Tipang Kasulatan ng Kilusan/Talasalitaan

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Movement Charter/Glossary and the translation is 100% complete.


Talasalitaan

Suporta sa backbone

Suporta na ibinibigay ng isang independent entity o structure na sumusulong sa mga pangunahing tungkulin para sa patuloy na pagpapatakbo ng kilusan. Kabilang sa mga uri ng suporta, ngunit hindi lamang iyon, ay ang pagpupulong, pag-aayos at pagpapadali ng kaganapan; mga paglilingkod sa accounting; tulong sa pangangalap ng mga tauhan; merchandising, at iba pang gawain sa likod ng mga eksena.

Pananagutan sa Pangangalaga

Ang “care responsibility” ay ang formalization at description ng relasyon sa pagitan ng mga samahan at ng mga pamayanan na kanilang pinaglilingkuran. Kabilang dito, ngunit hindi pinipigil sa: pagbibigay ng inclusive at diverse working environment para sa mga kasapi ng pamayanan; pagsuporta sa mga online na kaganapan na proyekto ng Wikimedia; pagsasagawa ng gawain para sa karagdagang free knowledge initiatives kasama ng mga pamayanan; at, nagsisilbing tagapamagitan sa gitna ng mga pamayanan at ng pangkalahatang madla.

Nilalaman

Anumang materyal na dinagdag, tinanggal, binago, niretoke, inayos, binura o kung hindi man ay dinugtungan ng isang nakarehistro o hindi rehistradong gumagamit ng anumang user interface na lumilikha ng kahit anong tampok ng Wikimedia project.

Mga umaambag

Ang isang umaambag ay sinumang lumalahok sa paglikha o pamamahala ng mga nilalaman, o sa teknikal na pagsuporta sa paglikha ng nilalaman, ng isang Wikimedia project.

Mga Panlabas na Kasosyo

Mga tauhan sa labas ng Kilusang Wikimedia na umaayon sa ating mga hinahalaga at layunin, at nakikipagtulungan sa isa o higit pang stakeholder na tag-loob ng Kilusan.

Fiscal Sponsor

Ang fiscal sponsor ay isang organisasyon na nangangasiwa ng grant sa ngalan ng isang grantee. Ang mga fiscal sponsor ay hindi kailangang maging mga kaakibat ng Wikimedia. Dapat lang ay ang mga fiscal sponsor ay mga incorporated organization na nakarehistro bilang kawanggawa o nonprofit sa loob ng kanilang bansa, at kailangang matugunan ang ilang primary eligibility requirements. Kabilang sa mga pangunahing kinakailangan ng pagiging karapat-dapat, ngunit hindi pinipigil, ay ang pagiging isang organisasyon:

  • nakarehistro bilang isang organization sa loob ng kanilang bansa (hindi isang palatuntunan o proyekto lamang na walang nakalarawan na pagkakatayo bilang organisasyon),
  • maayos sa pananalapi at maayos ang pagsunod sa batas,
  • na pangunahing nakikibahagi sa pagka-kawanggawa o non-commercial na layunin, na may mga kasulatan ukol sa pangkalahatang mga kaganapan, pakay, at layunin na sumasalamin dito,
  • na hindi nakikibahagi sa anumang dami ng kaganapan na kinasasangkutan ng halalan ng mga pampublikong opisyal sa anumang halaga, at
  • may dokumentadong plano para sa kung ano ang mangyayari sa mga asset ng organisasyon sa pagbuwag nito.

Para sa mga organisasyon sa US, isang IRS registration na may 501(c)(3) status, isang good standing, at isang kasalukuyang listing sa GuideStar ay kinakailangan.

Mga pormal na pangkat

Ang mga pormal na pangkat ay nagpapatakbo sa ilalim ng nakatukoy na mga utos at pamamaraan. Sila ay may pananagutan sa mga tungkulin na kanilang inaako (hal. mga kaakibat ng Wikimedia, Arbitration Committee).

Ang mga impormal na pangkat ay walang mahigpit na pananagutan at walang tiyak na mandate (hal., WikiProjects).

Malayang karunungan

Ang Free knowledge, bukas na kaalaman, at malaya at bukas na kaalaman ay walang bayad at bukas na lisensyadong kaalaman na maaaring magamit, magamit muli, at muling ipamahagi nang walang paghihigpit sa pananalapi, panlipunan o teknolohikal.

Pangangalap ng pondo

Ang pangangalap ng pondo ay ang pagkilos ng paghahanap at pagkuha ng mga ambag na salapi. Ang katawagang "fundraising" ay ginagamit upang ilarawan ang paraan ng paghahanap ng mga donation mula sa mga independent organizations at individual donors. Ang pangangalap ng pondo dito ay kinabibilangan ng mga gawad na ibinibigay ng mga ikatlong partido (third parties), kadalasan upang suportahan ang mga partikular na layunin.

Sa iba pang mga paraan ng paglikom ng salapi, tingnan ang revenue generation.

Revenue generation

Ang Revenue generation ay ang paraan ng pagkuha ng mga pondo para suportahan ang isa o higit pang aspeto (aspects) ng kilusan. Ang ilang mga halimbawa ng pagbuo ng kita (income) ay:

  • pangangalap ng pondo,
    • Kabilang ang mga gawad na binibigay ng mga ikatlong partido (na hindi hinihigpitan o para suportahan ang mga nilayon na pakay), mga malaking regalo, o mga kaganapang pangangalap ng pondo,
  • mga bayarin ng pagkasapi (membership fees) para sa mga kaakibat

Nauugnay sa pagbuo ng kita ay ang "donation-in-kind", kapag ang isang samahan o tao ay nagbibigay ng paglilingkod at/o mga bagay-bagay nang walang bayad, o sa pamamagitan ng pagsingil ng may diskwentong bayad. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:

  • silid ng pagpupulong (meeting rooms) o kawanian (office)
  • paggamit ng internet, at
  • walang bayad na paggamit ng archival material.

Mga mapagkukunan

Ang mga mapagkukunan ay mga nakahanda o panustos na salapi, kagamitan, kawani, kaalaman, at iba pang mga bagay na may halaga, na maaaring makuha ng isang tao o samahan upang makapagpatakbo nang mabisa.

Sa pagkakataon ng kilusang Wikimedia, ang mga mapagkukunan ay kinabibilangan ng:

  • mga ari-arian sa pananalapi na nakuha ng pagbuo ng kita,
  • mga tao (kabilang ang kanilang panahong nagugol, pagsisikap, at kaangkupan; ang napakaraming bilang ng mga nagkukusang-loob na nagtutulak sa kilusan; at, ang mga maliit na bilang ng mga kawaning binabayaran na tumataguyod sa mga nagkukusang-loob),
  • ang dangal ng kilusang Wikimedia at ang mga project at mga sinasagawa nito bilang pinagmumulan ng kaalaman na magagamit sa buong daigdig nang malaya at bukas,
  • ang nilalaman ng mga project ng Wikimedia na binuo at pinamamahalaan ng mga nagkukusang-loob,
  • ang hinahawakang imbakan na naglalaman ng software at nilalaman ng mga project ng Wikimedia, at
  • mga kasulatan na pang-paaralan at kaalaman upang mapatibay ang mga project at iba pang kaganapan ng kilusan.

Stakeholders

Sinumang tao o pangkat, nagkukusang-loob man o hindi, na namuhunan ng tao, salapi o iba pang puhunan sa isang samahan, na maaaring dumamay sa pagtupad ng mga layunin ng samahan o nakadamay sa pagsasakatuparan ng mga layuning iyon.

Sa Charter na ito, ang "stakeholders" ay mga tao o pangkat na may kinalaman sa pagtupad sa tinatanaw ng kilusan.

Lalong tiyak, ang katawagan na ito ay kinabibilangan ng mga online at offline na pamayanan, mga organisadong pangkat tulad ng mga kaakibat, Wikimedia Foundation, at mga kasapi mula sa hihit na malawak na online information ecosystem, tulad ng mga kasosyo (partners) at kapanalig (allies).

Subsidiarity

Ang subsidiarity ay isang prinsipyo na ang mga kapasyahan ay dapat gawin sa pinakamababang antas na makakaya, na kung saan ang ibang mga matatagpuang stakeholder na sa mas matataas na antas ay manghihimasok lamang kung kinakailangan.

Kilusang Wikimedia

Ang “Wikimedia Movement” ay tumutukoy sa kalahatan ng mga tao, pangkat, at samahan na sumusuporta at lumalahok sa mga website at project ng Wikimedia. Kabilang dito ang lahat ng mga kumikilos sa loob ng mga patakaran, prinsipyo, at mga hinahalaga ng kilusan.[1]

Wikimedia projects

Ang Wikimedia ay may nakahanay na mga knowledge projects (hal., Wikipedia, Wiktionary, Wikiversity, at iba pa). Ang mga lokal o individual Wikimedia projects ay mga kinauriang knowledge project (hal., English Wikipedia, Turkish Wiktionary). Ang ilang mga Wikimedia project ay "cross-language" na walang kinaurian na wika (Wikidata, Wikimedia Commons). Mayroon ding mga nagsisilbing infrastructure para sa pagtatalakayan ng Wikimedia, tulad ng Meta wiki at ang MediaWiki wiki.

Mga naiTala

  1. Della Porta & Diani (2006) ay may napansin na ang mga kilusang panlipunan ay may tatlong pamantayan: (a) mga network ng pakikipag-ugnayan impormal sa pagitan ng nakararaming mga tao, pangkat, at/o samahan; (b) nakikibahagi sa mga salungatan/pagbabago sa pulitika o kultura; at (c) umiiral batay sa nakabahagi na kolektibong pagkakakilanlan (shared collective identity). Ang mga kilusan ay walang hangganang hindi nababago, dahil may iba't-ibang uri ng galaw na maaring magsapin-sapin (i.e. fit one inside the other).