Jump to content

Universal Code of Conduct/Binagong alituntunin ng pagpapatupad/Kaalaman para sa mga botante

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Universal Code of Conduct/Revised enforcement guidelines/Voter information and the translation is 95% complete.
Outdated translations are marked like this.
Universal Code of Conduct

Ang isang botohan para maipatibay ang Binagong Alituntunin ng Pagpapatupad para sa Universal Code of Conduct (UCoC) ay magaganap mula 17 Enero 2023 hanggang 31 Enero 2023 23:59:59 (UTC) sa pamamagitan ng SecurePoll. Lahat ng maaring bumoto sa Wikimeda Community ay mayroong pagkakataon na sumang-ayon o tumutol sa pagpapatupad ng Alituntunin ng Pagpapatupad, at ibahagi kung bakit. Ang pagpapatibay ng alituntunin ng pagpapatupad ay kinakailangan upang maitatag ang landas at proseso ng pagpapatupad para sa UCoC. Hanapin ang karagdagang kaalaman tungkol sa tagubilin sa paghahalal, kasama ang mga maaring bumoto, sa ibaba.

Tignan rin ang mga FAQs sa pagboto para sa kaalaman ng pagboto.

Proseso ng botohan

Kapag naaring bumoto:

  1. Balikan muli ang binagang alituntunin sa pagpapatupad para sa patakaran na Universal Code of Conduct.
  2. Magpasya kung sumasang-ayon o tumututol ka sa pagpapatibay ng Alituntunin sa Pagpapatupad. Kung tumutuol, isulat ang mga iminumungkahi na pagbabago sa mga Alituntunin na isasali sa iyong boto.
  3. Alamin kung paano itala ang iyong boto gamit ang SecurePoll.
  4. Pumunta sa pahina ng pagboboto ng SecurePoll at sundan ang mga tagubilin.
  5. Ipaalala ang mga ibang kasapi ng pamayanan na bumoto!

Ano ang pinagbobotohan?

Sa kalagitnaan ng Enero, ang Mga Alituntunin sa Pagpapatupad (AP) para sa Universal Code of Conduct ay dadaan sa pangalawang buong-pamayanan na botohang pagpapatibay. Sumusunod ito sa botohan noong Marso 2022, na nagbigay ng kalabasang karamihan na sumasang-ayon, ngunit nagbigay ilaw sa mga mahahalagang alalahanin ng pamayanan na hiniling ng Komite ng Community Affairs (CAC) ng Lupon na baguhin. Ang mga lugar ng pansin, tulad ng pagtitimbang ng pribasiya at pagkalinaw, pati na rin ang mga kinakailangan para sa pagsasanay at pagpapatibay, ay nabago.

Sumasang-ayon ang Lupon ng Katiwala ng Pundasyong Wikimedia sa isang pang-pamayanang botohan sa ihinahain na alituntunin ng pagpapatupad ng UCoC kasunod ang kanilang sariling pagpapatibay ng UCoC. Pinapansin din ng mga Katiwala ang pagsang-ayon sa isang ganoong botohan na ipinahayag ng magkasanib na liham ng mga Komite ng Arbitration at sa pagsusuri ng mga kusang-loob na mga functionary, kasaping kaakibat, at ang komite ng pagbabalangkas.

Isa sa mga susing mungkahi ng mga estratehikong layunin para sa 2030 ay ang pagtutulungang paggawa ng isang UCoC para makapagbigay ng isang kabuuang sanggunian ng katanggap-tanggap na ugali para sa buong kilusan na walang pagpaparaya sa panliligalig.

Alituntunin sa Pagpapatupad ng Universal Code of Conduct

Ang mga alituntunin na ito ay para sa pagpapatupad ng Universal Code of Conduct. Ang buod ng UCoC ay dating pinapatupad ng Lupon ng mga Katiwala matapos ang isang pagsasangguni ng pamayanan, ngunit hindi matapos ang isang malinaw na botohan sa pamayanan. Nasasama dito ang mga gawaing pang-iwas, pang-tuklas, at pang-siyasat, at ang mga iba pang gawain para maharap ang mga paglabag ng Universal Code of Conduct. Ang pagpapatupad ay pangunahing pinangangasiwaan ng mga, ngunit hindi limitado sa, mga takdang functionary sa lahat ng mga online at offline na proyektong Wikimedia, mga kaganapan, at mga kaugnay na espasyo na nakapuwesto sa mga plataporma ng ikatlong partido. Ito ay magagawa sa isang organisado at napapanahon na paraan at pare-pareho sa buong kilusang Wikimedia.

Ang Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC ay binubuo ng dalawang bahagi:

  • Prebentibong gawain
    • Pagsusulong ng kamalayan ng UCoC, pagmungkahi ng pagsasanay sa UCoC, at iba pa.
  • Reseptibong trabaho
    • Pagdedetalye ng mga proseso ng paghahain, Pagproseso ng mga iniulat na paglabag, Pagbigay ng mga pagkukunan para sa mga iniulat na paglabag, Pagtatalaga ng mga gawain para sa mga paglabag, atbp.

Bakit kailangan mong bumoto?

Ang pagpapatibay ng alituntunin ng pagpapatupad ay kinakailangan upang matapos ang mga daan, proseso, at gawain ng pagpapatupad para sa UCoC. Ang botohan para sa mga Alituntunin sa Pagpapatupad ay ginawa upang masuri ang pagsang-ayon ng pamayanan sa UCoC at kumuha ng mga puna kung sakaling mayroong mga alalahanin ang mga bumoto sa kasalukuyang ihinain. Alinmang paraan, mahalaga na iparinig mo ang iyong boses gamit ang iyong boto, at pag bumoto ng "hindi", mahalaga na sabihin ang mga bahagi ng alituntunin kung saan mayroon kang alalahanin, at kung bakit.

Pinakamahalaga sa lahat, ang iyong pagboboto ay:

  • Makakasigurado na ang panig ng iyong proyekto ng Wikimedia ay kumakatawan sa global na boto.

Paano bumoto

Isang halimbawa ng balota ng SecurePoll. Alalahanin mabuti na ang votewiki ay maaring magsabi na hindi ka nakalog-in. Mabibilang parin ang iyong boto.

Basahin ang bahaging ito bago pumunta sa SecurePoll upang malaman ang mga makakatulong na kaalaman upang maging madali ang iyong pagboto.

  • Ibibigay ng balota ang botohang tanong at maghahain ng dalawang pilian. Pumili ng "hindi" o "oo". Ang mga boto na hindi napili ang "hindi" o "oo" ay hindi mabibilang sa huling bilangan.
  • Mayroong isang "comment" na kahon kung saan maaring malagay ng iyong mga alalahanin na mayroon tungkol sa iminumungkahi na alituntunin.
  • Matapos, ipapaalam ng SecurePoll na naitala na ang iyong boto.
  • Maari kang bumoto muli sa botohang ito. Mapapalitan niya ang huling boto mo. Maari mo gawin ito kahit ilang beses na nais mo.

Paano malalaman ang kinalabasan ng botohan?

Kinakailangan ang hindi bababa sa 50% na sumasang-ayon na nakisamang tauhan ang kailangan upang mapunta sa pagpapatibay ng Lupon ng mga Katiwala. Sa kasalukuyan, walang iisang gawi na sinusundan ang kilusan sa mga pasado/bigo na botohan (mayroong mga proseso na ginagamit ang tulad ng supermajority (⅔), habang mayroon din na gumagamit ng simpleng mayorya (50% + 1), at mayroon din na umiiwas na lang sa paggamit ng bilangang boto). Para sa prosesong ito, upang sumunod sa mga reperendum sa mga tunay na mga hurisdiksyon ng mundo, napili ang simpleng mayorya.

Ang mga boto ay susuriing mabuti ng isang nagsasariling samahan ng mga kusang-loob na tuhan, at ito ay ilalathala. Tulad ng unang botohan, maaring magbigay ang botante ng kanilang boto at mga alalahanin nila sa mga alituntunin. Titignan ng Lupon ng mga Katiwala ang mga antas ng pagsang-ayon at mga naitaas na alalahanin upang malaman kung ang Alituntunin ng Pagpapatupad ay kinakailangan na mapatibay o madagdagan pa.

Maari ba na makisama ang mga tauhan sa labas ng Pundasyong Wikimedia sa pagsusuri ng botohan upang mapatunayan ang awtentisidad?

Ang kinalabasan ng botohan ay masusuri para sa mga katiwalian ng mga kusang-loob na Wikimedian na mayroong karanasan sa proseso ng botohan at pagpapatunay sa kilusan. Ang mga tagapagpatunay ng botohan ay sina:

Maaring bumoto

Pangkalahatang patakaran

Hindi ka dapat kasalukuyang hinaharangan mula sa pamamatnugot sa mas marami sa isang proyekto upang makaboto.

Mga patnugot

Maari ka bumoto sa iisang kahit anong nakatalang account na ari mo sa isang Wikimedia wiki. Maari ka bumoto ng iisang beses lamang, kahit ilan pa man na account ang pinagmamay-ari mo. Upang makaboto, kinakailangan na ang account na ito ay:

  • hindi hinaharangan sa pamamatnugot sa mas marami sa isang proyekto;
  • at hindi isang bot;
  • at nakagawa ng hindi bababa sa 300 na pamamatnugot bago 3 Enero 2023 sa lahat ng mga wiki ng Wikimedia;
  • at nakagawa ng hindi bababa sa 20 na pamamatnugot simula 3 Hulyo 2022 hanggang 3 Enero 2023.

Ang AccountEligibility tool ay maaring gamitin upang madaling tiyakin kung makakaboto ang isang patnugot.

Tagapag-unlad

Ang mga tagapag-unlad ay maaring bumoto kung sila ay:

  • isang tagapamahala ng isang Wikimedia server na mayroong shell access
  • o nakagawa ng kahit isang naisanib na commit sa kahit anong Wikimedia repos sa Gerrit, mula 3 Hulyo 2022 hanggang 3 Enero 2023.

Karagdagang pamantayan

  • o nakagawa ng kahit isang naisanib na commit sa kahit anong repo sa nonwmf-extensions o nonwmf-skins mula 3 Hulyo 2022 hanggang 3 Enero 2022.
  • o nakagawa ng kahit isang naisanib na commit sa kahit anong Wikimedia tool repo (halimbawa, magnustools) mula 3 Hulyo 2022 hanggang 3 Enero 2022.
  • o nakagawa ng hindi bababa sa 300 na pamamatnugot bago 3 Enero 2022, at nakagawa ng kahit 20 na pamamatnugot mula 3 Hulyo 2022 hanggang 3 Enero 2022, sa translatewiki.net.
  • o tagapangasiwa/taga-ambag sa kahit anong mga tool, bot, user script, gadyet, o Lua na modyul sa mga wiki ng Wikimedia;
  • o lubos na nakatuon sa mga proseso ng pagdisenyo at/o pagsusuri ng teknikal na pag-unlad kaugnay sa Wikimedia.

Alalahanin: Kapag naabot ang pangunahing pamantayan, maari na bumoto agad. Dahil sa mga teknikal na hangganan ng SecurePoll, ang mga tauhan na umaabot sa karagdagang pamantayan ay maaring hindi kaagad makaboto, maliban kung naabot niya ang iba pang mga pamantayan. Kapag sa tingin mo naabot mo ang karagdagang pamantayan, i-email mo ang ucocproject@wikimedia.org kasama ang iyong pangangatwiran hindi bababa sa apat na araw bago ang huling araw ng botohan i.e. sa o bago 27 Enero 2023. Pag naabot mo ang mga pamantayan, idadagdag ka namin sa isang mano-mano na talaan, upang makaboto ka.

Mga kawani at kontratista ng Pundasyong Wikimedia

Maaaring bumoto ang mga kasalukuyang kawani at kontratista ng Pundasyong Wikimedia kung sila'y ineempleyo na ng Pundasyon simula 3 January 2023.

Mga kawani at kontratista ng mga kasapi ng kilusang Wikimedia

Maaaring bumoto ang mga kasalukuyang kawani at kontratista ng mga Chapter, pampakay na organisasyon o grupo ng mga manggagamit ng Wikimedia kung sila'y ineempleyo na ng kanilang organisasyon simula 3 January 2023.

Maaaring bumoto ang mga kasapi ng mga pormal na kinakatawan na nakasulat sa mga tuntunin ng mga Chapter, pampakay na organisasyon o grupo ng mga manggagamit ng Wikimedia kung sila ay nagsisilbi sa tungkulin na iyon simula 3 January 2023.

Mga kasapi ng lupon ng Pundasyong Wikimedia at mga kasapi ng lupong tagapayo

Maaring bumoto ang mga kasalukuyan at nakaraang kasapi ng Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyong Wikimedia at kasapi ng Lupong Tagapayo ng Pundasyong Wikimedia.

Mga kasapi ng Komite ng Kilusang Wikimedia

Maaaring bumoto mga kasalukuyang kasapi ng mga Komite ng Kilusang Wikimedia kung sila ay nagsisilbi sa tungkulin na iyon simula 3 Enero 2023.

mga taga-organisa ng pamayanan ng Kilusang Wikimedia

Maaaring bumoto ang mga taga-organisa ng pamayanan na nasa mabuting katayuan, na hindi nakakaboto sa ilalim ng ibang mga kategorya kung kabilang sila sa isa sa mga sumusunod:

  • humiling, nakakuha at nag-ulat sa kahit isang kaloob ng Wikimedia Foundation simula 1 Setyembre 2021.
  • naging isang taga-organisa ng isang pinondohang hackathon, paligsahan o ibang pangyayaring Wikimedia na mayroon on-wiki na dokumentasyon na mayroon hindi bababa sa 10 na dumalo/bumisita/lumahok simula 3 Enero 2022 hanggang 3 Enero 2023.

Karagdagang pamantayan

Kapag sa tingin mo naabot mo ang karagdagang pamantayan, i-email mo ang ucocproject@wikimedia.org kasama ang iyong pangangatwiran hindi bababa sa apat na araw bago ang huling araw ng botohan i.e. sa o bago 27 Enero 2023. Pag naabot mo ang mga pamantayan, mano-mano na idadagdag ka namin sa listahan ng mga maaaring bumoto.

Karaniwang katanungan sa pagboto

  1. Paano ko malalaman kung makakaboto ako?
    Maaring gamitin ng mga patnugot ang AccountEligibility tool upang malaman kung makakaboto kayo sa kasalukuyang halalan. Mayroon ang pahina ng kaalaman sa iyong global na account upang maaral ang iyong bilang nga mga pamamatnugot at kasaysayan ng paga-ambag.
  2. Paano naitakda ang mga pamantayan para makaboto?
    Ang Lupon ng Pundasyong Wikimedia ang nagtakda ng mga pamantayan bago ang simula ng halalan. Ito ay pareho sa mga ginagamit na pamantayan para sa halalan ng Lupon ng mga Katiwala.
  3. Hindi makaboto ang naaaring botante
    Maaaring makakuha ka ng mensaheng: "Paumanhin, ngunit hindi ka nakalagay sa talaan ng mga naaring bumoto."
    Mga solusyon

    Siguraduhin na naka log-in ka.

    Siguraduhin na bumoboto ka galing Meta-wiki, maaari mo gamitin ang link na ito para makapunta sa pahina ng simula ng boto.

    Kung ikaw ay isang taga-unlad, kawani ng Pundasyong Wikimedia, kasapi ng Komite ng Kilusang Wikimedia, naaaring nakakuha ng kaloob, o kasapi ng Lupong Tagapayo, maaaring wala kang tukoy na username at kailangang mano-mano na idagdag sa listahan. Kailangan abutin mo ang ucocproject@wikimedia.org para maidagdag sa talaan. Dapat may ibigay na tugon sa loob ng 72 na oras para maidagdag ka sa talaan.

    Kung hindi ka parin makaboto at naniniwala ka na dapat nakakaboto ka, iwan ng isang mensahe ang usapang pahina ng botohan o abutin ang Komite ng Halalan sa ucocproject@wikimedia.org. Mayroon dapat na tugon sa loob ng 72 na oras.

  4. Hindi ako makalog-in sa VoteWiki
    Hindi mo kailangan mag log-in sa VoteWiki upang bumoto. Kapag nakikita mo ang balota, nakilala ka ng SecurePoll. Para sa mga kadahilanang pangseguridad, tiyak lang ang bilang ng mga account na nakarehistro sa VoteWiki.
  5. Makikita ba ng iba ang binoto ko?
    Hindi, matatag ang halalang ito. Ang halalang ito ay gumagamit ng SecurePoll na software. Ang mga boto ay lihim. Walang tao sa Komite ng Halalan, Lupon, o kahit sino sa Pundasyong Wikimedia ang nakakakita. Isang kasapi ng Trust & Safety na pangkat ng Pundasyong Wikimedia ang naghahawak ng susing encryption para sa halalan. Matapos aktibahin ang susi, titigil ang halalan.
  6. Anong datos ang kinakalap sa mga botante?

    Mayroong ibang datos na nakakatukoy ng isang botante na nakikita ng ilang napiling tao na magsusuri at magtatala ng halalan. Tignan ang mga tagasuri ng pagpapatupad na inihayag sa taas.

    Kasama dito ang IP address at user agent. Kusang mabubura ang datos na ito 90 na araw matapos ang halalan.

  7. Paano magagamit ang datos na ito?
    Ang mga nakalap na datos galing sa halalang ito ay ibubuod sa pahina para sa kinalabasan ng halalan sa Meta at sa ulat ng election matapos ang pagsusuri. Walang ilalathala na kaalaman na nakatutukoy ng isang botante. Maaaring gamitin ang nakalap na nakatutukoy na kaalaman upang malaman ang bilang ng bawat botante at ang global na paglaganap ng mga botante.
  8. Kapag bumoboto ako, wala akong nakikita na pagkilala na natanggap ang aking boto, at mayroong nagpapakita na mensahe na kailangan ko mag log-in upang bumoto. Ano ang nangyayari?

    Hindi mo kailangan maglog-in sa votewiki upang bumoto. Ang suliranin na ito ay maaaring isang problema sa pag-cache. Subukan bumoto ulit sa m:Special:SecurePoll/vote/394.

    Alalahanin din na malaya ka na tumalaga o bumago ng iyong mga napili sa botohan ng ilan mang beses na nais mo. Isa lang ang mabibilang na boto kada tao, at papalitan ng sistema ang huli mong (mga) boto gamit ang bago, at ibabasura ang iyong (mga) huling boto.

    Matapos ang proseso ng pagboto, mayroong ipapakita na resibo sa iyong screen, na maaari mo itago bilang katunayan na bumoto ka.

  9. Paano pinangangalagaan ang sistema pangboto mula sa mga tao na naglalagay ng maramihang boto?
    Isa lang ang mabibilang ng sistema na boto kada tao. Malaya ka na tumalaga o bumago ng iyong mga napili sa botohan ng ilan mang beses na nais mo. Papalitan ng sistema ang huli mong (mga) boto gamit ang bago, at ibabasura ang iyong (mga) huling boto.
  10. Napipilitan o hinihikayat ba na bumoto ang mga kawani ng isang tukoy na paraan?
    Hindi, ang mga kawani ng Pundasyong Wikimedia at ang mga kawani ng mga kaakibat ay hindi hinihikayat na bumoto ng isang tukoy na paraan. Hinihikayat naman ang lahat na bumoto para sa sarili. Para mayroong bisa ang alituntunin ng pagpapatupad ng Code of Conduct, kinakailangan na mayroong tapat na input upang malaman namin kung mayroon pang mga lugar na kinakailangan ng pagpapabuti.
  11. May kinikilingan ba ang pangkat ng Trust and Safety ukol sa kinalabasan ng boto?
    Mayroong tatlong pangkat ang Trust and Safety: Patakaran (Policy), Disimpromasyon (Disinformation), at Operasyon (Operations). Ang pangkat na nagpapadaan ng UCoC ay ang pangkat ng Patakaran. Ang pangkat ng Patakaran ay hindi kasali sa mga pagsisiyasat ng ugali ng mga tagagamit. Habang hindi pinaniniwalaan na mayroong o maaaring magkaroon ng kinikilingan ang pangkat ng Operasyon, ang paghihiwalay ng mga tungkulin na ito ay sadya upang maiwasan ang hindi-sadyang pagkikilingan. Hindi tinatasa ang pangkat ng Patakaran kung ang kasulatang ito na pinagtutulungang nilikha ay napagsang-ayunan sa unang pagtakbo nito o kailangan pa ng karagdagang pagpapaunlad. Sa halip, sila ay tintatasa kung ito ay tumutugma sa pamayanan. Ibig sabihin nito ang pag-unlad ng pagtutulungan sa pagpapatupad ng UCoC na gumagana para sa pamayanan. Layunin namin na makamit ang tungkulin na iyon hanggang maaari.
  12. Mga ibang tanong na hindi nabanggit dito
    Para sa mga problema na teknikal o ng sistemang botohan, i-email ang ucocproject@wikimedia.org. Ibigay ang username na ginagamit upang bumoto at ang proyekto kung saan sinusubukan mong bumoto. Mayroong isang kasapi ng grupo na sasagot sa iyong i-email sa madaling panahon.