Jump to content

Taunang Plano ng Pundasyong Wikimedia/2023-2024

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation Annual Plan/2023-2024 and the translation is 100% complete.

Buod

Nanatili ang Pundasyong Wikimedia sa isang panahon ng pagbabago. Tumanggap ito ng panibagong pamumuno sa hulking taon, kasama ang isang bagong Punong Tagapagpaganap at Punong Opisyal ng Produkto at Teknolohiya. Kasama rito, ang Pundasyon ay naglayag ng mga usapan kasama ang ating mga pandaigdigang pamayanan tungkol sa iba't-ibang mga mahahalagang paksa, mula sa isang darating na charter na nagtatakda ng mga tungkulin at pananagutan, hanggang sa kung paano kami nakalikom ng mga samahang pagkukunan sa pamamagitan ng banner fundraising. Ang Tanunang Plano ngayong taon ay sinusubukan magbigay ng karagdagang kalinawan sa mga matagalang suliranin sa stratehiya na walang mabilisang pag-aayos, at karagdagang kaalaman tungkol sa pagpapatakbo ng Pundasyon. Ang katugunan ng mga karamihan naming kasapi ay itinatanggap at pinasasalamatan.


Basahin ang sumusunod para sa Taunang Plano ng 2023-2024.

Nasaan tayo ngayon

Isang taon nakalipas, nagpasya kami na tampulan ang pagsisikap ng Pundasyong Wikimedia ang sukdulang baguhin ang kung paano namin ginagawa ang trabaho namin. Kasama rito ang pagaayos ng aming trabaho sa bawat rehiyon upang matugunan ang iba't-ibang kailanganin ng mga pamayanan sa buong mundo, hanggang sa pagpanariwain ng mga pinahahalagan namin sa loob ng Pundasyon upang butihin ang sarili naming antas ng pakikisama. Nilalagay kami nito sa isang mas maayos na kalagayan upang ngayo'y makabuluhanang ibahin kung ano ang ginagawa namin – mas lalo na at nagiiba ang mundo natin sa iba-ibang paraan at tinatasa natin kung paano magkaroon ng mas lansak na epekto sa mga karaniwang layunin papunta sa direksyong estratehiya ng 2030.

Muli, kailangan natin isaaalang-alang ang nagiibang mundo natin, kung ano ang kailangan nito mula sa atin, at kung paano tayo umagpang dito. Sinasaligan namin ang taunang plano na ito sa isang maramihang-taon na pagplano ng estratehiya upang masaalang-alang ang matagalang pagbabago sa kita, produkto at teknologiya, at tungkulin at pananagutan ng kilusang Wikimedia. Ipinapakita ng mga datos sa labas na napaaalis ng mga platapormang pakikipagkapwa ang mga kaugalian na search engine, at na binabanta na maging karagdagang pagkagambala sa digital na mundo ang katalinuhang artipisyal. Kasama rito, makabuluhang nagbabago ang legal na tanawin na inaasahan ng pandaigdigang kilusan natin matapos ang ilang dekada ng relatibong katatagan. Upang matugunan ang mga nagpapatuloy na banta tulod ng sadya o di sadyang pagkalat ng maling kaalaman, sinusubukan na pamahalaan ng mga mambabatas ang mga plataporma sa internet na maaaring kalahatang mapanganib ang ating pakay. Ang mga banta na ito at ang dumaraming polariseysyon ay bumubuo ng mga bagong panganib sa reputasyon ng ating mga proyekto at gawa. Sa wakas, ang patuloy na kawalan ng katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya ay pinapabilis ang kailanganin na tasahin ang pinupuntahan ng mga daloy ng kita natin, at gumawa ng mga pamumuhunan na maaaring itaguyod ang paglaki ng mga mapagkukunan upang mapondohan ang ating samahang gawa at adhikain.

Aming daan patungo sa kinabukasan

Sa pangalawang sumusunod na taon, ang Pundasyong Wikimedia ay ina-angkla ang taunang plano nito sa estratehiya ng kilusan na mapasulong ang pagkapantay-pantay. Balak namin na mas lalong maikabit ang gawa ng Pundasyon sa tagubilin ng Kilusang Estratehiya. Nananatiling hinihimok kami na gawin ito sa pamamagitan ng sama-samang pagplano kasama ang mga iba sa kilusan na ipinapatupad din ang mga tagubilin. Mas lalong magagawa ito gamit ang lalong pagpapalalim ng aming pang-rehiyon na tampulan upang mas lalong matugunan ng Pundasyon ang mga kailanganin ng iba't-ibang pamayanan sa lahat ng rehiyon ng mundo. Dagdag pa rito, inaasahan na malinawan ng paparating na Charter Kilusan ang mga tungkulin, pananagutan, maaaring sa pamamagitan ng mga bagong sama-samahang istraktura tulad ng mga hub at isang Pandaigdigang Konseho. Balak namin na ituloy ang aming pakikisama sa proseso ng charter upang mapasulong ang pagkapantay-pantay sa paggawa ng desisyon para sa kilusan natin.

Pamaraan ng taunang pag-plano:

  • I-angkla sa Kilusang Estratehiya. Itali ang Pagkapantay-pantay ng Kaalaman at Kaalaman bilang isang Serbisyo. Ihanay mas lalo sa mga tagubilin ng Kilusang Estratehiya.
  • Kumuha ng isang pananaw sa labas. Magsimula sa: ano ang nangayayari sa mundo natin. Tumingin palabas. Alamin ang mga pinakamahalagang datos sa labas na nakakaapekto ng trabaho natin.
  • Tampulan ang Produkto + Teknolohiya. Mas panibagong pagtulong para sa mga pamayanan at kusang-loob na tauhan gamit ang kakaiba nating kakayahan na paganahin ang produkto at teknolohiya sa karagdagang sukat.

Ngayong taon, tinatampok ng Pundasyon ang plano nito sa Produkto at Teknolohiya, binibigyang-diin ang ating kakaibang kakayahan na maging plataporma para sa pagsasama ng mga tao at pamayanan sa isang malakihang sukat. Kinkilala ng karamihan ng pagsisikap na ito, na tinatawag na "Wiki Experiences," na ang mga kusang-loob na tao ang nasa puso ng prosesong Wikimedia ng pagbuo ng kahulugan at kaalaman. Samakatuwid, ngayong taon, uunahin namin ang mga matatag na patnugot (kasama ang mga mayroong karagdagan na karapatan, tulad ng mga tagapangasiwa, katiwala, nagpapatrolya, at mga tagapamagitan, na nakikilala rin sa pangalang functionary) sa halip ng mga baguhang patnugot, upang masigurado na mayroon silang tamang kagamitan upang magawa ang kinakailangang trabaho na ginagawa nila araw-araw upang mapalawig at mapabuti ang kalidad na nilalaman, at pati pamahalaaan ang mga proseso ng pamayanan. Kinakailangan din ng Pundasyon na tugunan ang mga kinakailangan na malakihang imprastraktura at datos na maaaring lumago lampas sa tukoy na Wiki Experience ng mga proyekto upang mabisang pamahalaanan ang plataporma.

Pagpapalitan at pagpipili

Ang inaasahan na modelo ng kita ng Kilusang Wikmedia sa karamihan ng makasaysayang paglago nito (banner fundraising) ay umaabot na sa mga hangganan nito. Ang mga bagong daloy ng kita upang madagdagan ito – kasama ang Wikimedia Enterprise at ang Wikimedia Endowment – ay kinakailangan ng oras upang tumubo. Walang katiyakan na sila ay maaaring magpondo ng kaparehong antas ng paglago sa paparating na mga taon tulad ng nakita natin sa banner fundraising ng huling dekada, mas lalo na sa alanganin na pananaw ng pandaigdigang ekonomiya.

Bilang tugon sa mga datos na ito, binagalan ng Pundasyon ang paglago nito noong huling taon kumpara sa naunang tatlong taon. Gumagawa na kami ng mga interno na pagbabawas ng laang-gugulin na kasangkot ang mga di-tauhan at tauhang gastos upang masigurado na mayroong kaming mapapanatiling landas sa mga gastos sa mga susunod na taon. Sa kabila ng mga kahirapan sa laang-gugulin na ito, lalakihan namin ang pangkalahatang pondo sa mga kasama sa Kilusan, kasama ang pagpalawak ng mga kalooban upang: isaalang-alang ang mga gastos dahil sa pandaigdigang implasyon, tulungan ang mga bago sa Kilusan, at dagdagan ang pondo para sa mga komperensya at mga kaganapan ng Kilusan. Kasama sa planong ito ang pagpopondo ng lahat ng mga rehiyon habang inuuna ang dagdag-sukat na paglago sa mga rehiyong kulang ang representasyon. Upang paganahin ang paglago na ito para sa mga kasapi at mga baguhin, ang ibang mga programa ng kalooban (tulad ng pondo ng Pananaliksik at Pagalyansa) ay kinakailangang lumiit. Dagdag dito, habang tinatasa namin ang mga ubod na kakayahan ng Pundasyon, kinikilala namin na mayroong mga gawain kung saan ang mga iba sa Kilusan na maaaring mas nakakayang gumawa ng makabuluhang epekto at sinisiyasat namin ang mga pragmatikong paraan upang tumungo sa dako na iyon sa susunod na taon.

Upang maging mas naaaninag at nanangutan, ang taunang plano na ito ay may kasamang detalyadong kaalaman sa mga pananalapi, kapansin-pansin ang istraktura ng pondo ng Pundasyon, at pati na rin kung paano naaayos ang mga sanga ng Pundasyon, at mga pandaigdigang alituntunin at prinsipyong kabayaran.

Layunin

Mayroong apat na layunin ang Pundasyong Wikimedia sa 2023−2024. Ginawa ito na nakahanay sa Estratehiyang Direksyon ng kilusang Wikimedia at mga Tagubilin ng Kilusang Estratehiya, at itinutuloy ang karamihan ng mga trabahong nakilala sa plano noong huling taon. Ito ang:

Magkasama sa pakay na ito

Sa mga sumusunod na bahagi, makikita mo ang mas tukoy na detalye tungkol sa trabaho ng mga iba't-ibang pangkat sa Pundasyon upang mataguyod ang apat na layunin na ito. Matapos ang isang maikling kasaysayan ng pagplano sa Pundasyon, titingin tayo palabas sa mga nagiiba sa paligid natin – at tatanungin kung ano ang ibig sabihin nito para sa Wikimedia at ang mga kaunahan ng Pundasyon. Ano pa ang kailangan natin isaalang-alang? Sama-sama ba tayong humaharap sa isang direksyon na lumalapit sa pagitaing 2030 ng kilusan? Ano ang kinakailangan ng mundo mula sa atin?

Sa pagpanariwain ng mga pinahahalagan namin sa loob ng Pundasyon, itinataguyod ng kawani namin ang prinsipyong magkaisa tayo sa pakay na ito. Umaasa kami na ang sumusunod na nilalaman ay makapagbibigay ng mas malalim na pagkakaunawaan sa kung paano sinusubukan ng gawain ng Pundasyon na ihatid ang pangako na iyon sa ating lahat.