Jump to content

Stewards/elections 2009/Guidelines/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page guides users interested in voting or being a candidate in the steward elections. Please read each relevant section below.

Mga botante

[edit]

Bago bumoto, kinakailangang ikaw ay:

  • pinahihintulutan dito sa Meta (ang wiking ito).
  • mayroong kahit isa lamang na akawnt sa mga proyekto ng Wikimedia:
    • may mga pinatnugot na hindi bababa sa bilang na 600 bago ang 01 November 2008;
    • may mga pinatnugot na hindi bababa sa bilang na 50 bago ang 01 August 2008 at 31 January 2009;
    • hindi isang bot.

Maaari mong alamin kung ikaw ay karapat-dapat.

Mga tagapagsalinwika

[edit]

Tumulong po sa pagsasalinwika ng mga pahinang ito patungo sa inyong mga wika:

Mga mungkahi para sa mga kalahok

[edit]
  • Kapag walang pabatid sa inyong pangunahing wiki na nagsimula na ang halalan, pag-isipan ninyong ipahayag ito sa pampublikong pisara ng pabatid (noticeboard) upang makahikayat pa ng mga kalahok.
  • Kung inyong nais ay maaari ninyong tanungin ang mga kandidato. Ang mga mahahabang usapin ay maaaring isa-ayos at ilipat sa pahinan ng usapan (talk page) ng kandidato kung kinakailangan. Mag-iwan lamang po ng pabatid upang malaman ng ibang kalahok kung saan ito hahanapin kapag nais nilang sumubaybay.
  • Maaaring magbigay ng maikling pahayag (isa o dalawang linya lamang) upang ipaliwanag ang inyong boto. Inuulit namin na ang mga mahahabang usapin ay maaaring isa-ayos at muli, mag-iwan lamang ng pabatid upang malaman ng ibang kalahok na mayroon silang maaaring basahin pa kung nais nila.

Mga Kandidato

[edit]

Mga Pangangailangan

[edit]

Bago mag-prisinta bilang katiwala, siguruhin muna na ikaw ay:

  • sumasangayon na susunod sa mga Patakaran ng mga Katiwala;
  • mayroong aktibong akawnt ng tagagamit sa Meta wiki;
  • mayroong akawnt sa kahit isang proyekto ng Pundasyong Wikimedia na kung saan ito ay aktibong ginagamit ng hindi kukulangin sa tatlong buwan.

Dahil ang katiwala ay maaaring masubsob sa gawain at magbunga ng bagay na masasangkot ang batas, kinakailangan rin na ikaw ay:

  • 18-taon gulang o higit pa bago ang huling araw ng halalan;
  • handang mag-bigay ng iyong totoong pangalan at ng katunayan nito sa Pundasyong Wikimedia.

Mas gugustuhin ang isang Katiwala na marami ang wika dahil madalas ang mabilang sa pangangasiwa ng mga proyektong iba't-iba ang gamit na wika. Kinakailangan rin na pangkaraniwan na sa kanila ang naririto. Bukod sa iba pang mga takda, ang mga taga-pangasiwa ay pinagbabawalan na gamitin ang kanilang kakayahang mangasiwa sa mga proyekto na kung saan sila ay aktibo upang maiwasan ang pagbabangaan ng hangarin. Hinihimok din sila na bantayan at tumulong sa mga pahina ng pakikiusap sa Meta tulad ng mga pahintulot, katayuang bot, at kabatiran ng sinuring tagagamit. Kung ikaw ay gumagamit ng IRC, sumali ka sa #wikimedia-stewardsconnect sa freenode upang sagutin ang mga pakiusap.

Ang mga katiwalang hindi na aktibo ay tatanggalan ng kakayahan.

Paglatag ng Kandidatura

[edit]

Kung nais mo na maging katiwala, sundan ang mga sumusunod na hakbang.

Lumikha ng pahina ng iyong pagpapahayag

[edit]
  1. Lumikha ng isang kabahaging pahina (sub-page) sa pahinang "Stewards/elections 2009/statements/Ang_iyong_pangalan".
  2. Itala mo ito na naglalaman ng mga sumusunod upang maitala ang iyong pagsali sa halalan:
    {{subst:sr-new statement 2009}}
  3. Baguhin mo ang pahinang ito at idagdag ang mga sumusunod na kabatiran:
    • Ang iyong tunay na pangalan (hindi ubligado);
    • isang kawing (link) patungo sa iyong akawnt ng tagagamit (user account) sa Meta at isang kawing (link) sa pangalawang akawnt na natustos ang mga pangangailangan.
    • isang listahan ng mga wikang kaya mong isulat at bigkasin. Gamitin mo ang shorthand (mabilisang pagsulat sa pamamagitan ng mga simbolo) ng Wikimedia para sa mga wika (w:Wikipedia:Babel).
    • isang maikling buod ng iyong mga gawain sa Pundasyong Wikimedia. Binibigyang pansin ang kinalalagyan ng anumang kakayahang tagapangasiwa o burokrato, mga gawaing boluntaryo gaya ng pagsapi sa pangkat ng tagasagot ng e-liham o sa Komite ng Arbitrasyon ng Wikipedia, o kahit na ano mang kabatiran na sa tingin mo ay nauukol. Maaari mo ring basahin ang pahayag ng ibang aplikante upang makakuha ng iba pang pananaw.

Kapag ikaw ay handa na, idagdag mo ang iyong subpahina sa pahinang panghalalan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga sumusunod na naaayon sa pagkakasunod-sunod ng alpabetong Ingles: "{{:Stewards/elections 2009/statements/Ang_iyong_pangalan}}". May mga boluntaryo na magsa-salinwika nito para sa iyo.


Magbigay ng katunayan ng katauhan

[edit]