Taunang Plano ng Pundasyong Wikimedia/2024-2025/Pagtutulungan

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation Annual Plan/2024-2025/Collaboration and the translation is 71% complete.
Outdated translations are marked like this.

Pakikipag-ugnayan

Sa mga nakalipas na ilang taon ay patuloy naming pinauunlad at pinabubuti ang isang pinagtutulungang paraan ng pagbabalangkas – ang tampulan ng Pundasyong Wikimedia ay nananatiling nakagitna sa mga tao at teknolohiya dahil sa natatanging tungkulin ng Pundasyon bilang tagabigay ng plataporma para sa mga tao at pamayanan na nangunguna ng mga tao-hanggang-taong pamaraanang pang-gawa ng kaalaman. Ang apat na pangkalahatang layunin (Katarungan, Imprastruktura, Kaligtasan, Pagka-bisa) ay nananatili, habang ang trabaho at mga gawa sa loob ng mga ito ay paulit-ulit na nagbabago sa makabuluhang pag-unlad na nagawa sa kasalukuyang taon.

Ang mga talakayan ngayong taon ay nagsimula sa Talking:2024 - mga usapan sa pagitan ng mga kawani ng Pundasyon, mga pinuno, mga kasapi ng lupon, at mga taga-Wikimedia sa buong mundo. Sinunod ito ng isang pag-aanyaya mula sa Punong Opisyal ng Produkto & Teknolohiya Selena Deckelmann para sa mga sa-wiking dagdag sa mga iminumungkahing layunin para sa mga trabahong produkto at teknolohiya ng Pundasyon sa susunod na taon. Ang mga layuning ito ay tumatayo sa mga kasalukuyang usapan mula sa Talking: 2024, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng tuluyang tampulan sa mga kailanganin ng ating plataporma at mga online na patnugot. Sa mga susunod na linggo, ilalathala na ang mga pangunahing resulta sa produkto at teknologiya, at kasunod nito ay ang mga kagamitan ng buong banghay ng taunang plano sa simula ng Abril.

Binabati namin ang mga palagay niyo mula ngayon hanggang ika-31 ng Mayo 2024 at babaguhin namin ang pahinang kapag mayroong mga bagong sa-wiki at live na talakayang magbubukas sa mga iba't-ibang daan at wika. Sa mga talakayang ito ay ibabahagi ng mga taga-Wikimedia ang kanilang mga palagay sa mga minuminungkahing plano at ang sarili nilang mga layunin para sa susunod na taon. Nahihikayat sa mga nagawa ng maraming iba sa kanilang mga sariling gawain, tuloy kaming naghahanap ng mga pagkakataong makipagtulungan at matuto sa mga proseso ng pagbabalangkas at sa mga trabaho ng iba sa galawang Wikimedia pati na rin ang mga ibang kasama. Ngayong taon maraming paraan ng pakikipag-ugnayan: dito sa Meta-Wiki, sa mga nabuong espasyo kasama ang mga pamayanan, sa mga proyektong pahina ng Wikimedia, at sa mga paraanan ng pamayanan.

Sama-samang nabuong espasyo ng Pamayanan

Ngayong taon, ang mga kawani at pinuno ng Pundasyong Wikimedia ay sasama sa mga umiiral na usapan na inayos ng pamayanan para sa magkabilaang pagbabalangkas sa banghay ng taunang plano ng susunod na taon. Bilang karagdagan, ang mga kawani ng Pundasyon ay umaayos ng ilang usapang tematiko na maaaring salihan ng kahit sinuman base sa kanilang lugar ng kapakanan. Kapag nais mo sumali sa isang usaan ngunit walang pagsasalin sa iyong ginugustong wika, i-email kami sa movementcomms@wikimedia.org, at gagawin namin ang mga kinakailangang kaayusan. Tandaan na ang listahan ay paulit-ulit na babaguhin habang ipinapatibay ang mga petsa upang makuha mo ang pinakabagong impormasyon.

  1. Usapan ng Komite ng Community Affairs ng Pundasyong Wikimedia at mga Katiwala: .
  2. WikiCauserie: , mayroong pagsasalin sa: Ingles - Pranses.
  3. MENA Community call , interpretations available: English - Arabic.
  4. CEE Catch up: , interpretations available: English - Russian
  5. Annual Planning Session at ESEAP Conference 2024: .
  6. Igbo Wikimedia Open Community Call: .
  7. Cross-regional meeting: May 15, 2024 (15.00-16.30 UTC), interpretation available: English, French, Polish, Portuguese, Spanish.
  8. Wikimedia AI call: May 16, 2024 (14.00-15.00 UTC). Interpretation: TBD
  9. Afrika Baraza: , mayroong pagsasalin sa: Ingles – Pranses, Arabic at Swahili.
  10. South Asia Open call: .

Sa-Wiki

Isang buod na mensahe para makipag-ugnayan sa mga talakayan ng taunang plano ay lokal na ipupwesto sa iba't ibang mga proyekto. Ang buong bersyon ng mga materyales ng banghay na taunang plano kasama ang mga salin nito ay mahahanap sa Meta-Wiki na lagusan na ito. Maari kang makipag-ugnayan sa amin sa parehong lokal na usapang pahina at dito sa usapang pahina ng Meta-Wiki, at lagi sa iyong ginugustong wika. Magdadagdag kami ng mga ugnayan dito papunta sa kung saan man nakapuwesto ang mga nilalaman na ito kapag ito ay nabuo.

Mayroon ding mga iba't-ibang usapan tungkol sa tanung plano sa mga ibang pamayanang paraanan sa Discord at Telegram. Hinihikayat namin kayo na sumali sa mga usapang ito kung ikaw ay sumusunod sa mga pamaraang ito.

Ang mga usapan tungkol sa mga tukoy na produkto ay mangyayari sa ibang mga paraanan. Ang mga usapan na ito ay sa pagitan ng mga kasapi ng mga pamayanan na nakikipag-ugnayan sa mga pangkat Produkto ng Pundasyong Wikipedia na may-ari sa mga sarili nilang layunin at pangunahing resulta sa taunang plano. Ang mga kasapi ng pamayanan na may kapakanan sa mga tukoy na layunin at pangunahing resulta na hawak ng pangkat Produkto ay maaring makipag-ugnayan sa mga pangkat nila para sa mga detalye ng trabaho ng mga layunin na hawak nila, ang pagsasagawa nito, at ang pagkakahanay nito sa gawa at kapakanan ng mga pamayanan.

Ang mga pakikipag-ugnayan ay mga pagkakataon upang magtanong at makakuha ng paliwanag sa nahanay na trabaho ng pangkat produkto para sa taon ng 2024-25 base sa mga layunin at pangunahing resulta ng taunang plano. Maglalagay kami ng mga ugnayan dito papunta sa mga lugar kung saan nakikipag-ugnayan ang mga pangkat produkto sa kanilang madla kapag ito ay nabuo.