Jump to content

VisualEditor/Newsletter/2020/July/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page VisualEditor/Newsletter/2020/July and the translation is 100% complete.

Ikatlong Balita sa Pagmamatnugot ng 2020

Basahin ito sa ibang wikaTalaang pansuskripsyon para sa pahayagang ito sa iba't ibang wika

Isang gintong bituin na may bughaw na laso, at 50m ang teksto
Higit sa 50 milyong pagbabago ang nagawa gamit ang biswal na pampatnugot sa desktop.

Pitong taon na ang nakalilipas ngayong buwan, inialok ng Editing team ang biswal na pampatnugot sa karamihan ng mga patnugot ng Wikipedya. Simula noon, maraming milyahe ang nakamit ng mga patnugot:

  • Higit sa 50 milyong pagbabago ang nagawa sa pamamagitan ng biswal na pampatnugot sa desktop.
  • Higit sa 2 milyong bagong artikulo ang nilikha sa biswal na pampatnugot. Higit sa 600,000 ng artikulong ito ay nagawa lamang noong 2019.
  • Unti-unting sumisikat ang biswal na pampatnugot. Ang hagway ng lahat ng mga pagbabago gamit ang biswal na pampatnugot ay tumataas bawat taon mula sa pagpapakilala nito.
  • Noong 2009, ginamit ng 35% ng mga pagbabago ng mga bagong-dating (mga patnugot na naka-login na may ≤99 pagbabago) ang biswal na pampatnugot. Itong porsyento ay nadadagdagan bawat taon.
  • Halos 5 milyong pagbabago sa mobile sayt ang nagawa gamit ang biswal na pampatnugot. Karamihan nitong mga pagbabago ay nagawa mula nang magsimula ang Pangkat pampatnugot sa pagpapabuti ng biswal na pampatnugot sa mobile noong 2018.
  • Noong ika-17 ng Nobyembre 2019, ang unang pagbabago mula sa kalawakan ay nagawa sa biswal na pampatnugot sa mobile. 🚀 👩‍🚀
  • Gumawa ang mga patnugot ng higit sa 7 milyong pagbabago sa pampatnugot ng wikitext ng 2017, kabilang ang pagsisimula ng 600,000 bagong artikulo gamit nito. Angpampatnugot ng wikitext ng 2017 ay ang built-in wikitext mode ng VisualEditor. Maaari itong paganahin sa inyong mga nais.

Whatamidoing (WMF) (usapan)