Tipang Kasulatan ng Kilusan/Nilalaman/Talasalitaan
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Affiliates (mga kaakibat)
Ang mga kaakibat ng Kilusan ay mga entidad sa Kilusang Wikimedia na pormal na kinikilala: alinman sa Wikimedia Foundation, o (magmula 2026) ng Wikimedia Foundation pagka-payo ng sa Global Council. Mayroong apat na uri ng mga kaakibat ng Kilusan:
- Mga "Chapter" – mga malalaya at inkorporadang mga "non-profit" na kumakatawan sa Kilusang Wikimedia at sumusuporta sa mga gawain ng Kilusan sa buong mundo, at nakatutok sa isang kinakaloob na heograpiya. Ang mga Chapter o mga organisasyong "national/sub-national" ay may pangalan na malinaw na nakaugnay sa Wikimedia at sila'y binibigyang pahintulot sa paggamit ng mga trademark ng Wikimedia sa kanilang mga gawain, publisidad, at pangangalap ng pondo.
- "Thematic organizations" – mga malalaya at inkorporadang "non-profit" na kumakatawan sa Kilusang Wikimedia at sumusuporta sa mga gawaing nakatutok sa isang partikular na tema, paksain, o pangamba sa kanyang kinaroroonan o sa mga iba't ibang bansa at rehiyon. Ang mga Thematic na
organisasyon ay may pangalan na malinaw na nakaugnay sa Wikimedia at sila'y binibigyang pahintulot sa paggamit ng mga trademark ng Wikimedia sa kanilang mga gawain, publisidad, at pangangalap ng pondo.
- "Wikimedia User Groups" – mga kasapiang mapagbukas;
na may kinikilalang "contact person" at mga proyekto na madaling maorganisa. Ang mga user group ay may pasya na maging korporasyon o hindi; at sila'y may limitadong paggamit ng mga trademark ng Wikimedia sa kanilang publisidad ukol sa mga kaganapan at proyekto.
- Iba pang mga uri ng affiliate - ayon sa approval ng Global Council at Wikimedia Foundation.
Tipang Kasulatan
Ito ang tipan (Charter) para sa Wikimedia Movement. Ito ay isang kasulatan na nagbabalangkas ng mga katungkulan (roles), pananagutan (responsibilities), karapatan (rights), at mga hinahalaga (values) ng Kilusan.
Nilalaman
Anumang sulatin na idinagdag (added), inalis (removed), inulit (revised), pinag-"edit", binura (deleted), o kung hindi man ay isinaayos (modified) ng isang nakarehistro o hindi rehistradong gumagamit ang anumang "user interface" na lumilikha ng pagsasaayos sa anumang aspeto ng proyekto ng Wikimedia.
Mga Nag-aambag
Sa kasulatang ito, ang nag-aambag ay sinumang lumahok sa paglikha o pamamahala ng nilalaman, o sa teknikal na suporta ukol sa paglikha ng nilalaman, ng isang proyekto ng Wikimedia.
Pagkakapantay-pantay
Ang pagpantay-pantay ay isang pagsubok na makapagtakda ng gawain ng lahat, nang katarungan batay sa kanilang mga kalagayan. Ito ay may pagsasaalang-alang sa mga kahadlangang pumipigil sa kanila na magkaroon ng mga magkasingtulad na antas ng tagumpay. Hindi ito maaatim sa pamamagitan ng patuturing na ang lahat ay magkakatumbas.
Mga Panlabas na Kasosyo
Tungkol sa mga entidad sa labas ng Kilusang Wikimedia na umaayon sa ating mga hinahalaga at simulain, at nakikipagtulungan sa isa o higit pang "stakeholder" mula sa loob ng Kilusan. Hindi sila dagling nagagamit.
Fiscal Sponsor
Ang isang "fiscal sponsor" ay isang organisasyon na nangangasiwa ng grant sa ngalan ng isang grantee. Sa konteksto ng sulatin na ito, ang mga Fiscal Sponsor ay hindi kailangang maging mga kaanib ng Wikimedia. Ang mga kinakatawan na ito ay dapat mga nakarehistro bilang korporasyon ng pagka-kawanggawa o "non-profit"" sa kanilang mga lokal na konteksto; at sila ay kailangang tumugon sa ilang pangunahing kinakailangan bilang pagiging kwalipikado, na tutukuyin ng organisasyong magbibigay ng grant.
Libreng kaalaman
Ang bukas na kaalaman (o libreng kaalaman) ay uri ng kaalaman na malaya na gamitin, muling gamitin, at ibahagi nang walang pinansiyal, panlipunan, o teknolohikal na paghihigpit.
Pangangalap ng pondo
Ang pangangalap ng pondo (fundraising) ay ang pagkilos ng paghahanap at pagkuha ng mga donasyon. Sa kasulatan na ito, ginagamit ang terminong "paglilikom ng pondo" upang ilarawan ang pamamaraan ng paghahanap ng mga donasyong salapi mula sa mga independiyenteng organisasyon at indibidwal na mga donor. Kabilang dito ang mga gawad na ibinibigay ng mga ikatlong partido, kadalasan upang magtaguyod ng mga mga partikular na layunin.
Ang pangangalap ng pondo (fundraising) na isinasagawa ng mga kaakibat at rehiyonal na hub ay tinutukoy na "locally co-ordinated fundraising". Ang pangangalap ng pondo na isinasagawa ng Wikimedia Foundation ay tinutukoy na "globally co-ordinated fundraising".
Pagsasama
Ang kilos na bawasin ang pagbubukod at diskriminasyon gawa ng mga indibidwal at samahan (hal.: patungkol sa edad, kinatatayuan sa lipunan, lahi, relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal, atbp.) sa pamamagitan ng pagbabago sa mga timpla, patakaran, at istruktura na lilikha ng aliwalas na magtataguyod ang pagkakaiba-iba (diversity).
Movement/Kilusang Wikimedia
Ang "kilusan" o "Kilusang Wikimedia" ay tumutukoy sa kabuoan na mga tao, organisasyon, kaganapan at mga hinahalaga na sumasaklaw sa kapaligirang Wikimedia at mga proyekto.
Mga proyekto
Ang Wikimedia ay may serye ng mga proyekto sa kaalaman (mga halimbawa: Wikipedia, Wiktionary, Wikidata, Wikimedia Commons, atbp). Ang mga lokal na proyekto ay pangunahing mga samot-saring mga wika ng ng isang proyekto ng kaalaman (hal.: English Wikipedia, Turkish Wiktionary). Ang ilang mga proyekto sa kaalaman ay salin-salin at walang mga lokal na proyekto, ngunit maaaring maging magkakatulad din na "projekto" at "lokal na proyekto". May mga proyekto din na kumikilos bilang imprastraktura para sa pamayanang Wikimedia, tulad ng Meta-Wiki at MediaWiki Wiki.
Pagbuo ng kinikita
- Ang pagbuo ng kita ay ang pamamaraan ng paghahanap ng pondo upang masuportahan ang isa o higit pang aspeto ng Kilusan. Ang ilang mga halimbawa ng pagbuo ng kita ay:
- Pangangalap ng pondo
- Ang pagsama ng mga gawad na ibinibigay ng mga ikatlong partido, kadalasan upang suportahan ang mga partikular na layunin.
- Bayad sa pagiging kasapi para sa mga affiliate
- Wikimedia Enterprise
Nauugnay sa pagbuo ng kita ay ang donation-in-kind, kapag ang isang organisasyon o indibidwal ay nagbibigay ng serbisyo o pisikal na bagay nang walang singil, o sa pamamagitan ng pagsingil ng may diskwentong bayad. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:
- Mga silid ng pagpupulong o silid ng opisina
- Pag-"access" sa Internet
- Libreng "access" sa archival material
Mga mapagkukunan (Resources)
Ang mga mapagkukunan ay isang stock o supply ng salapi, materyales, kawani, kaalaman at iba pang mga kabtangan (assets) na maaaring gamitin ng isang tao o organisasyon upang gumana nang epektibo. (hango mula sa Oxford Dictionary)
Ukol sa Kilusang Wikimedia, ang mga mapagkukunan ay kinabibilangan ng:
- Mga ari-ariang pananalapi galing sa pagbuo ng kita
- And mga mapagkukunan ng tao (human resources), kabilang ang maraming bilang ng mga volunteers na umuusod sa Kilusan, at ang maliit na bilang ng mga pinapasahod na kawani na sumusuporta sa mga nagkukusang-loob (volunteers)
- Ang pagkakakilala ng kilusang Wikimedia at ang mga proyekto at kaganapan nito bilang pinagmumulan ng impormasyong magagamit sa mundo nang walang bayad
- Ang mga nilalaman ng mga proyekto (content), na binubuo at pinamamahalaan ng mga nagkukusang-loob (volunteers)
- Ang pisikal na imbakan ng software at ang nilalaman ng mga proyekto
- Ang mga dokumentasyon ukol sa pag-aaral at kaalaman upang suportahan ang mga proyekto at iba pang kaganapan ng kilusan.
Stakeholders
Sinumang indibidwal o pangkat, nagkukusang-loob man o may kabayaran, na namuhunan ng mga kawani, pinansyal o iba pang kayamanan sa isang organisasyon, na maaaring dumamay sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng organisasyon o makadamay sa pagsasakatuparan ng mga layuning iyon.
Sa kasulatang ito, ang "stakeholder" ay ang sinumang nakapagbigay sa pagtupad sa pangitain ng Movement. Sa tiyak na kasabihan, kasama sa paliwanag nito ang mga "online" at "offline" na pamayanan, mga organisadong pangkat tulad ng mga kaakibat at Wikimedia Foundation, at ang mga kasapi mula sa malawak nating "ecosystem", tulad ng mga kasosyo at kapanalig (partners and allies).
Subsidiarity
Ang prinsipyo ng "subsidiarity" ay mula sa kaalaman na ang kapangyarihan ng pagpasya ay minamabuting ibigay (a) sa kung saan ang pananagutan tungkol sa kalalabasan ay magaganap; at (b) sa pinakamalapit at angkop na pagkakaroonan kung saan isasagawa ang pagkilos na magsasanhi sa magiging mga kalabasan.
Wikimedia Foundation
Kilala din bilang WMF. Isang pandaigdigang "non-profit organization" na matatagpuan sa Estados Unidos, na nagho-"host" ng mga proyekto ng Wikimedia; ay may pangkalahatang pananagutan ukol sa pinagbabatayang nitong teknikal na imprastraktura, at nagbibigay ng malawakang hanay ng suporta sa mga entidad at tagapag-ambag ng Wikimedia. Ang WMF ay ang legal na host ng mga proyekto ng Wikimedia at ang mga kaugnay nitong website. Ito ang may-ari ng mga trademark na nakaugnay sa Wikimedia Foundation, gayundin ang mga trademark na nauugnay sa mga proyekto ng Wikimedia.
Wikimedians
Sa kasulatang ito, ang isang Wikimedian ay sinumang nag-aambag sa tinatanaw ng Kilusan. Maaari itong maging isang editor, developer ng MediaWiki, isang tagapangasiwa (administrator), isang organizer, kawani (staff), o sinumang naglalaan ng panahon sa mga kaganapan ng Kilusan.
Karagdagang Pagbabasa
- External legal feedback ukol sa draft nitong kabanata sa foundationwiki
- legal feedback ng Wikimedia Foundation ukol sa draft nitong kabanata sa foundationwiki