Tipang Kasulatan ng Kilusan

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Movement Charter and the translation is 100% complete.
Ang MCDC (Movement Charter Drafting Committee) ay nagpapaliwanag: ano ang layunin ng isang Tipang Kasulatan (Movement Charter)?

Ang Movement Charter o Tipang Kasulatan ay isang iminumungkahing katibayan, upang tukuyin ang mga katungkulan at pananagutan ng kalahatang mga kasapi at katauhan ng Wikimedia movement; kabilang nito ang pagbubuo ng isang bagong Pandaigdigang Konseho (Global Council) na magpapalakad nito.

Ang Tipang Kasulatan (Movement Charter) ay ipinapauna (priority), ayon sa Movement Strategy o Pamamaraang Kilusan.

Mga kasalukuyang balangkas



Patungkol

Ang panukalang ulat sa Movement Strategy na "Ensure Equity in Decision-making" ay ikikilos ng Tipang Kasulatan (Movement Charter) upang:

  • Gumawa ng Tipang Kasulatan (Movement Charter) upang: Magsaayos ng mga kaugalian, paninindigan, at patakaran ng Kilusan, kasama ang mga katungkulan at pananagutan ng isang Pandaigdigang Konseho; kasama din ang mga rehiyonal (regional) at pampakay (thematic) na mga Saniban (Hubs), tulad din ng mga samahang kapwa mataguyod at impormal; at mga pulong na nagpapasya (decision-making bodies).
  • Magtakda ng mga patakaran at pamantayan ukol sa mga pagpapasya at pamamaraan ng Kilusang Wikimedia, na pinagkakatiwalaan ng lahat ng mga kasanib nito. Mga halimbawa nito::
    • Pagpapanatili ng isang palugig na kapaligiran sa pagtutulungan,
    • Pagtiyak ng mga kinikita ng Kilusan at ang kanyang pamamahagi
    • Pagbigay ng isang pangkalahatang hakbangin, ukol sa paglalaan ng mga materyal at yaman, na may katumbas na pananagutan.
    • Pagsaad kung paanong ang mga pamayanan (communities) ay maaring makipagtulungan sa isa't isa; na maylikas ang pananagutan.
    • Pagtatakda ng mga inaasahan sa pakikipag-lahok, at ang mga karapatan ng mga kalahok.

Taning na Panahon

Ito ay isang "dynamic timeline" o taning na maaring may ipagbago. Bagamat ito ay pinapakita ang mga kinakailangang hakbang sa pagbubuo ng Tipang Kasulatan (Movement Charter), "ang mga petsa ay maaring mabago". Ano mang pagbabago ay maaaring gawin upang maiwasan ang pagmamadali ng proseso, lalo na't kapag may pagtatalakay sa mga pamayanan (communities) at mga kalipi (stakeholders); sapagkat itoý mahirap ihinto kung may takdang panahon.

Kahabaan ng Panahon Hakbang
Nobyembre 2021 - Enero 2022 Pagbubuo ng mga sistemang pang-suporta at mga panloob na proseso ng Drafting Group
Pagsasaliksik at pagtitipon ng mga nalaman
Pebrero - Oktubre 2022 Pagsaliksik at pagtipon ng mga nalaman:

Paglikha ng unang "draft" ng Charter dulot ng pakikipag-usap sa lahat ng mga kasanib (stakeholders)

Nobyembre 2022 Ang unang pahatid ng mga kabanatang "draft" ng mga sumusunod: Pambungad (Preamble); Mga Kaugalian at Paninindigan (Values ​​& Principles); at Katungkulan at Pananagutan (Roles & Responsibilities statement of intent) na dapat ay mailimbag
Nobyembre 2022 - Enero 2023 "Community consultation" tungkol sa unang batch ng draft ng mga kabanata ng Tipang Kasulatan (Movement Charter)
Pebrero - Marso 2023 Pagninilay-nilay sa mga feedback at pagrerebisa sa unang hatid (batch) ng draft na mga kabanata (draft chapters)
Abril 2023 Pagdulog sa mga pamayanan (Community consultation) tungkol sa Movement Charter ratification methodology proposal
Abril - Hulyo 2023 Pagsususulat ng pangalawang hatid ng mga draft na kabanata ng Movement Charter
Hulyo 2023 Pangalawang hatid ng mga Movement Charter draft chapters (Hubs, Global Council, Roles & Responsibilities at Glossary) na dapat ay mailimbag
Hulyo - Septiyembre 2023 Pakikipag-panayam (Community consultation) sa pamayanan tungkol sa pangalawang hatid (second batch) ng mga draft na kabanata (chapters) ng Movement Charter
Marso - Abril 2024 Pakikipag-usap sa pamayanan, tungkol sa kabuoang draft ng Tipang Kasulatan (full charter draft)
Extra cycles: Kung lahat ay katanggap-tangap, ito ay maaring nang ipagpatibay. Kung hindi man, magkakaroon pa ng karagdagang tatlong buwan upang baguhin ang nilalaman, kasunod ng dalawa pang karagdagang buwan na pagsusuri.
Hunyo 2024 Pagpapatibay ng Tipang Kasulatan (Movement Charter)


Manatiling maalam; Makipag-pasangkot