Jump to content

Fundraising 2010/Kartika Appeal/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki

[ Makabagong alpabetong Filipino ] [ ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔ ]

Kartika

[edit]
  • Pakibasa po:
  • Isang personal na panawagan
  • Mula kay Kartika, isang may-akda ng Wikipedia
  • Isang mensahe mula kay Kartika, isang may-akda ng Wikipedia.

13.3 milyon at sero.

Ilang tao ba ang tumututok sa Wikipedia araw-araw para makaabot sa kaalaman? Mahigit 13 milyon. At magkano ba ang binabayaran nila para makaabot sa ikalimang pinakasikat na websayt sa buong mundo? Wala.

Diyan tungkol ang Wikipedia.

Hindi pa nagkakaroon ng mas mahusay na paraan para sa mga tao sa buong daigdig na malayang maihambag ang kanilang nalalaman sa isa't-isa. Hindi lamang mag-ulat, kundi makihalubilo sa mga artikulo at gawin silang makatotohanan hanggang sa makakaya.

Ngunit ang pinakamagandang bagay sa Wikipedia ay ang lahat ng kaalamang iyon ay naihambag ng boluntaryo, isang tala bawat panahon. At, dahil malaya ang Wikipedia sa pagkokomersyo, tayong mga gumagamit at naglilikha sa Wikipedia ay dapat protektahan at pangalagaan ito isang donasyon bawat oras.

Diyan tungkol ang taunang kampanyang pamumondo ng Wikipedia. Isa itong pagkakataon para sa ating umaasa sa Wikipedia para magtulong-tulong na pangalagaan ang ating tulong-tulong na ginawa.

Nag-ambag na ako ng aking personal na donasyon sa kampanya ngayong taon at umaasa akong pipiliin ninyo ang kasalukuyang panahon para gawin ang sa inyo. Magbigay po kayo ng $20, €30, ¥4,000, o gaano man para panatilihing malaya ang Wikipedia.

Nagsimula akong magsulat sa Wikipedia dahil naisip kong maraming kaalamang nais tingnan ng mga tao na hindi pa naisusulat sa aking wika. Hindi ko ginawa ito para sa atensyon o puri. Ginawa ko ito dahil mahal ko ang aking kultura at nais kong ihambag ang aking nalalaman sa mas marami pang tao hanggat makakaya.

Ginagawa ito araw-araw ng iba't-ibang tao mula sa lahat ng sulok ng daigdig at iyon ang nagbibigay halaga sa Wikipedia.

Sana'y magbigay po kayo ng donasyon ngayon para panatilihing matatag ang Wikipedia.

Salamat,

Kartika, Jakarta, Indonesya