Jump to content

Halalan ng Pundasyong Wikimedia ng 2013

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation elections 2013 and the translation is 85% complete.
Outdated translations are marked like this.
Info The election ended 22 June 2013. No more votes will be accepted.

The results were announced on 24 June 2013.

Tumulong sa pagsasalin ng halalan.

Process

Gaganapin ang halalan para sa Pundasyong Wikimedia ngayong 2013 mula 8-22 Hunyo 2013. Ang mga kasapi ng pamayanang Wikimedia ay magkakaroon ng pagkakataon na maghalal ng mga kandidato sa tatlong tungkulin.

  • Tatlong kandidato para sa Lupon ng mga Katiwala ay manunungkulan ng dalawang-taong taning na magtatapos sa 2015. Ang Lupon ng mga Katiwala ay ang huling pangasiwaang pampamamahala ng Pundasyong Wikimedia, na isang organisasyong 'di-kumikinabang na 501(c)(3) na nakarehistro sa Estados Unidos. Pinamamahalaan ng Pundasyong Wikimedia ang samu't-saring proyekto tulad ng Wikipedia at Commons.
  • Dalawang kandidato para sa Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan (FDC) ng Lupon na manunungkulan ng taning na may haba ng dalawang taon.
  • Isang kandidato para sa Ombudsperson ng Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan na manunungkulan ng taning na may haba ng dalawang taon.

Iseseguro ang halalan gamit ang software na SecurePoll. Sekreto ang mga boto, at wala sinuman mula sa Komite sa Halalan, Lupon, o kahit sino pa sa kawani ng Pundasyong Wikimedia ang makakakita dito. Hawak ng isang malayang ikatlong partido ang susi ng engkripsiyon (encryption key) sa halalan, na kapag pinagana ay mahihinto na ang botohan. Ang ilang datos ng pagkakakilanlan ng mga botante (gaya ng direksiyong IP, ahenteng pantagagamit, at iba pang datos na katulad ng makukuha ng kagamitang Checkuser) ay makikita lamang ng iilang piling tao na mag-aaudit at magtatala ng halalan (ang Komite sa Halalan). Magsusumite ang mga botante ng kanilang boto gamit ang sistemang Sang-ayon/Tutol/Neutro. Ang mga boto ay itatala at ang mga kandidato ay pagsusunud-sunurin ayon sa bahagdan ng pagsang-ayon, na siyang bilang ng mga botong sumang-ayon sa isang kandidato na hinahati ng kabuuang bilang ng mga botong ibinigay sa naturang kandidato (di-kasama ang pumili ng "neutro"). Irerekomenda upang mahirang sa Lupon ng mga Katiwala ang mga kandidatong may pinakamataas na bahagdan ng pagsang-ayon.

Ipapahayag ng Komite sa Halalan ang resulta sa o bago ng 28 Hunyo 2013. Magkakaroon din ng detalyadong resulta.

Impormasyon para sa mga botante

Kakailanganin

Mga patnugot

Maaari kayong bumoto gamit ang alinman sa mga kuwentang nakarehistro sa iyo sa mga wiki ng Wikimedia. Isang ulit lamang kayo maaaring bumoto kahit pa marami kayong kuwenta. Upang magamit ang nais niyong kuwenta, ito'y dapat:

  • hindi nakaharang sa higit na isang proyekto; at
  • hindi nakaharang sa proyekto kung saan ka boboto; at
  • hindi ito bot; at
  • nakagawa ng 300 pagbabago man lang bago sumapit ang 15 Abril 2013 sa lahat ng wiki ng Wikimedia (ang mga pagbabago sa iba't-ibang wiki ay maaaring pagsamahin kung ang kuwenta niyo ay isinama sa pandaigdigang kuwenta); at
  • nakagawa ng 20 pagbabago man lang sa pagitan ng 15 Disyembre 2012 at 30 Abril 2013.
Mga tagapagpaunlad (developers)

Maaaring bumoto ang mga tagapagpaunlad kung:

  • Sila'y mga tagapangasiwa ng mga serbidor ng Wikimedia na may shell access; o
  • May commit access at may isa man lang na merged commit sa git sa pagitan ng 1 Mayo 2012 at 30 Abril 2013.
Kawani at mga kontratista

Maaaring bumoto ang mga kasalukuyang kawani at kontratista ng Pundasyong Wikimedia kung sila'y ineempleyo na ng Pundasyon pagdating ng 30 Abril 2013.

Kasapi ng Lupon at ng Lupon ng mga Tagapayo

Maaaring bumoto ang mga kasalukuyan at dating kasapi ng Lupon ng mga Katiwala at Lupon ng mga Tagapayo.

Impormasyon para sa mga kandidato

Dapat matugunan ng mga kandidato ang mga kinakailangan upang maging isang botante, pati na rin ang mga kinakailangan sa gagampanang tungkulin. Hindi pinapayagan ang pagkandidato nang higit sa isang tungkulin.

  • I-klik ito para sa impormasyon sa mga kandidato sa Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan
  • I-klik ito para sa impormasyon sa mga kandidato sa pagka-Ombudsperson ng Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan

Pagsasaayos

Guhit-panahon

  • 24 Abril – 17 Mayo 2013: pagsusumite ng mga kandidato
  • 17 Mayo 2013: Huling araw sa pagsumite ng katibayan sa pagkakakilanlan (tatangalin ang mga nahuli o may kulang sa kinakailangang isumite)
  • 1–15 Hunyo 2013: halalan
  • 16–18 Hunyo 2013: pagsusuri ng boto
  • 18–22 Hunyo 2013: paglathala ng resulta

Kung ikaw ay maaaring bumoto:

  1. Basahin ang mga pagpapakilala ng mga kandidato at magpasiya kung sino sa mga kandidato ang susuportahan.
  2. Tumungo sa pahinang wiki na "Special:SecurePoll" sa isa sa mga wiki na maaari kang bumoto. Halimbawa, kung pinakaaktibo ka sa wiking meta.wikimedia.org, tumungo sa meta.wikimedia.org/wiki/Special:SecurePoll.
  3. Sundan ang mga panuto sa pahina.