Tech/Pagpapalit ng server
Your wiki will be in read-only soon
Basahin itong mensahe sa ibang wika • Please help translate to your language
Sinusuri ng Pundasyong Wikimedia ang paglilipat sa pagitan ng mga una at pangalawang sentro ng datos. Sisiguraduhin nito na mananatiling online ang Wikipedia at ang mga iba pang wiki ng Wikimedia kahit pagkatapos ng isang sakuna. Upang matiyak na gumagana ang lahat, kailangang magsagawa ang kagawaran ng Teknolohiya ng Wikimedia ng planadong pagsubok. Ipapakita ng pagsubok kung maaasahang makakapaglipat sila mula sa isang sentro ng datos patungo sa kabila. Nangangailangan ito ng maraming pangkat na maghanda para sa pagsubok at maging presente para mag-ayos ng mga anumang di-inaasahang problema.
Ililipat nila ang lahat ng trapiko pabalik sa pangunahing sentro ng datos sa 1 Marso. Magsisimula ang pagsubok sa 14:00 UTC.
Nakalulungkot, dahil sa mga limitasyon sa MediaWiki, dapat huminto ang lahat ng pagbabago habang nagaganap ang paglilipat. Humihingi kami ng paumanhin para sa pagkagambalang ito, at sinisikap naming mabawasan ito sa hinaharap.
Makakapagbasa ka, ngunit hindi makakapagbago, ng lahat ng mga wiki sa loob lamang ng maikling panahon.
- Hindi ka makakapagbago ng hanggang sa isang oras sa Miyerkules 1 Marso 2023.
- Kung susubukin mong magbago o maglagak sa mga oras na ito, makakikita ka ng mensahe ng kamalian. Inaasahan namin na walang mawawala na pagbabago sa mga minutong ito, ngunit hindi namin magagarantiyahan ito. Kung nakikita mo ang mensahe ng kamalian, mangyaring maghintay hanggang bumalik sa normal na ang lahat. Pagkatapos, dapat mailalagak mo na ang iyong pagbabago. Subalit, inirerekomenda namin na gumawa ka ng kopya ng iyong mga pagbabago muna, kung sakali man.
Mga ibang epekto:
- Babagal ang mga background job at maaaring tanggalin ang ilan. Maaaring hindi maisasapanahon ang mga pulang kawing ng kasimbilis ng normal. Kung maglilikha ka ng artikulo na nakakawing na sa ibang lugar, mas matagal na mananatiling pula ang kawing. Kailangang pahintuin ang mga ilang pangmatagalang iskrip.
- We expect the code deployments to happen as any other week. However, some case-by-case code freezes could punctually happen if the operation require them afterwards.
- GitLab will be unavailable for about 90 minutes.