang mga gawain at mga ginagalawan sa pamamagitan ng pagbigay ng ulat na matutunghayan ng kalahatan. Maaaring piliin ng mga Wikimedia Movement Organization na paunlarin ang pagpapanatili ng kanilang pananalapi sa pamamagitan ng karagdagang income generation, na iugnay ang ganitong pagsisikap sa ibang mga samahan kung kinakailangan.
Kailangang sumangguni ang Global Council sa isang umiiral na Movement Organization kung magkaroon ng mga bagong panukala para sa mga katulad na Movement Organization (tema o rehiyon) sa pook nito, gayundin ukol sa mga suliranin tungkol sa kaayusan at pamamahala ng kilusan.
Global Council
Layunin
Ang Global Council[4] Ang (GC) ay ang kumakatawan sa strategic body ng Kilusang Wikimedia. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang pamayanan na makilahok sa paggawa ng kapasyahan upang magabayan ito nang isang umuugnay at may tinatanaw na paraan tungo sa malayang kaalaman.
Tungkulin
Strategic Planning[5]
Ang Global Council ay ang mananagot sa pagbuo ng Movement Strategy[6] gayundin ang mga pakikipag-panayam tungkol dito sa loob ng Kilusang Wikimedia. Ang GC ang magbibigay ng mga pahintulot ukol sa pandaigdigang diskarte at magbibigay-alam sa lahat tungkol sa mga tinatanaw at layunin ng Wikimedia, kabilang ang Strategic Direction. Binubuo din nito at binabago, pinagtitibay at ipinamahagi ang mga ipinapayo na taunang mga pangunahing diskarte para sa Kilusang Wikimedia.
Pamamahala ng mga Wikimedia Movement Organization at Pamayanan[7]
Ang GC ay ang sumasagawa upang matiyak na ang mga wastong pamantayan ay nasa tamang ayos sa pagpapatakbo ng mga pamayanan, kaakibat, at hub ng Wikimedia. Upang makamit ito, ang GC ay ang nagtatatag at nangangasiwa sa mga pamamaraan ng pagkilala/pagtanggal ng pagkilala sa mga kaakibat at hub, at pinapadali ang daraanan sa mga mapagkukunan (pananalapi, tauhan, kaalaman, at iba pa) tungo sa patas na pagbibigay-kapangyarihan sa mga pamayanan. Ang batasang pagbibigay ng trademark at mga bahagi ng kasunduan na nauugnay sa pamamaraang ito ay nananatiling pananagutan ng Wikimedia Foundation.
Ang isang committee na saklaw sa ilalim ng GC ay may pananagutan ukol sa pamamahala at pagpapayo tungkol sa pagkilala o pagtanggal ng pagkilala, pagsunod, at hidwaan ng mga kaakibat at hub. Titiyakin ng committee ang pagsunod sa mga pamantayan ng samahan at padadaliin ang paglutas ng mga salungatan[8]
Pag-unlad ng Teknolohiya
Ang GC ay magtatatag ng isang committee upang magbigay-payo sa Wikimedia Foundation, na mag-aalok ng mga kuro-kuro sa tinatanaw at mga pinagpapauna ng Kilusang Wikimedia. Ang technical committee ay itinatag ng GC sa pakikipagtulungan ng mga teknikal na nag-aambag.[9]
Pamamahagi ng Mapagkukunan
Ang GC ay nagtatatag ng mga pamantayan at patnubay para sa pantay na pagbabahagi ng mga laang-salapi sa loob ng kilusan alinsunod sa Principles of Decision Making. Karagdagan, ang GC ay may pananagutan sa pagbibigay ng mga grant sa mga pamayanan at Movement Organizations, batay sa nakalaan na budget. Ang pananagutan na ito ay nagmumula sa pagtalaga ng karapatan sa Global Council, galing sa Wikimedia Foundation, upang mamahala sa tungkulin ng pamamahagi ng mga mapagkukunan sa loob ng Kilusang Wikimedia. [10]
Pagkakatayo
Ang Global Council ay isang forum kung saan ang iba't ibang pananaw ay maaaring magsama-sama tungo sa higit na kabutihan, at ito ay gumaganap bilang isang katawang tumutulong sa Wikimedia Foundation at Wikimedia Movement Organizations. Ang Global Council ay kapwa inihalal at pinili, gamit ang mga pamamaraan na nangangalaga sa pagkakaiba-iba, mula sa mga pamayanan ng buong kilusan.
Ang Global Council ay binubuo ng Global Council Assembly (GCA) at ng Global Council Board (GCB) na pinili mula sa mga kasapi ng GCA.
Global Council Assembly
Ang Global Council Assembly (GCA) ay ang katawan na gumagawa ng kapasyahan sa Global Council. Ang mga kasapi nito ay pinili (selected), hinalal (elected), o tinalaga (appointed) upang isulong ang magkakaibang hanay ng mga pananaw at karanasan mula sa Kilusang Wikimedia gaya ng inilarawan sa Global Council Membership policy. Maliban kung may naitakda dito, ang terminong pagkakaupo ng isang kasapi ng GCA ay tatlong taon. Ang mga kasapi ng GCA ay maaaring maglingkod nang hindi lalampas sa dalawang magkasunod na buong termino (iyon ay, anim na taon). Matapos maihatid ang anumang[11] magkasunod na dalawang termino, hindi sila magiging karapat-dapat na muling matalaga sa GCA hanggang sa lumipas ang hindi bababa sa 12 na buwan. Ang GCA ay binubuo ng hindi bababa sa 100 at hindi hihigit sa 150 na kasapi.
Hindi bababa sa isang pulong ng Pandaigdigang Konseho (Global Council) ang gaganapin bawat taon at sa loob ng anim na buwan ng pagtatapos ng fiscal year, maliban kung ang pagpapalawig ng panahong ito ay ipinagkaloob ng GCA. Sa pulong ng Pandaigdigang Konseho na ito, ang Lupon (Board) ng Pandaigdigang Konseho ay magpapakita ng taunang ulat (annual report) nito tungkol sa mga gawain ng Pandaigdigang Konseho at ang mga isinasagawang kilos. Inihahatid nito sa pulong ang mga ikinilos na may paliwanag para sa pag-apruba.
Paraan ng paggawa ng pasya sa GCA:
- Ang lahat ng mga pasya ay dapat magawa ng isang absolute majority ng mga boto. Kung ang bilang ng mga boto ay nabuhol, ang panukala ay tatanggihan.
- Kung sa isang halalan sa pagitan ng higit sa dalawang tao ay walang nakakuha ng ganap na mayorya, isang karagdagang boto ang dapat gawin sa pagitan ng dalawang tao na nakatanggap ng pinakamaraming bilang ng boto, kung kinakailangan, pagkatapos ng pansamantalang boto.
- Ang isang resolution ay maaari din na pagtibayin sa labas ng isang pulong na may nakasulat na pahintulot ng mayorya ng lahat ng kasapi ng GC na may karapatang bumoto, at ito'y magkakaroon ng katulad na lakas bilang isang resolution ng pulong ng General Assembly, sa kondisyon na ito ay naipasa nang may paunang kaalaman ng lupon (Board).
Kasama sa mga pananagutan ng GCA ang:
- Paggawa ng mga kapasyahang mataas ang antas sa loob ng saklaw na layunin at tungkulin ng GC
- Pananagot ng GCB ukol sa kanilang gawain
- Pag-upo sa mga subcommittee ng GC
Global Council Board
Ang GC Board (GCB) ang mamamahala sa pag-uugnay[12] at pangangatawan ng Global Council, sa kadahilanan na nanggagaling ang atas (mandate) nito mula sa kapasyahan ng GCA. Ang GCB ay pinahintulutan na higit pang magpasya sa mga kinikilos upang maisakatuparan ang mga pasyang ito.
Ang GCB ay pinili (selected), inihalal (elected), itinalaga (appointed) ng at mula sa mga kasapi ng GCA kasunod ng pamamaraang inilatag sa Global Council Membership policy. Ang GCB ay binubuo ng hindi magkukulang sa 5 at hindi dadami sa 15 kasapi.
Ang termino ng panunungkulan ng isang kasapi ng GCB ay tatlong taon dapat. Ang bawat kasapi ng GCB ay maglilingkod hanggang sa matapos ang kanilang termino at sa kung kailan ang kahalili ay mahirang at mailuklok, o hanggang sa kanilang maagang pagbibitiw, pagkatanggal sa kinauupuan, o kamatayan. Matapos makapaglingkod ng anuman[13] magkasunod na dalawang termino, hindi sila magiging karapat-dapat para matalaga muli sa GCB hanggang sa lumipas ang isang kahabaang panahon na hindi bababa sa 18 buwan.
Kasama sa pananagutan ng GCB ay:
- Pagbalangkas ng paunang planong diskarte ng Kilusang Wikimedia, na napapailalim sa pahintulot ng GCA, bilang bahagi ng strategic planning nito,
- Pangangasiwa at pagmamatyag sa mga paraan ng paghalal, pagpili o pagtalaga ng mga kasapi sa GCA,
- Lumilingkod bilang kinatawan ng GC sa mga kaganapan sa pakikipag-ugnayan ng stakeholder,
- Pag-uugnay sa taunang pagpupulong ng GC,
- Pagpapanatili ng pananagutan para sa pagpapatupad ng mga tungkulin ng Global Council, na kapwa sumasaklaw sa GCA at GCB.
Mga Committee ng Global Council
Ang Global Council Board ang magpapasya sa mga komite (committees) at sa kanilang kasapian. Ang bawat komite ay kukuha ng karamihan ng mga kasapi nito mula sa GCA. Maaaring magtalaga ang mga komite ng karagdagang kasapi na hindi kasapi ng GCA.
Ang mga kasapi ng komite na hindi kasapi ng GCA ay maaaring maglingkod ng hindi hihigit sa dalawang magkasunod na buong termino ng 3 taon bawat isa (samakatwid, 6 na taon). Matapos maihatid ang anumang[14] magkasunod na dalawang termino, hindi sila magiging karapat-dapat para maitalaga muli sa GCA hanggang sa matapos ang isang panahon ng hindi bababa sa 12 buwan.
Support Structure
Mga Advisor at Liaison
Ang mga tagapayo at tagapag-ugnay ay hinirang upang tumulong sa gawain ng GC at mga komite nito batay sa pangangailangan ng dalubhasang kaalaman at patnubay. Maaaring matawag ang mga tagapayo upang mag-alay ng mga pananaw, mungkahi, at tulong sa pagtugon sa mga masalimuot na hamon at pagkakataon sa loob ng Kilusang Wikimedia.
Ang Wikimedia Foundation ay nagtatalaga ng mga tauhan[15] at iba pang resources upang makatulong sa mga kinikilos ng GC at sila'y gumana nang mabisa.
Wikimedia Foundation
Ang Wikimedia Foundation (“the Foundation”) ay ang nonprofit organization na humaharap bilang pangunahing tagapangalaga ng mga platform ng free knowledge at teknolohiya ng Kilusang Wikimedia. Kasama ang iba pang mga pangangatawan ng Kilusang Wikimedia, tinutugis nito ang kanyang layunin bilang isang nonprofit. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng strategic direction. Ang Wikimedia Foundation ay sumisikap na iayon ang gawaing nito sa pandaigdigang diskarte na inuugnay ng Global Council.
Kaanyuan ng Pamamahala
Ang pagkakatayo ng pamamahala ng Wikimedia Foundation ay itinatag sa kanyang mga tuntunin, na binubuo ng mga resolution mula sa Lupon ng mga Katiwala (Board of Trustees), at sa mga patakarang nakabalikat sa lupon ng mga Trustee, mga kasaping kawani ng Foundation, at sa mga Wikimedia projects na dinaraos nito.
Ang Lupon ng mga Katiwala ay ang pinakahuling tagapaggawa ng kapasyahan, na may kapangyarihan na itinalaga sa Wikimedia Foundation Chief Executive Officer (CEO). Bilang isang nonprofit, ang Foundation ay may pananagutan sa madlang pangkalahatan, kabilang ang mga pamayanan ng Wikimedia, mga mambabatas at tagahigpit, mga tumutupok ng kaalaman, mga tagapagbigay, at ang pangkalahatang madla.
Ang Foundation ay pinapayuhan at binibigyang suporta ng mga committee tulad ng nabanggit sa mga tuntunin nito o sa mga resulotion mula sa Board of Trustees. Ang mga komite na ito ay pangunahing binubuo ng mga nagkukusang-loob (volunteers) na may kaalaman at hilig sa mga pinapaksa ng mga committee, at sinusuportahan sa kanilang mga tungkulin ng mga kasaping kawani ng Foundation.
Mga Pananagutan
Kasama sa mga pananagutan ng Foundation, ngunit hindi lamang dito:
- Ang pagpapatakbo ng mga Wikimedia projects, na kinabibilangan ng pagho-host, pagbuo, at pagpapanatili ng pangunahing software; pagtatakda ng Mga Tuntunin ng Paggamit (Terms of Use) at iba pang mga malawak na patakaran sa buong kilusan; pagtaguyod ng mga pangangalap ng pondo (fundraisers); anuman pang mga ibang kilos upang matiyak na ang mga proyekto ay magagamit at nakahanay sa layunin; at, paggalang at pagkabig sa pagsasarili ng mga pamayanan at mga pangangailangan ng mga stakeholder,
- Pagsuporta sa mga palatuntunang ginaganap para sa kilusan,
- Mga legal na sagutin, kabilang ang pangangalaga sa tatak-pangkalakal (trademark), pagbibigay ng mga patakaran na nagpapahintulot sa mga proyekto na tumakbo, pagsunod sa pambatasan (legislation), pagtugon sa mga legal na banta, at pagpapahusay ng kaligtasan ng mga nagkukusang-loob.
Mga nai-Tala
- ↑ Babaguhin sa “is created” sa sandaling itinatag.
- ↑ Bago sa pagsisimula at panahong paglipat ng Global Council, ang mga Wikimedia Movement Organizations ay kinikilala ng Wikimedia Foundation Board of Trustees.
- ↑ Ang Charter na ito ay tumitingin sa mga Language Hub bilang isang anyo ng Thematic Hub.
- ↑ Alinsunod sa mga legal na pagsusuri na natanggap ng Charter noong 2023, ang Global Council sa simula ay hindi ibibilang na legal entity.
- ↑ Ang "Strategy" ay nakalakip sa pangunahing pagbabalak na baguhin ang kaanyuan ng Wikimedia.
- ↑ Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga pinapayo na Movement Strategy sa kalamnan ng mga usapang GC kaugnay sa pagpaplano at pagbibigay-una ng mga strategic initiatives, pagbabahagi ng mga resource, at mga karaniwang pagpapasya.
- ↑ Sa sinasaklaw nito, ang "administration" ay ang pamamahala at pangangasiwa ng mga bahaging nagpapatakbo ng Kilusang Wikimedia. Kabilang dito ang pagtatatag at pagpapatupad ng mga proseso, patakaran, at pamamaraan upang matiyak ang epektibong paggana ng mga komunidad, kaakibat, at hub ng Wikimedia.
- ↑ Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay ang may pananagutan sa pagtatatag at pamamahala ng mga pamamaraan upang bigyang-lakas ang paglutas ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng iba't-ibang Wikimedia Movement Organization, kabilang ang mga kaakibat at hub.
- ↑ Ang mga kapasyahan sa teknolohiya ay gagawin ng mga tauhan na ang pangunahing nakatuon ay sa paghahatid ng mga producto at serbisyong teknolohiya, kasama ang naaangkop na katawan ng kilusan na pinamumunuan ng pamayanang nauugnay sa Global Council.
- ↑ Ang Global Council ang tutukoy sa lahat ng dakong nauugnay sa mga pananagutan na ito, hatid ng pakikipag-ugnayan nila sa Wikimedia Foundation. Kabilang maari sa mga naturang pananagutan na ito ay ang i) pagtatakda ng mga patakaran sa pagpapakalat ng salapi, diskarte, at mga pamantayan para sa kilusan, ii) pagtatakda ng mga paghahatiang yaman sa rehiyon, tema, at iba pang pagpopondo, iii) pagtukoy ng mga layunin at sukatan sa buong kilusan, at iv) pagsuri sa mga kinalabasan ng palatuntunan sa buong mundo, bukod sa iba pang tinutukoy ng Global Council.
- ↑ Anuman sa pamamagitan ng pagpili (selection), paghalal (election), o pagtalaga (appointment).
- ↑ Ang GCB ang katawan na may katungkulan upang magtiyak na ang mga proseso sa loob ng GC ay tumatakbo ayon sa mga plano at timeline; sila'y nakikipag-ugnayan sa mga iba, kung saan at kailan kailangan, at namamahala sa pangkalahatang paggana ng GC, atbp.
- ↑ Anuman sa pamamagitan ng pagpili, paghalal, o pagtalaga.
- ↑ Anuman sa pamamagitan ng pagkapili, pagkahalal o pagkatalaga.
- ↑ Magbibigay-tulong ang mga tauhan sa mga kasapi ng GCA sa kanilang pangangailangan upang sila'y masiglang makalahok sa GC. Kabilang dito, ngunit hindi sugpo, sa paggawa ng pagsasalin at pagbibigay ng tulong sa pagpaparaan sa mga paroroonan ng pagpupulong.